You are on page 1of 1

Adolf Hitler May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Tila nawawala sa talaksan ang :

Adolf Hitler Si Adolf Hitler (Abril 20, 1889 Abril 30, 1945) ay ang dating Kansilyer ng Alemanya mula 1933, at ang "Fhrer" (Pinuno) ng Alemanya mula 1934 hanggang sa kanyang pagkamatay. Siya ang pinuno ng Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei o NSDAP), na mas kilala bilang ang Partidong Nazi o Nazismo. Nakakamit si Hitler ng kapangyarihan sa isang Alemanyang nahaharap sa krisis matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng propaganda at maaalindog na talumpati, nagawa niyang umapela sa pangangailangan ng mga mahihirap at paigtingin ang mga ideya ng nasyonalismo, kontra-Semitismo, at kontra-Komunismo. Sa pagtatatag ng maayos na ekonomiya, pinaigting na militar, at isang rehimeng totalitarian , gumamit si Hitler ng isang agresibong patakarang panlabas (foreign policy) sa paghahangad na mapalawak ang Lebensraum ("living space") ng mga Aleman, na nagpasimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang salakayin ng Alemanya ang Poland. Sa pinakamalaking abot-saklaw nito, sumailalim ang kalakihan ng Europa sa kontrol ng Alemanya, subalit kasama ang ibang Axis Powers o Mga Lakas ng Painugan, sa huli'y natalo pa rin ito ng mga Kapangyarihang Magkakakampi (Allied Powers). Mula noon, natapos ang mga patakarang panlahi ni Hitler sa pagpapapatay ng humigit-kumulang 11 milyong tao, kasama na rin ang pagpaslang ng 6 milyong Hudyo, na ngayo'y kilala bilang ang Holocaust o ang Holokausto. Sa mga huling araw ng digmaan, si Hitler, kasama ang kanyang bagong asawang si Eva Braun, ay nagpakamatay sa kanyang taguan sa ilalim ng lupa sa Berlin matapos mapalibutan ng hukbong Sobyet ang lungsod.

You might also like