You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa pagtuturo ng Filipino Para sa Ikatlong Taon Inihanda ni: MACAROMPIS, ALKHIMA M.

I. Layunin Pagkatapos ng punto, inaasahan ang mga mag-aaral na: a. Baybayin ang kahulugan ng Maikling Kuwento; b. Isa-isahin ang Sangkap ng Maikling Kuwento; at c. Isa-isahin ang Uri ng Maikling Kuwento. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kalikasang Handog ng May Kapal II. Paksang Aralin Maikling Kuwento Pinagmulan: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan nina Ailene G. BaisaJulian, Nestor S. Lontoc at Mary Grace G. del Rosario. Ikalawang Edisyon. (Pahina 43-46) III. Kagamitan Cartolina, Pentel Pen Approach: Deductive IV. Pamaraan Gawain ng Guro A. Panimula Magandang Umaga mga mag-aaral. Mag dasal muna tayo. B. Asignatura Nag bigay ba ako ng asignatura ninyo? Sige. Ipasa sa unahan. C. Repasuhin Ano nga yong tinalakay natin kahapon? Ok. Anu-ano nga ulit yong mga element ng Tula? Gawain ng mag-aara

Maganda Umaga din po Bb. Alkhima. Opo Bb. Alkhima.

Opo Bb. Alkhima.

Tungkol po sa element ng tula. Sukat, tugma, Tayutay, larawang- diwa at simbolismo.

Magaling! D. Paglalahad Ang maikling kuwento ay isang masining Na anyo ng panitikang may isang kaniktalan. Ang paglalarawan at paglalahad ditto ay madali, maikli, at masining kayat sa isang upuan o sa sandaling panahon lamang ay agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng pananabik, aliw, at maging-aral. May ibat ibang sangkap ang maikling kuwento. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Pananalita at tema. Ano ang kahulugan ng mga ito? Tauhan ay tumutukoy sa pangunahing tauhan at ang iba pang nasasangkot sa mga pangyayari sa kuwento. Tagpuan ito ang pinangyayarihan ng kuwento kasama na ang panahon kung kalian ito naganap. Banghay ay mga pangyayaring nagaganap o magaganap sa kuwento mula sa simula hanggang s wakas. Pananalita ito ang buhay at diwa ng mga tauhan at ng mga pangyayari s kuwento. Tema Tema ito ang paksa o kaisipang hangad maibahagi ng manunulat sa mga mambabasa. Dumako naman tayo sa uri nito. Ano ang unang uri ng maikling kuwento At ano ang ibig-sabihin nito?

Kuwento ng katutubong Kulay. Binibigyan diin ang

kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan at ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasasabing pook. Ikalawa naman ang Kuwento ng PakikipagSapalaran. Ano ibig-sabihin nito? Itoy nasa balangkas ng pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kuwentong ito.

Pangatlo ang Kuwento ng Kababalaghan. Ito ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mga katatakutan ang siyang diin ng kwentong ito. Ano ang pang-apat na uri ng Maikling Kuwento? Sa kuwentong Tauhan ay ang interes at diin ay nasa Pangunahing tauhan. Pang-lima ay ang Kuwento ng Katatawa. Ano ibig-sabihin nito? Kuwento ng Tauhan.

Ang diin ng kuwentong itoy magpatawa at bigyang-aliw ang mambabasa.

Pang-anim ang Kuwento ng Pag-ibig. Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan Ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal Na katauhan. Pang pito ang Kuwento ng Kaisipan o Sikolohiko. Sa kuwentong ito sinisikap pasukin ang kasulukSulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa. Pang-walo ang kuwento ng Talino. Ang kuwentong Ito ay punumpuno ng suliraning hahamon sa katalinuhan Ng babasa. Pang-siyam ang Kuwento ng Pampagkakataon. Kuwentong isinulat para sa isang tiyak na pangyayari Gaya ng pasko, Bagong-Taon, at iba pa. At ang huli ay Kuwento ng Kapaligiran. Kuwentong ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga sa lipunan. Naintindihan? Opo Bb. Alkhima.

E. Pangkalahatan Ano ang kahulugan ng Maikling Kuwento?

Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikang may isang kaniktalan. Ang paglalarawan at paglalahad ditto ay madali, maikli, at masining kayat sa isang upuan o sa sandaling panahon lamang ay agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng pananabik, aliw, at magingaral.

Anu-ano ang mga sangkap ng Maikling Kuwento?

Ang mga sangkap ng maikling kuwento ay ang sumusunod: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Pananalita at tema.

Anu-ano naman ang mga Uri ng Maikling Kuwento?

Kuwento ng katutubong Kulay, Kuwento ng Pakikipag-Sapalaran, Kuwento ng Kababalaghan, Kuwento ng Tauhan, Kuwento ng Katatawa, Kuwento ng Pag-ibig, Kuwento ng Kaisipan o Sikolohiko, kuwento ng Talino, Kuwento ng Pampagkakataon at Kuwento ng Kapaligiran.

Magaling! V. Ebalwasyon Pillin sa hanay B kung anong uri ng Maikling Kuwento ang tinutukoy sa hanay A. Titik lamang ang isulat sa patlang.

______1. Ang balangkas ng pangyayari ang binibigyang a. kababalaghan Diin ng kuwentong ito. b. kapaligiran ______2. Ang kuwentong ito ay nakapagpapatawa sa mga c. katatawanan Manonood or mambabasa. d. katutubong kulay ______3. Ang tauhan ang binibigyang-diin ditto. e. pag-ibig ______4. Hilig ito ng mga bata, nakatuon ito sa mga f. pakikipagsapalaran bagay na mahirap paniwalaan. g. pampagkataon ______5. Ito ay kuwentong nagbibigay-diin sa kultura h. sikolohiko Ng isang lugar o pangkat. i. talino ______6. Ang kuwentong ito ay tungkol sa mga j. tauhan Pangyayari sa kapaligiran. ______7. Ito ang kuwentong humahamon sa talino ng mambabasa. _____8. Ang kuwentong ito ay tungkol sa dalwang taong nagmamahalan. _____9. Ang kuwentong ito ay nasa isip ng pangunahing tauhan. _____10. Kuwento naman ito hinggil sa isang partikular na okasyon. VI. Asignatura Magbasa ng isang uri ng maikling kuwentong gusting-gusto mo. Gumawa ng buod hinggil dito saka ipaliwanag sa papel kung bakit ito ang paborito mong uri ng kuwento.

You might also like