You are on page 1of 4

Kahalagan ng epektibong komunikasyon sa larangan ng Medisina Ni Marjohn Rey C.

Martinez IFMT

Magandang araw sa inyo Dr. Rhodelia Mendoza ang aking propessor sa Filipino at sa aking mga kamag-aral sa seksyon IFMT. Ang kalusugan ay napakahalaga sa ating buhay. Ika-nga sa kasabihang Ang kalusugan ay ating kayamanan! "ilang kayamanan ito#y ating inaalagaan$ pinagpapatibay at pinagyayabong. %a kasamaang palad lumalaganap ang mga mapinsalang sakit at karamdaman na tila maaring makasira sa ating maayos na pangangatawan. Idagdag mo pa ang mga kalamidad at mga delubyong isa rin sa mga sanhi ng mga sakit. Napakahalaga ng ginagampanang papel ng mga doktor sa lipunan. %a kanila tayo sumasangguni sa tuwing tayo ay may karamdaman. Ngunit hindi lamang sa kanilang kaalaman binabase ang kanilang kahusayan sa panggagamot ngunit mahalaga rin na taglayin nila ang pagkakaroon ng epektibong komunikasyon sa kanilang mga pasyente. %a pagkakaroon ng katanyagan sa komunikasyon at pakikipag-usap ng doktor nagbubunga ito sa pagkakaroon ng matatag at matibay na relasyon at pagkamit ng tiwala ng pasyente sa kanilang espesyalista. Ayon kay &a'kson ang pagkakaroon ng epektibong komunikasyon sa pasyente ay magdudulot ng pagkalugod at kasiyahan ng may karamdaman. Ang layunin ng epektibong komunikasyon sa dalawang panig ay ang pangangasiwa sa pagpapalitan ng impormasyon at mga katanungan upang sa kalauna#y magbunga sa eksakto at wastong pananaliksik ng karamdaman upang mapaayos ang kalusugan ng pasyente. Ang talakayan sa pagitan ng doktor at pasyente ay marapat magkaroon ng pagkakaintindihan. %a papel ng espesyalista mahalaga ang epektibong pakikinig at pagsusuri ng nais na lebel ng medikal impormasyon ng pasyente. (ung kinakailangang gumamit ng mga simpleng salita ay gamitin ito upang magkaroon ng komprehensyon at

pagkakaunawaan sa pakikipagpanayam. Tinatayang animnapu#t limang porsyento ng mga paaralang medi'al sa )stados *nidos ang nagtuturo ng kasanayan sa komunikasyon. Ito#y nagpapakita na kailangan at mahalaga ang pagiging eksperto sa komunikasyon sa pagiging isang magaling na espesyalista. *pang tapusin ang aking talumpati$ Ang mga doktor na may mas mahusay na kasanayan sa komunikasyon at mayroong interpersonal na koneksyon sa kanyang mga pasyente ay may kakayahang maagapan ang mga problemang pangkalusugan dahil umano sa maagang deteksyon ng karamdaman. Ito ay maghahatid sa mataas na kalidad ng resulta$ Mas mababang gastos ng pangkalusugan at mas mahusay na pagsunod sa proseso ng panggagamot.

Bibliyograpiya: +a$ &. F.$ , Anat$ D. %. -./0/1. Do'tor-2atient 3ommuni'ation4 A Re5iew. The Ochsner Journal $ 67-86.

Tra5aline$ &. M.$ Ru'hinskas$ R.$ , D9Alonzo &r.$ :. ). -.//;1. 2atient-2hysi'ian 3ommuni'ation4 <hy and +ow. Clinical practice $ 06-07.

<ong$ %. =.$ , >ee$ A. -Mar'h .//?1. 3ommuni'ation %kills and Do'tor 2atient Relationship. Medical Bulletin $ @-A.

You might also like