You are on page 1of 2

CHRISMAS CAROLING

Pasko na naman 2x Kaya kami ngayoy naririto, upang kayong lahat ay aming handugan ng ibat-ibang himig na pamasko. Ang pasko ay sumapit tayo ay mangagsiawit Nang magagandang himig dahil sa ang diyos ay pag-ibig. Nang si kristo ay isilang may tatlong haring nagsidalaw At ang bawat isa ay nagsipaghandog ng tanging alay. Bagong taon ay magbagong buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayoy magsikap upang makamtan ang kasaganahan Tayoy mangagsi awit habang ang mundoy tahimik Ang araw ay sumapit ng sanggol na dulot ng langit Tayo ay magmahalan ating sundin ang gintong aral At magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan Sa may bahay ang aming bati merry chrismas ng malwalhati ang pag-ibig ang siyay naghari Araw-araw ay magiging pasko lagi Ang sanhi po ng pagparito hihingi po ng aginaldo Kung sakali kami perhuwesyo pasensya na kayot kmi namamasko Ang pasko ay sumapit na naman Kaya tayo ay dapat na magdiwang Pagkat ngayon ay araw ng pagsilang Si Jesus na di natin kalilimutan halina na tayo ay manalangin na tayong lahat ay kanyang pagpalain ang pasko ay ating pasayahin sa pagmamahalan natin.

Maligayang pasko sa bawat tahanan Ang dalangin natin sana ay makamtan Masaganang buhay sa taong darating ang maging palad sana natin Dinggin sana ang dalangin darating ang hangarin Sama-sama na awitin ang isang ama namin. May gayak ang lahat ng tahanan Masdan nyo at nagpapaligsahan may parol at ilaw ang bawat bintana may sadyang naiiba iba ang mga kulay kayganda ng ayos ng simbahan ang lahat ay inaanyayahan ng dahil sa pagsilang sa sanggol na siyang naghahari ng panghabang panahon. Ang pasko ay araw ng bigayan Ang lahat ay nagmamahalan tuwing pasko ay lagi ng ganyan may sigla, may galak ang bayan. Maligaya 2x pasko kayong bigyan Masagana 2x bagong taon hangad Ipagdiwang 2x araw ng maykapal Upang manatili sa atin ang kapalaran ng mabuhay na lagi sa kapayapaan. Mano po ninong, mano po ninang narito kami ngayon humahalik sa inyong kamay salamat ninong, salamat ninang sa aginaldo po ninyong ibibigay. Repeat (First line) Pasko na naman2x Maligayang maligayang pasko sa inyong lahat..

You might also like