You are on page 1of 13

ManiaZone

~~~~~~

Narito ako ngayon sa isa sa mga lugar na nakakapagpapaalala sa kanya.

Narito sya ngayon? Pero bakit parang may nagbago yata sa kanya? Hindi na yata nakalitaw yung dimples niya na laging nagpapagaan ng loob ko sa twing makikita ko. Isang buwan na ang nakakalipas nang huling nakita ko siya dito? Pero bakit kahit lungkot ang nakikita ko sa mga mata nya, bakit parang dapat kong ikasaya ang nakikita ko..

Tama ba ito? Piliin ang lugar na ito para makalimutan sya? Paano ako magsasaya sa lugar na ito kung sa bawat ngiti at tawa ko nagpapaalala ng masasayang araw ko kasama sya. ..

..dahil ba sa hindi na nya kasama ang lalaking nagsasabing isantabi ko muna ang nararamdaman ko noon. Ngayon na yata ang pagkakataon.

***** "Do you think bringing her here is a good idea? Look at her." Sabi ni Ruth kay Momo na halata ang pag aalala sa kaibigan.

"Wala ka talagang tiwala sakin noh? Trust me Ruth, she'll move on may kasama pang bonus yan." Paninigurado ni Momo habang nag papa-load sa counter sa swipe card ng ManiaZone. Samantalang si Phema naman nakatulala sa mga taong nakikitang naglalaro. Halata sa kanya na may malalim siyang iniisip at batid ni Ruth na hindi ito maganda. Nung lingunin ni Momo si Phema, napangiti lamang ito na tila may namumuong plano na naman ito.

Nang matapos na ang cashier binalik nito ang mga pinaloadan na swipe cards. Sabay na lumapit ang dalawa kay Phema at biglang inakbayan ni Momo si Phema. "Lez go! Tig 300 yung load natin. Saan tayo mauuna?"

"Kahit saan." sagot ni Phema kasabay ng matipid na ngiti. Paano nga ba sya makakangiti ng buo?

Una sa lahat, napasama lang siya sa pag aaya ng mga kaibigan niya. Pumayag sya kahit labag sa loob nya dahil isa ang lugar na to na nakasaksi ng mga ngiti nya kasama ang lalaking hanggang ngayon ay mahal niya. Alam niyang ginagawa lang naman ito ng mga kaibigan dahil alam nila ang nararamdaman niya dahil sa nangyari kahapon. Ang makita ang ex boyfriend niya na may kasamang bagong babae. Sobrang sakit para sa kanya ang nangyari dahil sa tinagal nilang mahigit dalawang taon na relasyon, isang buwan pa lang ang nakakalipas nakahanap na agad ito ng kapalit niya. Samantalang siya malaki pa rin ang pag asa na bumalik ang relasyon nila. Love is blind. Katulad ng nasa isip at nararamdaman niya ngayon, hindi totoo ang

nakita niya kahapon, na kaibigan lang nito ang kasamang babae, na maaaring namalikmata lang siya at hindi ang ex niya ang nakita niya.

"Basketball tayo!" Suhestiyon ni Ruth na agad namang hindi sinang ayunan ni Momo.

"Nuh-uh. Thats not a good idea Ruthay! Dito tayo sa ********sabi nya habang hinihila si Phema sa ******. I know this is the right place to displace your emotions, Phem?

Ano ba kayo? Parang hindi nyo ako kaibigan. Hindi ko kailangan ng mga pinapalo palo o kahit pa binabato. Videoke na lang tayo. Sabay ngiti, pero sa pagakakataong ito, hindi ito pilit na ngiti. She, then realizes how her friends want to help her get through it.

Kuya Rico! tawag ni Ruth sa isa sa mga crew ng ManiaZone. Agad namang lumapit ito sa mga dalaga.

Yes Maam? Song book po ba? tanong nito ng nakangiti.

Yes kuya, padala mo na lang sa V2, thanks. Paalis pa lang sana si Tyron pero pinigilan ito ni Momo.

Kuya! ID nga pala! Kaso wala pala akong dala, ikaw ba Phem? Hinalungkat ni Phem ang bag niya saka inabot kay Momo yung ID niya. Oh kuya Rics pagkakataon na! sabi ni kay Rico habang inabot yung ID ni Phem na binalikan naman ng ngiti ni Rico. Samantalang takang taka naman yung dalawa.

Pumasok na silang tatlo sa V2, isang videoke cubicle. Bakit nagpakuha pa tayo ng songbook, eh alam naman na natin yung mga kakantahin nating number.

Nagsasawa na kasi ako sa kinakanta ko eh, kayo ba? sabi ni Momo.

Well, You have the point, Mo.

Makalipas ang isang oras, lumabas na sila sa cubicle. Nakangiting lumabas silang tatlo, pero nawala iyon sa mukha ni Phem ng makakita siya ng mag nobyo na naglalaro sa catcher. Tuwang tuwa ang babae at napalundag at napayakap pa ito sa boyfriend niya nang makakuha ito ng isang manika, manika na matagal tagal ng pinagkakagastusan ni Phem.

Oops! Tara kantahan na lang kaya ulit tayo, mukhang nahagip na naman ng mata ni Medussa yung isa dyan eh, pakibuhat nga yung batong yan, Mo asar ni Ruth sa kanya.

Di pa dumudugo yung mga lalamunan niyo sa kakakanta? Tara dun tayo sa catcher. Aya ni Phem Sa Mga kaibigan. Silang dalawa naman ang nahagip ng mata ni Medussa at naging bato. Si Phem naman ay nauna na sa harap ng catcher at nag swipe na ng kanyang card. Napansin niyang iisa na lang yung manikang dolphin sa catcher.

Minaniobra na nya yung lever ng catcher saka itinapat na to sa manikang matagal na niyang gusto. Hindi niya rin alam ng mga kaibigan niya kung bakit ayaw sumuko nitong si Phem. Kahit sobra sobra pa yung ticket na nasa card na pwedeng ipambili sa mga prizes na nakadisplay sa counter ng ManiaZone, hindi pa rin daw niya ito ipambibili dahil ang gusto niya ay makuha niya mismo sa catcher yung pink na dolphin.

Tulad ng inaasahan, bigo na naman niyang makuha yung manika. Ang inaakala pa naman niya ay suswertehin siya dahil minalas siya kahapon.

Seriously Phem, whats in that catcher that up till now gustong gusto mo pa rin makuha yung dolphin? Nung kayo pa ni Joseph yang panata na yan ah?

Nagulat si Momo sa sinabi ni Ruth, na kahit mismo siya nagulat sa sarili. Napatakip to ng bibig sa sinabi. Natauhan na lang siya nang magsalita si Phem.

Wala lang. sikreto ko na yun, pero walang kinalaman ito sa dating relasyon namin ni Joseph.

Naku Phem, sorry, sorry. Sabi ni Ruth habang yakap si Phem.

Okay lang, natural lang na sabihin mo o maging curious ka, kasi hindi mo naman alam kung ano talaga yung sikreto kong yun, kaya okay lang.

Naubos na naman ni Phem yung load ng card niya dahil sa catcher kahit nga yung tig 60 nila Momo at Ruth inutang na niya, pero imbis maging utang, binigay na nila ito sa kaibigan tulong na rin sa tinatawag ni Ruth na panata ni Phem.

Ano nga ba ang dahilan ni Phem?

Ayon sa mga naririnig niya, swertihan lang ang mga nakakakuha sa catcher, kumbaga kapag nakakuha ka na, napaka swerte mo na. Naiinggit siya sa mga babaeng nakakakuha sa catcher.Sa oras na makakuha kasi niya siya sa catcher, gusto niyang ibigay yun sa taong mahal niya bilang regalo. Ang regalo na yun ang magiging pinaka importante sa lahat dahil doon niya binigay lahat ng effort niya. Bakit dolphin? Mahilig kasi si Joseph sa dolphin, at marine biologist ang kinukuha nitong kurso. Simula ng magbukas ang ManiaZone sa luagr nila, doon din nagsimula yung relasyon nila ni Joseph.

~`!@#$%^&*()-=[]\;,./?><}{+_

Gumising na naman siya ng masama ang loob pero hindi niya alam kung bakit. Dahil pa rin ba sa pagkakahiwalay nila ni Joseph o dahil sa bigo na naman siya sa pagkuha ng manika sa catcher, o parehas ang naiisip niya. Bago matulog, pumasok sa isip niys yung sinabi ni Ruth sa kanya.

..Nung kayo pa ni Joseph yang panata na yan ah.

Para saan pa yung panata niya? Hindi ba para kay Joseph ang regalo na iyon? Paano yan wala na sila? Wala na bang dahilan para ipagpatuloy niya pa yung pagkuha sa catcher na iyon? Para saan pa kung swertehin siya at makuha yung manika?

Tiningnan niya yung cellphone niya, at nang makita niya kung kanino galling ang nag iisang message ay mas lalo siyang pinanghihinaan ng loob. Parang ayaw na niyang gumising dahil nasimulan na naman ni Joseph ang umaga niya ngdi maganda ganda.

Alam niya kasing isang good morning lang ang text na iyon at hindi lang siya ang nakatanggap ng message na iyon mula kay Jospeh.

Hindi na lang niys ito biinasa at hinayaan. Nagulat naman siya nang biglang bumukas ang pinto niya at tambad nito si Momo, Ruth at si Jasmin. Sa isip isip niya isang malaking kamalasan ang buong araw na ito, dahil mula kay Jospeh sinundan naman ito ng magugulo niyang kaibigan.

Omo! Sakto gising ka na pala! Tara ManiaZone tayo! Treat na ni Jas yung tig 50, absent to kahapon eh! sabi ni Momo, na tinaasan na lang ng balikat ni Jasmin. Ano pa nga bang magagawa niya, na uto na naman siya ni Momo.

Pwede ba mamaya na? kagigising ko lang, saka maaga pa, malamang sarado pa yun.

Duh? Parang hindi ka taong ManiaZone, sabado kaya ngayon kaya 9 sila magbubukas. Singit ni Ruth.

Tumayo na lang siya dahil hindi niya kaya pang matagalan ang kakulitan ng mga kaibigan, malamang lamang hindi siya titigilan ng mga ito kahit sabihin niyang may sakit siya. Well, mga student nurses sila. Clinical eye! Yan ang talent ng mga chichu.*

~`!@#$%^&*()-=[]\;,./?><}{+_

Pilit na nilabas ni Jasmin ang wallet niyang 7 years na niyang gamit, at naglabas ng pera para bayaran ang tig 50 ng mga kaibigan at 300 naman para sa kanya.

Kamalasan na naman ang tumambad kay Phem dahil walang available na cubicle ng videoke. Tuwing weekends dagsa ang mga tao sa ManiaZone, kahit inagahan na nila ang punta, hindi pa rin sila nakaabot.

Maglaro na lang muna tayo. Hintayin na lang natin kung may aalis na. sabi ni Ruth.

Sige, dun muna ako sa catcher ahh.

Nang makapunta sa harap ng catcher, napahinto siya nang maalala ang mga inisip kagabi. Teka? Para saan pa ito? Anong gagawin ko dito?

Napansin ni Momo na parang napahinto si Phema sa pag swipe ng card. Whats wrong? Have you thought about quitting dahil nakakasawa na? o dahil wala na yung taong pinaglalaanan ng panata mong yan?

Natigilan siya sa sinabi nito. Ganun din ang iniisip niya, pero bago siya umatras, pinagpatuloy pa rin ni Momo ang pagsasalita.

Do not quit! Kapag may nawala, ang kailangan lang ay palitan, hindi mo kailangang huminto o baguhin ang lahat dahil may isang nawawala. Palitan mo si Joseph, palitan mo na yung kinukuha mong dolphin, maraming iba pang manika sa catcher at i-dedicate mo sa panibagong tao yung panibagong manika para sas taong yun.

Takang takang tinanong ni Phema si Momo, How did you know that? Tinutuloy nito ang sikreto niya tungkol sa panata nyang yun.

Sorry, I didnt mean na mabasa yun. When I borrowed your tab, curiously I opened the note hush-hush. Akala ko kasi kanta or kung anuman. Then ayun nabasa ko.

Destiny speaks for you, dear. Di mo yata napansin na wala ng dolphin sa catcher. I guess its time to change your bet. Singit ni Jasmin dahilan para ituon ni Phema ang tingin sa catcher. Jasmin is right, wala na ngang dolphin. What was that mean?

Nagulat silang lahat nang biglang may tumugtog. Nilingon nilang mag kakaibigan yung stage ng open videoke, pero imbes na sa videoke manggaliing ang tugtog, sa gitara ng isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa stage. Si Rico.

This song is dedicated to the lady in white halos lahat ng tao napahinto at nagtinginan ng mga damit. Silang apat na magkakaibigan ay nakasuot ng kanilang college shirt na white.

~~~~~~~~~~~~~ Baby you are- by Julie Ann San Jose ~~~~~~~~~~~~~

Palapit ang binata sa kanila. Si Jasmin, Ruth at si Phema ay hindi maipaliwanang ang mga emosyon na inilalabas, samantalang si Momo naman ay kalmang nakangiti lang na nakaekis ang mga braso.

Nilabas ng binata yung tatlong white roses na hawak hawak niya mula sa likod. Bumwelo siya ng makalapit na sa harap ni Phema para makaluhod. Kinikilig naman si Ruth at Jasmin na itinutulak tulak pa ang kaibigan sa binata, samantalang ganun pa rin ang pinapakita ni Momo. Si Phema naman ay hindi makapaniwala. Matagal na niyang kilala si Rico. Hindi niya akalain at hindi niya maipaliwanag kung bakit ginagawa niya ito--kailan pa?

Alam ko nagtataka ka, naguguluhan, at nagulat. Matagal na to, simula pa lang nang makita kita kaso kasama mo siya kaya ngayon lang ako nag lakas ng loob. Nagtataka ka siguro kung bakit wala ng laman ng dolphin yung catcher no? lahat kasi kinuha ko na, ayun oh! sabay turo saa sulok ng stage kung saan may isang malaking plastic bag na punong puno ng mga dolphins. alam ko kasing hindi ka makakuha, at alam ko din kung gaano ka kapursigido makakuha lang sa catcher, kay tuwing day off ko, nangunguha ako. Kaso nalaman ko lang kanina na para sa kanya pala yung mga yan, akala ko para sa sarili mo lang kaya kinuha ko lahat para ibigay sayo. Pero iniisip kong hindi nasayang yung effort ko, walang mali sa ginawa ko, kasi inubos ko lahat ng dolphins para wala ka ng dahilan pa para kunin yun. Tulad niya, parehas na silang nawala ng dolphin. Panahon na para palitan siya.

Hiyawan at kantyawan ang bumalot sa loob ngg maniazone na pinangungunahan ng mga kaibigan niya. Hiya, kaba, at kilig naman ang bumabalot sa katawan niya ngayon. Pakiramdam niya ay sabay sasabog ang puso niya sa lakas ng tibok at ang ulo niya sa pula nito.

Natahimik ang lahat ng magsalita muli si Rico, Wala ng kwenta yung mga dolphin, maganda siguro ipamigay ko na sa kanilang lahat yan. Kasunod nitoy hiyawan ng mga tao ng Akin na lang!, Ako din, Ako! Ako! na sinabayan din ng mga kaibigan niya.

Hinarap ni Rico ang mga tao at mapangahas niyang sinabi. Kaso ibibigay ko lang sa inyo ang mga yan, kung papaya si Phema na ligawan ko siya.

Nang marinig ang mga sinabi niya, nagulat si Phema at mas lalong kinabahan. Kalaban ng desisyon niya ang mga tao sa paligid. Nabato siya sa kinatatayuan niya Hiyawan at sigawan ang tanging naririnig niya.

Sagutin na yan!. Kiss! Kiss! Ilang Segundo na ang nakakalipas para sa alok ng binata. Maya mayay nagkasundo ang sigaw ng mga tao na sinimulan ni Momo. Oo! Oo! Oo!

Kung ang mga kaibigan pa nga lang niya ay hindi niya matanggihan, samahan pa kaya ng sandamakmak na tao?

OO NA! sambit niya. Sa tuwa ng binata ay napayakap ito sa kanya. Sinimulan namang ipamigay ng mga kaibigan niya ang mga dolphins.

THE END!!!

You might also like