You are on page 1of 1

Malaman na Baboy: Paghinog ay Hintayin o Habambuhay na Lutuin?

Ang katawagang pork barrel ay tumutukoy sa perang binabayad ng mga Pilipino na siyang ibinibigay naman ng gobyerno sa isa isang partikular na lugar upang makatulong sa mga mamamayan nito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa. Di maikakaila na pumutok ang isang eskandalo patungkol sa nasabing pagwawaldas at pagkamkam sa nasabing fund ng gobyerno. Lumabas ang balitang ito ng masagip ng mga opisyal ng NBI si Benhur K. Luy, pinsan at dating kanang-kamay ng nasabing mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles na una ng nadawit sa Fertilizer Fund Scam noong 2004. At matapos nga ng masinsinang imbestigasyon, napag-alamang marami rin sa mga kongresista at senador ng bansa ang kasama sa naturang pagkamkam ng kaban ng bayan. Bagamat isa itong government fund na marahang nilalaanan ng pamahalaan bawat taon, iminumungkahi na sa senado ang pagbabasura sa naturang pork barrel dahil na rin sa malawakang korupsyon ng mga opisyal ng gobyerno. Ngunit bago tayo humantong sa isang desisyon, mainam na malaman muna natin ang lahat-lahat sa naturang pork barrel ng gobyerno. Ang pork barrel ay itinalaga ng pamahalaan para mga Pilipino. Layunin nito na makatulong sa mamamayan at mapaunlad pa ang kani-kanilang mga lugar. Isa sa mga prebilihiyo ng naturang pondo ng gobyerno ay ang pagbibigay ng scholarships sa mga taong hindi kayang suportahan ang kanilang pag-aaral. Dahil rito ay nakakapag-aral ang mga Pilipinong kapos sa pera. Maliban dito ay nagbibigay rin ang naturang pondo ng gobyerno ng medikong tulong. Tinutulungan nito ang mga pasyenteng walang perang pambili ng gamut at ang mga walang kakayanang magbayad sa ospital. Sa kabilang dako naman, ang mga opsiyal ng gobyerno na siyang ibinoto mismo ng mga Pilipino ay nangungurakot sa nasabing pondo ng gobyerno. Dahil sa tinatawag na guidelines ng Deprtment of Budget and Management, may sinusunod na proseso ang mga opisyal ng gobyerno sa pagbubulsa ng pera. Una ay nagtatalaga sila ng mga programa. Pagkatapos ay ipinapasa nila ang budget ng nasabing programa. Ngunit sa budget na ito ay pinapasobrahan nila ito sa tamang angkop ng pera na gagamitin para rito. Sa gayung paraan, aakalain ng gobyerno at ng tao na ang pondo ng pamahalaan ay nagagamit ng wasto sa mga programang ito. Ngayong tapos na nating suriin ang dalawang ng nasabing issue, masasabi kong isa ako sa mga nagtutulak na ibasura ang pork barrel. Marahan na pigilan na natin ang pag-uudyok sa mga opsiyal ng bayan sa pangungurakot. Hindi na dapat natin silang hayaan na ibulsa ang kaban ng bayan. Ngunit sa kabila ng aking isinusulong na prinsipyo, umaasa ako na kung sakali man na mabasura nga ang pork barrel na ito ay patuloy pa ring makakapag-aral ang mga mamamayan natin Pilipino at makatanggap ng tulong pinansyal pang-medikal.

You might also like