You are on page 1of 2

Dont English Me

ni Howie Severino
Aug. 02, 2013, 4:00-5:00 p.m. Buod ng Pinanuod Nagsimula ang docu sa paglilibot ni Howie Severino sa Kamaynilaan sakay ng kanyang bisikletang si Bughaw. Sa kanyang paglilibot napansin niyang karamihan sa mga karatula, paunawa, at maging sa isang monument ay mali-mali ang baybay at gramatika ng pagkakasulat sa Ingles. Kasabay ng pag-ikot niya sa mga kalye ay tinatanong na din niya ang mga tao sa paligid kung mayroon ba silang napapansing kamalian sa mga karatula. Karamihan sa mga sumagot ay nagsabing wala. Pero mas maraming natuklasan si Howie sa mga kalapit na pampublikong paaralan. Sa isang elementarya sa Caloocan, nalaman niyang mayroon pa palang mga non-reader class o mga estudyanteng hindi makabasa sa Grade 2 hanggang Grade 6. Si Jayson, nasa ika-anim na baitang na pero nagsisimula pa lang matutong magbasa. At hindi sapat ang kita nila sa pagtitinda lang ng libro para sa pangkain ng buo nilang pamilya. Pumunta rin sa probinsiya ng Kalinga ang team ni Howie upang bisitahin ang isang pampublikong eskwelahan na nakabilang sa Top 10 Non-Performing Schools sa buong bansa, pero nang ginamit ng paaralan ang multilingual education o ang paggamit ng unang wika ng bata sa pagtuturo, kinakitaan ng ibayong sigla sa pag-aaral ang mga estudyante. Ngayon, itinuturing ang Lubuagan Central Elementary School bilang isa sa pinakamahusay sa buong probinsiya. Iniwanan ng maraming tanong ni Howie ang mga nakanuod, ano nga ba ang magandang gamitin sa pagtuturo? Sa inyong palagay alin ang lalapat sa kalagayan ng edukasyon at wika sa Pilipinas? Sa aking palagay, base sa napanuod kong docu, kailangan munang gamitin ng mga estudyante ang kanilang sariling wika bago turuan ng wikang Ingles. Hindi naman nadadaan sa madalian ang pagaaral, matututo din sila habang tumatagal. Isa pa, pag hindi interesado ang bata sa itinuturo sa kanya, hindi talaga siya matututo, so sa tingin ko nasa way din yun ng pagtuturo ng teacher sa kanila. Hindi dapat sila sinisindak. Hindi ko alam kung kailangan bang ibase pa sa curriculum ng ibang bansa yung dito satin, gaya sa Japan, puro moral values at walang exam hanggang 2nd grade. Kung pag-aaralan yung way of teaching sa kanila, masyado yung maluwag. Hindi constrained yung mga estudyante. Naeenjoy nila yung pag-aaral which is the problem dito sa Pilipinas. Kasi kung tatanungin mo yung mga bata kung bakit ayaw nila pumasok, isa lang naman yung sagot, nakakatamad kasi. Well, kaya nakakatamad siyempre di sila nageenjoy. I think yun ang problema dito sa Education system natin, masyadong iginagaya sa ibang bansa, eh hindi naman nila tayo kapareho ng culture kaya hindi lahat ng ways applicable sa mga Pilipino. Dapat mag-develop ng unique na paraan na lalapat sa mga Pilipino. Unang una na nga dun yung pag-gamit ng native na wika rather bibiglain mo yung bata mag-Ingles, hindi naman yun naipipilit. Mapu-frustrate lang sila sa hindi nila magawa. So, ayun nga, para sakin dapat munang gamitin ang nakamulatang wika.

Pagpapakahulugan sa Pamagat Huwag mo akong kausapin sa ingles. Yan ang gustong sabihin ng pamagat, pero dahil may kahinaan sya sa pag gamit ng wikang ingles ayan ang lumabas, maling grammar. Ano ang kaugnayan ng pamagat sa tinalakay? Dont English Me, sa pamagat pa lang ipinapakita na may kinalaman sa ingles yung tinalakay. Maiisip mo agad na mahina sa ingles yung tao, at dun naka focus yung docu. Sa pag iingles. Na gingawang batayan ng katalinuhan sa panahon ngayon, na hindi naman dapat.

PIon, Allhen J. | BS ARCH 1-1

You might also like