Professional Documents
Culture Documents
Basic Precana Orientation: Panayam 1: Batayang Kaalaman Tungkol Sa Kasal
Basic Precana Orientation: Panayam 1: Batayang Kaalaman Tungkol Sa Kasal
PANAYAM 1:
Mula sa mga pagbasa sa Lumang Tipan makikita ang ilang punto tungkol sa kasal.
1. Ang pagsasama ng isang lalaki at babae ay binibigyan ng pagpapala ng Diyos
2. Ang pagsasamang ito ay indissoluble.
3. Kapag nag-asawa ang isang lalaki, iniiwan niya ang kanyang ama at ina at
pumipisan sa asawa.
4. Sa pagsasama ng babae. At lalaki kapwa sila nakasasali sa paglikha ng bagong
buhay.
5. Dahil ang pag-aasawa ay isang misyon kailangang alisin ang anumang bagay na
makasisira rito.
Sa Lumang Tipan, ang kasal ay inihahalintulad sa pakikipagtipan na ginawa ng
Diyos sa bayan ng Israel. Dahil dito, ang mga kaangkinan g pakikipagtipang ito ay
inaasahang magiging kaangkinan din ng kasal.
Anu-ano ang mga kaangkinan ng
pakikipagtipan ng Diyos sa bayan ng Israel?
Ang mga binanggit sa Lumang Tipan ay pinatibay ng Bagong Tipan. Ang indissoluibility ng
kasal ay inulit sa Mateo 19: 1-9 at sa Sulat ni San Pablo sa mga Taga Corinto. Nasa Efeso
5: 21-23 ang mahahalagang tagubilin sa mag-asawa.
Parang inulit ng Mateo 19 ang turo ni Jesus tungkol sa paghihiwalay.
Hindi ba ninyo nabaasa sa Kasulatan na pasimulay nilalang sila ng Maykapal
lalaki at babae. At sinabi, dahil ditoy iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magsasama
sila ng kanyang asawa at silay magiging isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag
paghiwalayin ng tao.
Ang mahalagang tinatandaan sa Corinto 7 ay ang exclusive right ng mag-asawa sa katawan
ng kanilang kabiyak.
Dapat tupdin ng lalaki ang tungkuln niya sa kanyang asawa, gayon din
babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may kapangyarihan sa
sariling katawan kundi ang kanyang asawa gayon din naman, hindi na
ang lalaki ang may kapangyarihan sa sariling katawan kundi ang
kanyang asawa . Hwag kayong magkait sa isat isa malibang
pagkasunduan nnyong huwag munang magsisiping upang maiukol
ninyo ang panahon sa panalangin.
2
Ang kasal ay regalo mula sa Diyos, Ang lalaki ay regalo Niya sa babae; in the same
way ang babae ay regalo niya sa lalaki. Sa Kanyang mahiwagang pamamaraan,
nagkakilala, nag-ibigan at nagpasiya na italaga nila ang kanilang buhay sa isat isa ang
lalaki at babae.
Ang kasal ay isang misyon. Marriage is a call to parenthood. Ang pokus ng
pagmamagulang ay ang pagpapalaki ng mga anak ayon sa Christian values. Sa pagiging
mag-asawa at magulang, nasa kanila ang magagandang pagkakataon na umunlad bilang
mga Kristiano. Naririto ang pagiging misyon ng kasal. In marriage, Christian life is carried in
three levels:
Prayer
Charity
Apostolate
II.
Ikalawang Bahagi
A. Facilitators Input
Ang paghahanda para sa pagdiriwang ng sakramento ng matrimonyo ay
ginaganap sa mga buwan bago maganap ang kasalan. Ito ang
tinatawag na premarital inquiry
na hinihiling ng Canon law ng
simbahan at ng Family Code ng estado. Bago maganap ang kasalan,
dapat mapatunayan na walang sagabal sa pagkakaroon ng valid at licit
relationship
1. Mga Kahilingan ng Simbahan ayon sa Canon law
a. Can. 1063
Pagdalo ng ikakasal sa cathechesis at precana seminar
Kailangang dumalo sa cathechesis at precana seminar ang mga
ikakasal. Ang cathechesis ay isang balik aral o pagtuturo ng mga
batayang pinaniniwalaan ng Katolisismo. Ang precana seminar
naman ay pagbibigay ng impormasyon sa ugnayan ng magasawa at ang mga konsepto na maaari nilang paghawakan upang
mapagtibay ang kanilang pagsasama. Ito ay maituturing na
advanced information sa buhay mag-asawa at ang inaasahan sa
kanila ng pananampalatayang Katoliko.
b. Can. 1065
Pagtanggap ng mga sakramento ng kumpil, pakikipagkasundo o
kumpisal at Eukaristiya
Kailangang tanggapin ang sakramento ng kumpil ng mga ikakasal
kung hindi pa ito natatanggap. Isa sa mga inaasahang biyaya ng
sakramento ng kumpil ay ang paglago ng pananampalataya.
Inaasahan ang mga ikakasal na ituturo ang pananampalatayang
ito sa kanilang mga magiging anak.
Karaniwan na ang seremonyang kasal ay isinasagawa sa loo ng
banal na misa. Ang pagsasama ng isang lalaki at isang babae sa
matrimonyo ay sumasagisag sa pakikipag-isa ni Kristo sa
6