You are on page 1of 4

SCIENCE, VIRTUE AND LABOR

Binigkas ni Dr. Jose Rizal noong 1889 sa Lohiya Solidaridad, Madrid.

Humanga si Rizal sa pamamaraan ng pagpapahayag at pagpuna ng mga Masong Espanyol sa mga patakaran ng pamahalaan at pagbatikos sa mga prayle, na hindi nagagawa sa Pilipinas.
Si rizal ay sumapi sa lohiya ng Masonerya sa kadahilanang makahingi ng tulong sa Masonerya sa pakikipaglaban sa mga prayle sa Pilipinas.

*Mahalagang bahagi ng talumpati ni Rizal noong 1889:


Ang tungkulin ng makabagong tao sa aking pag-iisip ay tungo sa sangkatauhan dahil kapag ang tao ay may dignidad, mababawasan ang mga sawimpalad at mas darami ang masayang tao sa buhay na ito. Ang sangkatauhan ay hindi matutubos kung mayroong lumuluha hanggat may mga isipang ipininid at mga matang binulag ng nagbibigay sa iba ng karapatang mamuhay gaya ng mga sultan na sila lamang ang may karapatan sa kasayahan at kagandahan. Ang sangkatauhan ay hindi matutubos habang ang katwiran ay hindi malaya, habang iginigiit ng pananampalataya ang sarili sa katotohanan, habang ang mga kapritso magiging batas, at habang may mga bansang sumasakop sa iba.

Para makamit ng sangkatauhan ang mga dakilang tadhanang ginagabayan ng Diyos, nangangailangan ito sa kanyang poder ng pagwawaksi sa karahasan at tiraniya, ng salot na di masugpo at walang hinagpis at suumpany maririnig sa pagmamartsa nito. Kailangan ang matagumpay na karera ay magmartsa sa himno ng kaluwalhatian at kasarinlan na may maaliwalas na mukha at malinaw na pag iisip.

You might also like