You are on page 1of 1

Ang Nasa Isip Ko Ngayon Jayzinzan Kakaiba na sa lahat ng kakaiba ang nararamdaman ko ngayon lalo na at nalalapit na ang pagkuha

naming mga 4th year ng Nursing Licensure Examination. Sobra na yung pressure. Tumitibok-tibok ang puso ko. Kumakabog-kabog sa kaba at tensyon. Hindi ko na alam kung paano ko ibabalik ang mga panahong nasayang ko sa pamamahinga ng wantusawa, panunuod maghapon-magdamag, pagtulog ng sampung oras at pag-iinternet hanggang madaling araw na sana nailaan ko nalang sa pag-rereview ko. Nasa huli pala talaga ang pagsisisi. Pero habang panahon ko nalang nga ba sisishin ang sarili ko dahil hindi ako nakapagreview ng mas maaga? Lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko, Hayaan mo na, may review center naman. At ang pagdating nila ang aking palaging inaantay nang maumpisahan na ang pagbabalik tanaw sa aming mga napagaralan. Pero hindi naman kasi tama na iasa ko sakanila ang magiging talino ko sa pagsagot sa board exam, nasa sakin pa rin yun. Wala ng mahabang oras na nalalabi pa upang simulan ko ang pagbabasa ng Fundamentals of Nursing mula page 1. Pero atleast, nabasa ko naman at natapos ko i-scan yung table of contents! Ohh, achievement! Hahaha. Pero naisip ko, meron pa akong halos tatlong buwan upang mapatunayan ko sa sarili ko na kaya kong isaksak sa kasuluk-sulukan ng parte at kurba ng utak ko ang mga ibang bagaybagay pa. Meron naman tayong stock knowledge diba? Hindi ako naniniwalang walang na-stock kahit kaunti diyan. Odiba kapag nag-iisip ka at gusto mong maalala ang knowledge na nastock mo, nilalagay mo ang kamay mo sa may noo? Ohh, frontal lobe yan. Galing noh. Naisip ko rin na kumilos na ngayon. Dahil kung hindi ngayon, kalian pa? Naisip ko rin na paano kung wala naman ako sa mood na magreview? Papakamatay na ba ako? Syempre hindi, sayang yung tuition ko ngayong sem tsaka hindi pa nga pala bayad yun. Hahaha. Anyways, sabi nga ni Sir Carl News este Balita sa book niya, magreview raw tayo kung kalian tayo nasa mood dahil walang papasok sa kokote natin kung pinipilit natin ang ating mga sarili. Kung gusto mo raw manuod ng TV, sige push! Basta pagkatapos mo makuha ang mood na gusto mo, simulan mo na ang pag-aaral mo. Ayan na rin ang mga kaibigan mong nangungumbinsi na mag-aral ka na, kumilos ka na karakaraka pero sila din itong wala pa ring nasisimulan. Hahaha. Pero isang bagay lang ang talagang dapat ipagpasalamat, ang pagiging nandiyan nila para takutin ka na mag-aral ay isang clue na tunay silang kaibigan. Kasi kanyo bakit? Sila yung taong ayaw kang makita na madapa at malugmok dahil sa kapabayaan mo sa sarili mo; sila yung nandiyan para iangat ang pagkatao mo at mamotivate ka; at sila ang naging instrumento ng Diyos upang tulungan ka na itayo ang sarili mo (dahil mabigat ka joke hehehehe) dahil nawawalan ka na ng pag-asa. Kaya thank you fuhriends! Eto na ang huli kong naiisip, wala naman nang mas gagaling pa sa sandata ng pagdarasal. Simple lang noh? Bastat tapat at nasa puso talaga ang pagtawag mo sa pangalan Niya, isang kislap lang ayan na ang hinihiling mo. Daig pa fireworks pag dumating ang blessings, may spark! Konting sakripisyo lang naman ang nais Niya para makita Niyang tunay at tapat ang saloobin natin. Wala naman kasi tayong kawala, sa hulit huli, Siya at Siya lang din ang kakapitan natin pag talagang wala na tayong choice pa. Kaya huwag ka nang mangamba pa, dahil alam ko Bro na resbak kita! (Sabi yan ni Coco Martin. Hehehehe.) Humayo na at mag-aral! Kaya natin ito! God bless us all, future RNs! Love love!

You might also like