You are on page 1of 1

NAME: COURSE, YR. & SEC.

Katherine A. Aplacador Bachelor in Political Science (BPS) 2-1

Oposits du nat olweys atrak Ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa agwat ng antas ng pamumuhay. Nariyan ang mga malaperiteyl na labstori kung saan ang mahirap na babae ay nakakapang-asawa ng mayaman na lalaki; mayroon din namang mga mayayamang babae na nabibihag ng mga mahihirap na lalaki. Ang pag-ibig ay hindi rin naman nahahadlangan ng layo o distansya ng tirahan o ng lugar na tinitirhan. Hindi naman maipagkakaila na marami na ring long-distans releysyonsyip na tumtagal at nauuwi pa sa kasalan. Bilang patunay ay nariyan ang mga OFW at ang kanilang mga mahal sa buhay na naiwan na patuloy naman nilang minamahal at sinusuportahan. Ibilang pa natin ang mga Pinoy at Pinay na nakatagpo ng pag-ibig sa kabilang parte ng daigdig kahit pa sila ay nasa Pilipinas lamang. Pero higit sa lahat, ang pag-ibig ay hindi nasusukat o nahahadlangan ng kasarian- oo, kasarian nga. Bading at tomboy kung sila ay tawagin. Minsan nga ay ikatlong kasarian daw (bakit may panguna at ikalawang antas ba?). Mga lalaking piniling maging babae at mga babaeng piniling maging lalaki. Batid naman natin na ang mga kasariang ito ay hindi pa ganap na tanggap sa ating lipunan. Lalo na sa ating bansang liyag na Pilipinas kung saan ang isa sa mga nangungunang pwersang sinusunod ay ang sa simbahan. Hindi maikakaila na sa pagdaan ng mga taong ito saan mang lupalop ng Pilipinas ay nariyan at kakabit nila ang mga mapanuri at mapangkutyang titig ng kanilang mga kababayan. Kasarian pa nga lang ay hindi na tanggap, paano pa kaya kung pagpapakasal na ang pag-uusapan? Sa ganang akin ay walang masama kung pagbibigyan natin ang mga taong ito sa kanilang naisin. Walng masama kung susundin nila ang gusto at sinisigaw ng kanilang mga damdamin. Walang maituturing na masama kung walang nananapak ng damdamin at karapatan ng iba. At higit sa lahat, walang masama kung sa pagpapakasal ay hahayaan natin sila. Karapatan ng mga taong ito na lumigaya. Isa pa, hindi rin naman nila ginusto na sa kauri nila sila makatagpo ng pagmamahal at pag-aaruga. Ang mga mapang-usig na titig para sa mga taong nabibilang daw sa ikatlong uri ay walang lugar sa ating lipunan sapagkat walang batas na nagsasabing ang pagiging bakla at tomboy ay isang krimen. Kung sa Katolisismo naman, oo, sinabi nga na babae at lalaki lang ang kasarian, pero wala naman ditong sinabi na ang dalawang kasariang ito ay hindi pwedeng ariin ng iisang tao. Samakatuwid, maging ang simbahan ay walang karapatang humadlang sa kasiyahan at kaligayahan ng kanyang nasasakupan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagwawagi ang kasabihang oposits atrak. Mas makatotothanan pang sabihin na oposits du nat olweys atrak. Ang ikatlong kasarian ay hindi na mapipigilan. Sabi nga nila, kung hindi mo sila mapigilan, subukan mong sila ay samahan. Ganoon dapat ang gawin ng ating lipunan. Hindi nito ibig sabihin na dapat na ring magpakabakla o magpakatomboy ang iba; ang ibig sabihin nito ay subukan ng bawat isa na unawain at intindihin ang kanilang kapwa. Ang pag-ibig ay wagas kung wala itong inhibisyon; walang pagpapanggap. Karapatan ng bawat isa na lumigaya kaya dapat natin itong ibigay sa kanila.

You might also like