You are on page 1of 4

February 3, 2014 Senator Teofisto "TG" D. Guingona III Senate Office: Rm. 502 5th Flr., GSIS Bldg.

, Financial Center, Roxas Blvd., Pasay City Direct Lines: (632) 986-2001 / (632) 986-8940 / (632) 986-5774 Ser: NANINIWALA po kami na hindi mabibigo ang pagtitiwala ng Pangulong Pnoy at ng taong bayan sa isang tulad ninyo na may tapat at kakayahang mamuno at handang magsakripisyo at tumugon sa tawag ng panahon. Hindi ito madali ngunit kung samasama tayong lahat, hindi malayong maabot natin ang minimithi natin magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino. KAYO po mahal na Senador ay simbolo ng pagbabago sa bagong henerasyon ng Kabataan. Patuloy umanong nababatid ng lahat na ang daan tungo sa pagbabago ay hindi madaling tahakin sapagkat karaniwang nahaharap sa mga pagsubok at hadlang. Dahil ang daang ito ay nahaharap sa mahihirap na isyu at mga trahedyang nagiging dahilan upang magsikap at manatiling matatag. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapaala-ala sa madla ng kahalagang matamo ang pagbabago. Masakit man pakinggan, na ang Aduana (Customs) ay bulok, pugad ng sindikato, serbisyong mabagal, at kawaning tiwali. Subalit kami ay naniniwala na sa inyong panunungkulan ay matutuklasan ninyo ang mga mabubuting kawani at mapaparusahan ang mga tiwali para hindi pamarisan. Maitutuwid ang baluktot na Sistema, tulad ng mga may kaso sa Ombudsman o korte na may hawak na juicy position hanggang ngayon, lalong lalo na yung mga kapit tuko sa pwesto na hindi sumunod sa kautusan ng back to mother unit order ni Kom. Sevilla at Sec. Purisima (Customs Personnel Order Nos. B134-2013 dated Sept. 6, 2013 -Return to Permanent Plantilla Position), Nagbabala na rin si USEC Carag sa mga kapit tukong tiwaling kawani na sila ay makakasuhan, subalit nanatiling bulag at bingi ang mga ito. Dapat may masampolan para matuto ang mga tiwaling kawaning kapit tuko sa pwesto. Ang iba naman ay nagsubmit lang ng certificate of assumption sa mother unit, pero hindi tunay na nag assume sa pwesto at nandoon parin sila sa juicy position nila. Maliwanag na simbolo ito ng korapsyon, palakasan, pansariling kapakinabangan, katakawan at walang kabusugan. Sana po matawagan ninyo ng pansin si Kom Sevilla na pakimonitor ang NAIA, POM, MICP, Cebu at Batangas dahil may mga report na nag isyu ng local cpo order ang mga district kolektor na walang pahintulot ang Komisyuner at DOF, ilan sa mga Kawawa naman ang mga mabubuting kawani na tumugon ng buong puso sa back to mother unit na reporma ng liderato sa kabila ng kahirapang mahihiwalay sila sa mga mahal nila sa buhay. Hindi rin nasusunod ang Next in Rank & Most Senior Rules of the Civil Service Commissioner Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at ang mga na-aasign na mga customs examiner ay hindi kwalipikado tulad ng security guard o clerk, kung tutuusin napakaraming COO III at COO I o COO II. MAYROON tayong mga kasabihan na bago mo pintasan ang dungis ng iba ay linisin mo muna ang dungis ng iyong sariling bakuran. Kumbaga sa Bureau of Customs (BOC), paano masusugpo ang mga namamahay na ismagler dito kung ang mga kasabwat ng mga ito ay kumikilos mismo sa bakuran ng byuru na hindi masawa-sawata?

Sa kabila ng kampanya ni Biazon laban sa mga sindikato na binubuo ng pitong nagpapanggap na taga-Customs o hao siao na mga kawani, o mga tauhan ng mga customs broker para makakuha ng access na gumagawa ng trabaho ng opisyal ng customs at nagsisilbing kolektor sa mga importer, Mantakin ninyo, ang kakapal ng pagmumukha ng mga haosiao na ito na hindi man lang natinag sa utos dahil protektado ito ng organic customs. Ang mga sweldo ng mga non-organic na ito ay nanggagaling sa mga tarang nakukuha sa mga ismagler o lehitimong importer. Ang iba naman ay ang kapal ng mga mukha ng mga ito at may sarili pang mga opisina sa loob ng Customs na kumpleto sa mga kagamitan para nga naman magmukhang opisina. Ang modus operandi ng mga haosiao ay makipagtransaksyon sa mga importer/broker kung gusto nilang magpalusot ng mga epektos o kargamento at sila din ang gumagawa ng trabaho ng customs opisyal. Dapat din ma-reshuffle ang mga customs police dahil ang ilan dito ay kasabwat ng mga sindikato ng haosiao na kung saan nagbabayad ang mga haosiao na ito ng P2,500 para kaagad makakuha ng access pass kasabwat ang lehitimong customs broker para makapasok sa loob ng Aduana. Sa katunayan isang COMMANDER A/MAJ. JERRY ARIZABAL na may tatlong haosiao na nagsisilbing mga customs guard na nagongolekta ng tara nanaka assign sa mga gate ng Port of Davao ayon sa email ng isang publisher na si Mr. Bobby Gagambino (09264968058) ng Waterfront newspaper. Isa pang napakahalagang info na ating nakalap ay tungkol sa rice smuggling. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bukod sa dokumento ukol sa isang kasong libelo na inihain ni Bangayan laban kay Jesus Arranza ng Federation of Philippine Industries noong 2005na kung saan nakasaad na inamin ni Bangayan na ginagamit niya ang alyas na David Tan at sa isang arbitration case sa Singapore, sinabi din ni Bangayan na ginagamit niya ang pangalang David Tan, MARAMI ang nakakakita na tuwing may malaking okasyon sa Aduana sa BATANGAS, CEBU, DAVAO, MICP at POM si Mr. Bangayan aka David Tan ang pumupunta at namimigay ng sobre sa mga appraiser at examiner. Sa katunayan nagmula ang alyas na David Tan ni Mr. Bangayan sa isang taga aduana na kilala sa pangalan Denis Tan at mga grupo pa nito. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may roon silang ibinigay sa atin na isang plowchart ni david tan na kung saan makikita ang Sistema ng sindakato ng bigas sa Aduana, kung sino sino ang mga konektado at nakinabang sa Sistema (lahat ng division ng aduana at unit ay magkaka konektado sa rice smuggling), kung magkakaroon ng malalim na pagbusisi lalabas ang katotohanan, ang mukha mismo ni David Tan na si David Bangayan ay kilalang kilala sa intelligence community ng Aduana specifically sa CIIS at RMO. Makikita sa Sistema ang petsa sa taon kung sino sino ang kingpin ng aduana na nagiging kasabwat sa loob ng aduana. Napag-alaman din natin sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ang debente ay P60k at ang dekorenta ay P80k na tara ito iyong dagdag na salaping hinihingi ng mga makakapal ang mukha. Ang mga haosiao o non organic nanaka i.d. pa ng customs, minsan i.d. ng broker o access pass i.d. na binebenta ng customs police sa halagang 3k ang nagsisilbing frontliners sa rice smuggling. Sabi ng mga matatandang empleyado ng aduana na si David Tan daw ay may grupo daw ito na kooperatiba ng mga magsasaka na kanyang binabayaran para makilahok sa importasyon ng bigas, kasabwat ang ilang matataas na opisyal ng Dept of Agriculture, pagkatapos nito ginagamit din ang mga kooperatibang ito na magbenta ng nasabing mga bigas. Kasabwat din daw si National Food Authority (NFA) administrator Orlan Calayag at iba pang naging pinuno ng NFA. Pakimonitor din ang mga kumpanya na ito: Starcraft International Trading Corp.; Golden Star Balungao Consumer Coop, San Miguel MPC; Bold Bidder Marketing and General

Merchandise; Inter-Continental Grains International Trading Inc., Peach Blossoms Agri Products Trading, Kwin Rice Trading, Pacific Rim Harvester, Aarons Trading, Jade Bros. Farm and Livestock, Megdalia de Oro Trading Silent Royalt y Marketing, Cebu Lite Trading, Malingas Multi-Purpose Cooperative, San Carlos Multi-Purpose Cooperative, Rosa Farm Products Corp.; St. Hildegard Grains Ent.; Mineshaft Trading; Calsada Ricemill and Palay Buying; D Platinum Traders Ent.; Mambusao Multi-Purpose Cooperative; Richfarm Products; Universal Pacific, Reward for Effort, Danny Ngo, Danilo Garcia (head of a rice dealers association in Metro Manila), Montevallo Enterprises (Willy Sy (owner of, allegedly a bogus cooperative), Eastern Pangasinan Seed Growers. Consumers Cooperative and Bigay Biyaya Multi Purpose Cooperative. Pakibusisi din ang mga nakalap na mga numero ng importasyon ng bigas, Import entry nos: 546-12, 547-12, 548-12, 549-12, 550-12 na makikita sa database ng aduana na base sa info ay ilan sa mga kalakal ni david bangayan aka david tan. Pls. keep my name or identity secret from the press and the public for security reasons, Thank you..

Michelle Calimbahin Transparency International Philippines, Inc. Room 401, Fedman Suites Condominium 199-201 Salcedo Street, Legaspi Village Makati City, Philippines Tel. No. (+632) 519-0485

Naniniwala po kami na kaya ninyong ibangon ang dangal ng Aduana, tungo sa konsepto ng Tuwid na Daan which is the battle cry Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap.

The impact of strengthening Netizens (The term Netizen is a portmanteau of the English words Internet and citizen.) demand for anti-corruption reform There is a growing interest in interventions aimed at mobilising the public against corruption and strengthening the demand for curbing corruption and promoting better forms of governance.

You might also like