You are on page 1of 3

1) Ang kristiyanong Angkan (The Christian Family) Ang topic o paksa na tatalakayin natin ay tungkol sa kahalagahan ng kristiyanong pamilya.

Ang Pamilya bilang pinaka-importanteng bahagi ng ating lipunan dapat lamang natin tayo bilang bahagi nito, ay mabigyan natin ng pansin at mapagsikapang patatagin Makikita natin sa ngayon ang katatagan ng pamilya nawawasak, nasisira. Maraming broken homes, naghihiwalay na mag-asawa,sa ibang bansa tulad ng US mataas ang rate ng naghihiwalay, sa ngayon ang pilipinas na lang ang walang didorsiyo.unwanted pregnancy, mga batang walang kinikilalang magulang.live-in, abortion at iba na makakasira ng pamilya. Ngayon sa modernong panahon ngayon binago na ng iba ang kahulugan ng pamilya, iyong traditional na katawagan sa pamilya na may ama, ina at anak. Sa ngayon isang sitwasyon na lalaki at nagsasama sa kapwa lalaki at nag-adopt ng bata -, pamilya na daw ang tawag sa kanila, babae at sa kaparehong kasarian at nag alaga ng tuta pamilya na daw sila, maraming bansa na tinatangap at pinapayagan ng mag-pakasal ang parehong kasarian Sa CFC hindi natin pinapayagan ito, bagkus ito ay ating nilalabanan sa pamamagitan ng pagtuon natin ng pansin sa plano ng panginoon para sa isang pamilya. Sa atin, tayo na mismo ang gumawa ng paraan upang malabanan ito.simulan natin sa ating pamilya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng buo at matatag na tahanan. Ano ba ang plano ng Panginoon para sa isang Pamilya

A) ang pamilya bilang Basic unit ng society) Gen 1-27


1)ang lipunan binubuo ng maraming pamilya at ang ikakaganda o ikakasira nito nakasalalay sa bumubuo nito. At ito ay hindi isang pagkakataon lamang sa kasaysayan ng mundo.ito ay ganun na noon pang nilikha ng Diyos ang mundo 2)Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae upang bumuo sila ng pamilya at punuin ang daigdig ng kanilang mga supling at pamahalaan ito. (hindi pabayaan ito) 3) ang panukala ng Diyos ay pag-isahin ang lalaki at babae hindi bilang malayang individual na gumagawa ng bata ,kundi bilang mag-asawa, husband and wife raising a family. Gen 2:18-24 B) The family is a place for teaching and training children,Isang lugar kung saan magkaroon ang mga anak ng pagkakataon maturuan ng mabuting aral at asal. 1) maturuan ng katalasan (wisdom) values. 2) Ang wisdom na tinutukoy dito hindi sa pagiging marunong o kaalaman ng maraming bagay2, kundi iyong practical na pamumuhay ayon sa utos ng Diyos. Ang pagtuturo ay hindi pormal na ginagawa sa school kundi sa pamamagitan ng pangaraw-araw na gawaing nagbibigay ng mabubuting halimbawa Efeso 6:1-3*turuan ng tamang pag-galang, tradisyon na pagmano sa mga nakakatanda, manalangin at pasasalamat sa Diyos bago kumain at bago matulog. . Siyempre sa pagpapatupad natin nito kailangan makita sa atin ang magandang halimbawa.

C)The Family is a place for training leaders. Lugar kung saan maaring turuan at magsanay ang mamumuno o namumuno. (1 Tim 3-5) Ang isang magulang laong-lalo na ang isang Ama ay dapat maging pari ng kanyang angkan sa pamamagitan ng: 1)Pagpapakilala ng Diyos sa kanyang pamilya 1) Hal. Sa pamumuhay bilang mabuting kristiyano, mahalin ang kapwa, sumusunod sa utos ng Diyos, pagyaya sa kanila sa pagsisimba 2) b)Sa pagtuturo ng scriptura, bible c) Sa pag-gamit ng simbolo (Deut 6:8-9) Pagsisimba sa manaog, pink sisters,grotto, antipolo 2)Pagpakilala ng ating pamilya sa Panginoon Diyos. *Sa pamamagitan ng pagdarasal bilang isang pamilya, turuan sila ng pagdarasal at manalangin sa Diyos. * Sa pamamagitan ng pagbebendisyon ng mga anak II) ngunit parang hindi nangyayari nagaganap ang plano ng Diyos para sa pamilya? a) Hindi na itinataguyod ng mga magulang ang pagpapalaki ng kanilang mga anak ayon sa disiplina at kautusan ng Diyos, Nawala na ang Diyos bilang sentro ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Marami umaasa na lang sa katuruan na nagmumula sa katulong, TV, sa sine, sa kapit-bahay (Eph.6:4) b) parami ng parami ang mga magulang na ngayon gumagamit na lamang ng mga paraang makamundo tulad ng sikolohiya sa pagpapalaki ng kani-kanilang mga anak. c) Hindi na sinusunod ng mga mag-asawa ang mga utos sa kanila ng Diyos. Ex papel na dapat gampanan, mga pangakong hindi natutupad, hindi maasahan ang isat-isa, hindi nakakatiyak ang bawat isa. May kalituhan sa kanilang roles, tatay bilang head, ang nanay bilang tagasuporta, ngunit nawawala na ang respeto sa bawat isa, pride ang pinaiiral. B) Ang malimit na Pamumuhay ngayon: 1) maraming pamilya ang ang hindi matiwasay o panatag. hindi na itinuturing na importante ang pamilya 2) Madalas ang tao ay masyadong abala sa napakaraming bagay, sa kayat nawawalan na ng panahon sa, bawat isa. mabilis ang takbo ng buhay, 3) napakalaki ang oras na ginugol sa paghap-buhay -ang isang nakakalungkot na katotohanan sa panahong ito pangangailangang mamasukan din ang isang ina. - na kung saan hindi nabibigyan ng wastong pagpapalaki sa kanilang mga anak. sila ay hindi nagiging mabuting mga magulang -at sa ganitong paraan parami ng parami ang mga taong hindi makapagpapalaki ng mga anak sa wastong pamamaraan. K) Sinasalakay ng masasamang puwersa ang pamilya 1) Ang mga nagpaplaganap ng .humanism, secular, at komunismo) a) pag-ibig sa sarili b) lantarang balakiran (kanya kanyang pananaw) indifferences c)pagsisiping ng hindi kasal pre-marital

2)Komunismo nais talaga ng dimonyo na wasakin ang pamilya sa siyang ipaka basic foundation ng isang lipunan at ito rin ang nagprpromote ng ilang mga bagay upang sirain ang pamilya III) Ano ang magagawa natin? a) Gumawa ng isang pasya, isang desiyon para sa ating mga pamilya na gusto nating mangyari ang panukalang ng Diyos. b) Magbuhos ng oras at atensiyon sa pagpapatibay sa ating pamilya. c) Magdasal bilang isang pamilya d) Ang mga ama ay kinakailangang gumawa ng mga hakbang upang magampanan ang mga resposibilidad sa pamilya tulad ng pangangailangan spiritual at material e) Sikaping matutunan or malaman ang mga kagustuhan ng Panginoon tungkol sa pamilya f) Sumapi sa mga samahan ng Kristiyanong Pamilya.umattend sa mga teaching at pagaaral tungkol marriage at family life, magbasa ng tungkol sa ikakabuti ng pagsasama at ng pamilya, ipagdasal ang katiwasayan at maayos na pagsasama , lumahok sa samahan ng mga kristiyanong pamilya na nagaaral tungkol sa buhay may pamilya, of course pagtapos ninyo ng clp mayroon tayong MER upang palaguin pa ang inyong married life.maglaan ng ng panahon sa pamumuhay kasama ang Diyos .maglaan ng panahon para sa iyong sarili. Sa pamilya. Ang hamon: Sinisikap ng Diyos na maibalik ang kristiyanong angkan ayon sa kanyang panukala. Nakahanda ba tayong gumawa ng mga hakbang upang ito ay matupad /mangyari sa ating pamilya? Tinatawag tayo upang makibahagi sa banal na pagsisikap na ito at maging bahagi ng kanyang Gawain. Paksa para sa talakayan 1)Para sa mga ama: ano ang ating gagawing hakbang upang maisakatuparan ang panukala ng Diyos sa aking pamilya? 2)Para sa mga ina : May nagawa na ba kayong mga bagay na makatutulong sa ikalalakas ng inyong pamlya? God we praised!!!

You might also like