You are on page 1of 6

TSAPTER 1

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Natanong mo na ba sa sarili mo kung sinong gumawa ng halos lahat ng bagay


sa pailigid mo? Damit, computer, appliances, mga dambuhalang makinarya sa mga
pabrika atbp. Ang unang papasok sa isip mo ay tao ngunit ang sabay na paglabas ng
mga ito? Halimbawa, 100 bagong gawang computer sa isang araw? Hindi ba
nakapagtataka? Ito ay dahil sa tulong ng siyesya, teknolohiya at robotiks.
Ayon sa wikipedia, ang robotiks ay ang katawagan sa teknolohiya ng paggawa,
paggamit, pagpapaandar ng mga tau-tauhang kilala bilang mga robot.
Base naman sa wikibooks, nauuri ang mga robot sa mga kaya nilang gawin,
kung ano ang “domain of operation”, “degree of autonomy” at ang “goal” nila na dapat
gawin.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na gisingin ang kamalayan ng mga estudyante ng


Colegio de Dagupan – Dagupan sa kursong I.T hinggil sa patuloy na paglaganap ng
robotiks sa buong mundo. Layunin rin nito na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga
estudyante sa mga pangunahing detalye ukol dito.
Pagpapahayag ng Suliranin

Sinisikap na sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga dahilan ng patuloy na paglago ng industriya ng


robotiks sa buong mundo?
2. Anu-ano ang mga mabuting epekto ng robotiks sa tao?
3. Anu-ano ang mga masamang epekto ng robotiks sa tao?
4. Ano ang magiging epekto nito sa hinaharap?
Kahalagahan ng pag-aaral

Para sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang


motibasyon upang kanilang mas lalong maintindihan ang larangan ng robotiks sa
business.
Para sa mga magulang, inaasahang ang pag-aaral na ito ay maging daan
upang sila ay makatulong sa pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak, na siya
ring mga mag-aaral, hinggil sa pag-unlad ng industriya ng robotiks hindi lang sa
Pilipinas kundi sa buong mundo.

Para sa mga mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na ito ay mapukaw ang


kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang mga ginagawa at gagawin pang
pag-aaral tungkol sa industriya ng robotiks.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga dahilan ng patuloy na paglaganap ng


robot sa mundo. Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga kailangang malaman ng
isang tao mula rito.
Depinisyon ng Termino

Robotiks. Ang robotiks (mula sa Ingles: robotics) o robotika (mula sa


Espanyol: robótica) ay ang katawagan sa teknolohiya ng paggawa, paggamit,
pagpapaandar ng mga tau-tauhang kilala bilang mga robot.
Teknolohiya. (Griyego τεχνολογια < τεχνη "kasanayan sa sining" + λογος "salita,
pagtutuusin" + ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga
kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at
proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng
tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
Siyensya. Ang agham (o syensya) ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng
kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng
pamamaraang nito.
Domain of Operation. Ito ang aspeto kung saan idedesenyo ang angkop na
disenyo para dito.
Degree of Autonomy. ito ang aspeto kung saan ang paraan ng pagkontrol sa
robot o paano imani-obra ng tao.
Goal. Ito ang “routine” o ang dapat nilang marating o kung saan papunta ang
kanilang gagawin.

TSAPTER 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa LabAutopedia at Biosero, mga tanyag na institusyong eksperto sa


robots, may ilang disbentahe at bentahe ang robot sa larangan ng business. Ayon sa
kanilang pag-aaral, napapabilis ng mga robot ang pagproproseso ng trabaho kaysa sa
pangkariniwang tao, gayon din ang pag-uulit nito, ang productivity ay ganoon rin, ang
kakahayahan ay hindi nagbabago, gumagawa ito ng mas ligtas na lugar sa trabaho,
ang pagkontrol sa waste o kalat ay organisado, nakakagawa ng trabaho na hindi
umiinda ng anumang sakit katulad ng sa tao at kayang gawin ang trabahong mahirap o
komplikado.
Ilang disbentahe naman ay ang pagmamay-ari ng mga ganitong bagay ay
sadyang napakamahal, halos lahat ng “laboratory technique” para sa mga ito ay hindi
pa napaghuhusay, mahirap mani-obrahin sa mga larangan ng visual
analysis/recognition/comparison kung saan ito at kailangan, ang pagpapanatili sa
kaayusan nito at higit sa lahat ay pinaliliit nito ang employment rate ng isang
kumpanya.
Malaking bagay rin ito sa larangan ng medisina, tinatawag itong Laboratory
Robotics, halimbawa, sa paggawaan ng gamot o pharmaceutical companies, gumgamit
sila ng robot sa paglipat ng mga kemikal lalo na kung ito ay delikado sa kalusugan.
Ang mga ginagawa ng robot rito ay ang pag-uulit ng trabaho(halimbawa:
pagpulot/paglagay, paghahalo, pagiinit/pagpapalamig, at pagtetest.)
TSAPTER 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Naglalahad ang tsapter na ito ng mga pamamaraan at instrumentong gagamitin


sa paglilikom at pagsusuri ng mga datos na kakailanganin upang masagot ang mga
suliranin sa pag-aaral na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang paglalarawang pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral na ito. Naniniwala


ang mananaliksik na ito ang pinaka-angkop na paraan upang matuklasan ang mga
katotohanan na magiging batayan ng interpretasyon sa pagkakatulad o pagkakaiba,
pag-uuri-uri at pagbibigay halaga sa mga nabanggit na talatanungan.

Ang talatanungan ang pangunahing instrumentong gagamitin sa paglikom ng


mga datos. Magkakaroon din ng pormal na pakikipanayam ang mga mananaliksik sa
mga respondent tungkol sa kanilang mga pananaw hinggil sa patuloy na pagbaba ng
passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa Nursing Board Exam.
TALASANGGUNIAN

INTERNET

http://wikipedia.org/
LabAutopedia
Biosero

Colegio de Dagupan
Arellano St., Dagupan City
Disbentahe at Bentahe ng
Robotiks sa
Larangan ng
Business

You might also like