You are on page 1of 6

Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensyahan ng Tsina at ng India.

Subalit, marami ring mga kakaibang mga kultura na umusbong sa Thailand simula noong nagsimula ang kultura ng Baan Chiang. Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang Kahariang Budhista ng Sukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ng Emperyong Khmer noong ika-13 - hanggang ika-15 siglo. Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ng Sukothai ay natabunan ng mas malaking kaharian ng mga Ayutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop ang Angkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliang Hindu ay dinala sa Ayuthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam. Pagkatapos ng pagbagsak ng Ayuthaya noong 1767, Ang Thonburi ay naging kabisera ng Thailand sa sandaling panahon sa ilalim ni Dakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ng kudeta noong 1782. Ang kapangyarihang Europeo ay simulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mga Europeo, ang Thailand ay nag-iisaang bansa na hindi nasakop sa Timog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Thailand ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensyon sa pagitan ng Pranses at mga Briton. Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagong monarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Thailand ay kakampi ng Hapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ng Estados Unidos. Ang Thailand ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod sunod na kudeta, ngunit natuloy din ito sa demokrasya noong 1980. Noong 1997, ang Thailanday tinamaan ng krisis pinansyal ng Asya ay ang baht ay nagkahalaga ng 56 baht bawat isang dolyar EU kumpara sa 25 na baht noong bago pa ang krisis.

You might also like