You are on page 1of 1

GARCIA, Daniel B.

BSEE 2-1

Reaction Paper in Sociology

Phlippine mining act,Mga Tribo,Diskriminasyon.Iyan ang mga salitang nanatili sa sa aking isipan mula sa aming naging pagtatalakay noong nakaraang linggo.Ako ay sumang ayon sa mga nasabi ng aming panauhin tungkol sa mga tribo na sila ay nadidiskrimina na panahong ito.Philippine mining act, nang malaman ko ang mga naging bunga nito ay labis akong nanghinayang.Bakit? Ito ay dahil sa imbes na ang mga Pilipino ang nakikinabang sa ating likas na yaman, Ang mga banyagang bansa ang nakikinabang dito at ang mga produkto na kanilang nagawa ay ibinebenta pa sa atin ito sa mataas na presyo.Hindi lang yon, ang tax pa na kanilang ibinabayad ay masasabi kong hindi sapat dahil lubos itong napaka kaunti lalo nat s ila ay napakaraming nakukuha sa ating likas na yaman.Ang isa pang problema sa isyung ito ay ang pagpapalayas sa mga tribu na nakatira sa lugar na ginagawan ng mina ng mga kumpanyang otorisado ng gobyerno.Ang hindi ko maintindihan ay kung papaano ito nagawang maipasa kung makikita naman ng mga opisyal ng ating gobyerno na ang kanilang mga tao ay lubos na talo sa batas na ito.Isipin na lamang natin na nagbibigay tayo ng libreng mga resources at muli itong binebenta sa atin ng napakamahal.Papaano nila ito natiis? Hindi ba pumasok sa kanilang mga isipan na kawawa ang mga tribong mapapalayas sa lugar na iyon? Saan pupunta ang mga tribong napalayas sa kanilang mga tahanan? Saan sila kukuha ng kanilang kakainin? Saan sila kukuha ng kabuhayan kung ang kanilang pinagkukunan ng kabuhayan ay inangkin ng mga banyagang kompanya? Para sa akin, kailangan ng Revision ng batas na ito.Isang revision na kung saan ay magkakaroon ng karapatan ang mga tribo na nakatira sa lugar na iyon,Akmang pagbabayad buwis ng mga banyagang kumpanya at bigyang prayoridad ang mga lokal na kumpanya higit sa mga banyagang kumpanya ng sa gayon ay masigurado ang pagtaas ng ating ekonomiya sa lahat ng aspeto nito na isa sa mga paraan para umasenso na ang ating Bansang Pilipinas.

You might also like