You are on page 1of 3

"Alin kaya?" taimtim na tanong ni Philip sa sarili.

May hawak siyang isan-daang piso at tila nag-aalinlangan siyang gastusin ito. Nainip na si Uste. "Mas may itatagal pa ba yan dre'?" sabi niya. "Milk tea lang yan, wag mo nang daanin sa critical thinking mo". Kanina pang hawak ni Uste yung order niyang milk tea. Yung sa kanya, plain lang at walang sago. "Eh kasi naman, mas mahal ng sampung piso yung may sago," reklamo ni Philip. "Pero sabagay, madami namang sago. Kainis naman. Ano kaya pipiliin ko?" Medyo irita na rin sa kanya si ateng nagtitinda. Gustong-gusto ko nang bugbugin 'tong si Philip eh kung di ko lang katropa. Tiisin ko nalang, lagi naman siyang ganyan. "Dre', gayahin mo na lang 'tong samin ni Uste," sambit ni Leonard habang inaabot niya kay ate yung inorder niya. Agad nanalaki ang mata niya nang nakita niya kung gano karaming milk tea ang laman ng isang order. "Sulit naman eh," dagdag niya. Nagbuntung-hininga si Philip. "Sige na nga, ang kulit niyo eh." Inabot niya ang bayad sa magtitinda na siya namang inasikaso ang order niya. "'Pag ito pinagsisihan ko - ". Tumingin na lamang ng masama sa kanya si Uste, pagkatapos tinanong niya ako, "O ikaw Calvin, sigurado ka bang ayaw mo?" "Oo dre'," tugon ko. "Di' ko maubos 'yang ganyan kadami. Sayang lang pera ko dyan." Nagtaas ng kilay si Uste, pero agad bumalik ang atensyon niya kay Philip nang inabot na sa wakas sa kanya ang order at sukli niya. Sapagkat masaya na ang lahat, nilisan na namain ang tindahan ng milk tea at tumungo sa tambayan namin sa may likod ng aming apartment. May mga lamesa at upuan kasi dun na pagmamay-ari ng mga karinderyang umuupa rin sa compound namin. Hindi rin siya malayo sa tindahan ng chibog. Pinagmasdan ko sila habang isa-isa nilang tinikman ang milk tea nila. Patuloy pa rin ang panlalaki ng mata ni Leonard habang hinihigop niya ang inumin niya. Si Philip naman mukhang kuntento na sa napili niya. Samantala, agad sumimangot si Uste. "Sabi ko na," bulong ko sa sarili. Biglang tumayo at naglakad pabalik sa tindahan ng milk tea si Uste, at sinundan namin siya ng tingin. Lumapit siya sa basurahan katabi ng tindahan. "Lasang tae naman 'to!" sambit niya ng malakas sabay tapon ng lahat ng milk tea niya. Naglakad na uli siya pabalik samin habang nakatutok sa kanya ang nanlilisik na mata sa gusungot na mukha ni ateng tindera. "Gago ka talaga no!" sermon ni Philip kay Uste. "Matapos mo pa 'kong dalihan ng 'wag daanin sa critical thinking'!"

Hindi siya piansin ni Uste na nakatitig lang sa kung saan. "Anong ginawa mo 'dre!" sigaw ni Leonard. "Baka di na ko makabalik dun!" Nanlumo ang mukha niya habang iwinawasiwas ang malaking cup ng milk tea - wala ng laman. Dinagukan agad siya ni Philip. "Tae! Ubos mo na agad? Ito ngang sakin wala pa sa kalahati ng kalahati ang nauubos ko!" sermon niya. Haha. Ang kukulit talaga nitong mga 'to. Nginitian ko sila nang bigla akong napalinga sa mga taong naglalakad sa harapan. "Mga dre', diba si Sir Cagouia yun?" "San?" tanong ni Leonard, pero nakatitig lang naman siya sa walang laman na cup niya. "Oo nga," sabi ni Philip. "Balisa na naman siya. Palagi na lang siyang parang natatae, ano bang nakain niyan?" "Milk tea," pabiro kong sinabi. Nakitawa naman sila. Dali-dali namang umarangkada si Sir Cagouia hanggang sa gate. Pinagmamasdan rin siya ni Uste. "Nahulog pa niya yung wallet niya." "Talaga?" sabi ni Leonard. Itinuro si Uste kung saan nakalapag yung wallet, doon sa may tapat ng tindahan ng milk tea. Bigla naman itong tinungo ni Leonard, at sinudan namin siya upang damputin yung wallet. Buti na lang busy si ate sa ibang kostumer kung hindi baka nabato pa niya kami ng sago. Dinampot ko ang wallet ni Sir Cagouia. 'Pag bukas ko, tumambad agad sa akin ang ID ni sir. May isang buong limang-daang piso at may mga credit cards pa. "Ang gwapo naman ni sir!" patawang sinabi ni Leonard. Hinablot niya sakin ung wallet at nginisian ang mukha ni sir. May kumulbit sakin. "Dre'! Pano natin isasauli kay sir yan?" tanong sakin ni Philip. Halatang alalang-alala siya sa pangyayari. Ano pa nga bang aasahan ko? Takot mapagalitan ng prof 'tong si Philip eh. "Aba eh di iaabot natin sa kanya sa office niya," sabi ko. "Hindi ka talaga nag-iisip." Nahiya bigla si Philip sa sinabi ko. "Sorry na bro'." Napailing ako habang natatawa. "O siya, Leo akin na ung wallet." Isinauli niya sakin ang wallet. Nang inabot ko sa kanya, napansin ko na humihigop siya sa mas malaking cup ng milk tea na may sago at gulaman pa. Nandiri sa kanya si Uste. Sinimangutan naman siya ni Philip. "Ang yaman mo naman dre!" sabi niya. "At may sago pa!"

Bumungisngis naman 'tong si Leo. "Kamo ang yaman ni sir!' "Shit ka dre'!" sermon ni Philip sabay sapak sa mukha ni Leo. Nakabungisngis pa rin siya. Binuklat ko ang wallet ni sir, at apat na daang piso na lamang ang laman nito. Sinapak ko rin si gago. "Babayaran mo yan kay sir!" sabi ni Philip. "Tayo na, isauli na natin yung wallet." Nagmaktol si Leo. "Bukas na! Natatae na ko," sabi niya sabay tapon sa wala na namang laman na cup ng milk tea. Dumiretso na siya pauwi sa apartment namin, at sinundan naman siya ng walang pakialam na si Uste. "Hangal ka!" sigaw ni Philip, at hinabol niya ang makulit na si Leo. Napa-iling na lang ako. Mukhang bukas na lang namin maisasauli ang wallet ni sir hangga't hindi napapaltan ni Leo yung limang daang piso. Pinagmasdan ko nalang muli ang gwapong mukha ni sir habang naglalakad pauwi.

You might also like