Professional Documents
Culture Documents
masukal, tahimik at mapanganib. Ito ang mga katangian ng isang gubat na mapanglaw at dito rin magsisimula ang kwento ng matamis na pagiibigan nila Florante at Laura. Sa gitna ng gubat, may isang lalaking nakatali sa puno na animo'y binugbog ng paulit-ulit at hinabol ang kanyang hininga. Ang pangalan niya'y Florante. Habang nakatali sa puno, sinasabi niya ang kanyang mga nakaraan at isa na rito ang Albanya, isang kaharian kung saan siya'y isinilang na ngayo'y nanganganib.
FLORANTE: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy,
nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga) Patawarin niyo akong lahat dahil hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking buhay! Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati si Duke Briseo na aking ama ay kanyang dinamay.
FLORANTE: O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig ang aking mga
panalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan na ayaw nyo na akong tulungan. Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos mismo ay ayaw na akong tulungan! Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako dahil hindi kita naipagtanggol. Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil! Paalam na sa inyo!
ALADIN: O, Flerida O tadhana, kay lupit mo, kinuha mo ang minamahal ko! NARRATOR: Habang si Aladin ay umiiyak at nagdudusa ay may narinig
siyang tinig sa kagubatan at pagkatapos ay may nakita siyang lalaki.
ALADIN: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'y
pinahirapan at pinagtaksilan.
ALADIN: Parang nakita ko na ang taong ito? NARRATOR: Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante at FLORANTE: Laura nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis dito NARRATOR: Hindi na sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan na si
Florante
FLORANTE: Sino ka at bakit ako narito? ALADIN: Magpahinga ka na lang. Ako ang nagligtas sa iyo. FLORANTE: Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway? ALADIN: Marahil, pero ika'y nangangailangan ng tulong. FLORANTE: Siguro nga ay patay na ako kung hindi ka dumating. Ngunit ang
pagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.
ALADIN: Hangal! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?! NARRATOR: Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin si
Florante sa kanyang pagpapahingahan at doon sila nagpalipas ng gabi. Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin na malakas na si Florante kaya ito'y kanyang niyakap.
ALADIN: Ano ba ang iyong problema? Maaari ko bang malaman? FLORANTE: Sige. Sisimulan ko ang aking kwento simula ng ako'y ipinanganak. NARRATOR: Ang dalawa ay naupo upang magkuwetuhan. FLORANTE: Pinanganak ako sa bayan ng Albanya kung saan si Duke Briseo,
ang aking ama, ay naninirahan. Ang ina ko na si Prinsesa Floresca ay nakatira sa Krotona. Ako ay pinangalanang florante