You are on page 1of 1

Gaano nga ba kahalaga ang CLOSURE sa isang relasyon? Ano nga ba ang CLOSURE ?

Dati naririnig ko lang yan CLOSURE na yan. Paki ko ba diyan noon ? Basta kapag nag-break, okay na. Move on na agad. Wala ng usap-usap . Pero natutunan ko yun halaga ng CLOSURE dahil sa last relationship ko.(hmmm. OO, sa huli kong relasyon . Seryoso kasi) Mahirap pala kapag biglang wala na, kapag hindi na pag-usapan ng maayos, kapag hindi na tuldukan ng maayos yun relasyon. Yun para kang na iwan sa ere. Ang daming tanong na naglalaro sa isipan mo. Yun para bang na iwan ka without explanation. Dahil syempre walang matinong pagtatapos ang hirap para sayo na kumawala at nanatili ka pa din tuloy nakatali sa kanya kasi umaasa ka pa na pwede pa maayos ang lahat. Sabi nga dun sa isang blog na nabasa ko (http://www.actlikeaman.org/closure2/#ixzz2ihdhxNrz) "No closure makes it harder for somebody to move on. No closure is inviting false hope or security that it still could be when you know it wont be. Understand that both of you made investments in the relationship. Closure is a hard process to go through but it is essential and healthy for both parties. Hindi naman siguro mahirap ibigay yun CLOSURE. Para din yun sa ikakapayapa ng puso niyo parehas. kaya boys: "if you know how to open her heart, you should know how to lock it again."

You might also like