You are on page 1of 6

Project

In
Mother tongue

Submitted by:
Mathew Adrian Garcia



Alamat ng pinya
Noong unang panahon may mag-inang naninirahan sa malayong pook. Ang
pangalan ng ina ay Rosa at ang pangalan ng anak ay Pina. Bugtong na anak si
Pina kung kayat siyay lumaki sa layaw. Maraming gawaing bagay ang hindi niya
nalalamang gawin kung kayat pinagsisiskapan ni Aling Rosa na ituro ang mga
ito sa kanyang anak.Minsan nagkaroon ng karamdaman si Aling Rosa, naratay
siya sa higaan kaya si Pina ang inutusan niyang gumawa ng ilang mga gawain
sa bahay. Inutusan ni Aling Rosa na magluto ng lugaw si Pina, sumunod naman
si Pina kaya lang sa bawat gawa niya ay palagi niyang tinatanong ang ina sa
mga bagay na kanyang kailangan, tulad ng;Inang nasaan po ang bigas?Inang
nasaan po ang posporo?, hindi ko mahanap.Inang nasaan po ang sandok natin
hindi ko po makita? Dahil sa sama ng pakiramdam ng ina ito ay nainis kay Pina
dahil sa walang tigil na katatanong sa kanya, kung kayat naibulalas nito ang
mga salitang, Naku! Pina sanay magkaroon ka ng maraming mata para
mahanap at makita mo ang bagay na nais mong makita.Sumama ang loob ni
Pina sa sinabi ng ina sa kanya kaya lumabas ito ng bahay. Sumapit na ang dilim
subalit hindi pa rin umuuwi si Pina, nag-alala ang kanyang ina kaya kahit
masama pa ang pakiramdam ay bumangon at pinagtanong-tanong sa kapit-
bahay ang anak subalit hindi niya nakita ang anak kaya nagpasya na lamang
siyang bumalik sa bahay.Kinabukasan, dahil sa pagmamahal sa anak hinanap
ulit niya ang anak na si Pina subalit bigo pa rin siya. Naupo si Aling Rosa sa
harap ng kanilang bahay at tinatanawan ang pagbabalik ng anak nang bigla
niyang makita ang isang halamang kakaiba sa kanyang paningin. Inalagaan niya
ito hanggang sa ito ay magkabunga. Laking gulat na lamang niya ng makita niya
na hugis ulo ito na maraming mata. Inisip ni Aling Rosa ang anak na si Pina at
ang huling mga salitang kanyang sinabi sa anak. Naibulong niya sa sarili na
Pina anak ko. Mula noon tinawag niyang Pina ang halaman at sa kalaunan sa
pagsasaling bibig ng pangalang Pina ito ay naging Pinya.

TINDING...


Magsabi ang Lang

it kundi ikaw'y talang


Nagbigay sa akin ng

tuwa't biyaya,
Magsabi ang lahat kung hindi diwata
Ikaw ng

lalo mang pihikang makata.




Ikaw'y maniwalang ang musmos kong puso'y
Natuto sa iyong humag

a't sumamo,
Sisihin ang iyong dikit na nagturo
Sa kabuhayan ko, ng

pamimintuho.


At sino sa iyo ang hindi hahang

a?
Ikaw'y paralumang batis ng

biyaya,
Pakpak ng

pang

arap at Reyna ng

awa.


Ang dilim ng

gabi sa aki'y natapos,


Ng

umiti sa tangkay ang mg

a kampupot,
Gayon ma'y narito't puso ko'y busabos.


Demokrasya

Magbalik ang demokrasya
Itong bansa ay Malaya
Tayo ngayon ay Masaya
At mayroon ng pag-asa

Tayo ngayon ay maginhawa
Sa pagkilos ay Malaya
Parang ibong nakawala
Sa kulungan nitong hawla




Lahi koy Pilipino

Lahi koy Pilipino
Wika koy Pilipino
Magiting na totoo
Likas na matalino

Kalayaan ng bayan
Aking babantayan
Hindi ko papayagan
Lupigin ninuman

Bagong Kaibigan
(ni G. Bernard Umali)

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw
akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan
ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang
tinutukoy sa papel.Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang
bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming
hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro
pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at
nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking
kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa
ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang
ibat-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya
bumalik na lamang ako sa amin.Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking
silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin
na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo
at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na
tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para
itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip
kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap,
ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit
wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at
ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay
nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik
na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit
na ako ni inay.
Gising na anak, may pasok ka ngayon
Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!
Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at
darating na angschool bus.

You might also like