You are on page 1of 66

Calling for Chances

By: futuristic_lover
2 0 1 3 Calling for Chances

This is a

work of fiction. Names, characters, places, and incident s are

product s of the author's imagination or are used fictiously and are not to be construed as real. Any resemblance to actual event s, locales, organizations, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Calling for Chances

PROLOGUE:

Sana ganto, sana ganyan, sana....... Sometimes life will give you whats unfair, to make things fair. And worst, when you got only one chance to prove something. Tapos hindi mo pa kakagatin? Can you retrieve chances? Why is it regrets are always felt when it's just too late? Who would want to live their life with could have, might have, and should have. Of course, not me or you either. Minsan ang buhay mahilig sa habulan. Kapag nariyan ayaw pansinin, kapag wala na tsaka naman hahanap-hanapin. Hindi naman lahat ng tsansa ay ibinibigay ng unlimited. Hindi rin yan nabibili ng piso-piso at lalong hindi pwedeng hilingin lang sa mga santo, kaya kung may isang bala ka lang sa kamay mo. Alagaan mo na.

Calling for Chances

CHAPTER 1:

So ano na Pit! Kaya mo na katawan mo? Uwi ka na?, magandang bati ng kapatid ko sa akin. Kung pwede na ba Pit eh! Alam mo namang nung isang, isang, isang, isang araw pa ko apuradong apurado umuwi. Nu na ba balita, pwede na ba daw akong madischarge?, sagot ko naman sa kanya. Ewan ko nga eh, sana makauwi ka na Miss ka na ng tropa., masalimuot na sabi nya. Ano pa nga ba aasahan mo sa tropa, Eh natatanging hiling namin ay ang simpleng saya lang naman. Miss na nga siguro nila tagal ko na dito sa ospital. Sige Pit, malay mo bukas makalawa pwede na. Uwi na ko, dumaan lang naman ako. Kung pwede nga lang ang tropa magbantay sayo ng hindi magagalit sina Mama at si Papa eh. Bakit ba hindi. Sya sige. Dagdag pa nya sabay tapik sa paanan ko, tumango na lang ako hindi naman ako pwedeng humabol sa kanya palabas. Lumabas na si Kuya sa kwarto, naiwan nanaman ako dito. Solong nakaswero, binibilang ang bawat patak na natulo sa plastic bottle na nakasabit sa isang IV Stand. Ano ba namang buhay to, Wala eh. . . Sakitin si Nene eh. May ilang araw ko ng suot tong makating name tag sa braso ko with an awesome name printed on it. . . . Jinelle Gee Abesamis - .. . . . . PATIENT! Leche di ba. Uwing uwi na ko. Parang wala ng ibobore pa ang boringness kong ito. Yeah, This is Jinelle Gee, ang inyong lingkod. Kasalukuyang nasa ospital at wala ng ibang hiling kundi makalabas. Im 23 but not so stable, Im cool enough at hindi ako palahiling ng mga bagay na sobra pa sa sobra. I wanna live well and happy, if may chance. If hell give me the chance.

Calling for Chances

Totoo. Theres a HE thing. Im Married at a pretty young age. Ive been thankful, Ive been Faithful but I think hes not, that even a blind man can see how much he doesnt care to share something for our relationship. Totoo, akala nila simpleng babaeng nasa ospital at nagpapagaling lang ng sakit ang peg ko? No, Im more than a sick cancerous patient kung susumahin ang buhay may-asawang tema sa pagkatao ko. Walang tinong babae ang gustong mapunta sa relasyong isa lang ang lumalaban. Hindi naman naging sapat ang sabihing Ako naman ang inuuwian. Hindi yun ganun at hindi biro na ang eksena mo lang ay ang pagiging ASAWA LANG. Asawa sa mata ng karamihan, asawa dahil kailangan at asawa na ipinilit lang. Gusto mo bang makarelate sa mga himutok ko? Gusto mo bang makiayon sa mga hinagpis ko? Oo, Alam ko. Hindi ka pabor sa mga paandar ko. Pero sana maintindihan mo kung bakit ganito ako kumakapit sa mundong pinili ko para sa sarili ko. Ganito. . . .

I was in a bar somewhere in Makati that time, Jigs Abesamis on the house!!!!!!! bati ng ilang kilalang barkada na naroon rin bar na yon. Hindi na bago ang mga malalakas na tapik sa likod, bati, tawag, pashot at kung anu-ano pang pakana sa tuwing lalabas ang presensya ko sa mga ganoong pagkakataon. Parties are part of my routine back then. Same Old? karaniwan sa mga tanong na ibinabato nila..... Yeah, Same Old!, sagot ko.

Calling for Chances

Club Noise, Chronic Party Beats, Smokes and Ashes, different beers and heavy drinks and all of a Party Goer stuffs. Im used to them and I terribly miss them from now and then. Being the Jigs Abesamis as one of the nicest Disc Jockeys in the club and the best Tattoo Artist that time, was one of the coolest part of my life and being one of his waited Tat-Artist to made some dirt on his skin was a pleasure. Maraming nagpapatattoo noong araw na yon. Its almost 12midnight pero hindi pa rin nila ako tinatantanan, hanggang dumating yung turn niya sa buhay ko. AT LAST!!! Sabi nya. Makakaharap na din kita, Ms. Jigs A, the prettiest tat artist in the earth. I smirked at him. Hes cute, I like his cut and all the porma, I like each and every edge of his perfect face at sino nga bang babae ang hindi papangarapin magkaron ng tulad ng lalaking ito. Nakakaloko sya ngumiti, nakakaloko sya gumalaw sa harap ko. Hes trippin me, hes making ultimatums in his head and I can see it in his eyes. Bago pa man ako mawala sa katinuan at maligaw sa kanya. Anong design Kuyz? kaswal tanong ko sa kanya. Pinipilit na wag syang tingnan kahit kaninang kanina ko na rin sya sinisipat sa loob ng bar na yon. Umaasang makilala ang gwapong nilalang na kaninang kanina pa minamanmanan ng mga babae sa bar. Ikaw, Ano ba tingin mo ang bagay sa akin? Okay baby boy, I know your game Youre flirting, its obvious. At one glance, I may fall for him kaya tinatry kong pigilan pa ang landi sa loob ng dibdib ko. Matagal ka na nga pumila hindi ka pa rin nakapili?, sabi ko sa kanya. Habang inaayos ang mga gamit ko sa pagtatattoo iniiwasang mabaon sa kaharap ko. I want a Capital J, I, G, S..... here. Sabay turo sa mid-left side ng dibdib nya. Oh My! Thats my name. I dont even know him. Bakit nya ipanapatattoo yung pangalan ko sa kanya. UNGAS na to, pasalamat sya gwapo sya at type ko pa kundi, nabastusan na ko sa paglalandi nya.

Calling for Chances

Its Like JIGS? Parang Jigs na pangalan ko! Kdot. tanong ko uli sa kanya na kunyari hindi ko pinupunto na akin nga yung pangalang gusto nya ipalagay. As in your name, Jigs. Permanent Tat? Gusto mo ba? Tanong uli nya Well, ikaw? Katawan mo yan. Oo naman. I want you..... I mean, Your name here turo nya uli sa may bandang dibdib nya sa tapat ng kanyang puso Permanently. Cool! Ano pa nga bang magagawa ko. Ipinatattoo nya talaga ang pangalan ko sa dibdib nya, ng permanent! Kasehodang first time nya lang ako nakilala at noon ko lang din naman sya nakita. Pero hindi ko na rin napigilan ang damdamin ko kasi sabi ko nga, sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa kagaya nya. I thought that would be the start of something good, something new and something that will make my world different. Pero Oo, sa totoo lang naging different pa rin naman, hindi lang sa katulad ng gugustuhin nating kakaiba. I fell in love with Joshua Madrigal at akala ko naman magkaparehong lalim lang din ng pagmamahal ko ang sa kanya. Kasing lalim ng karagatan ang ibinibigay ko, Sapa lang pala yung sa kanya. Tattoo Ink lang nga siguro ang naging permanente sa balat nya, sa bandang dibdib pa pero hindi naman pala sa buong sistema nya. Weve been together since that night, lagi kaming magkasama. Dumating sa panahon na nawala sa katinuan kaya humantong kaming dalawa sa isang desisyon na hindi namin dapat takasan. Im Pregnant! mahinang sabi ko sa kanya. Alam kong magagalit ang mga magulang ko kaya sya ang pinakaunang tao na naisipan kong sabihan at sya din naman ang taong kailangang kailangan ko. Nag-iba ang timpla ng mukha nya sa sinabi ko, Whaaaaat?............Jigs Hindi. Baka naman hindi........ Delayed ka lang.

Calling for Chances

Josh!!, I tested it... 4, 5 times and still testing it. Pero isa lang ang nalabas. Hindi pwede Jigs. . . Ano? Magiging tatay ako ganun? Ayoko! singhal nya sa akin. Anong ayoko! Ginawa natin, tapos ayoko!? Josh, umasta ka naman ng tino hindi naman to lokohan. Galit na sagot ko sa kanya. Ano ba sa tingin nya ang nangyayari JOKE? Pwedeng i-undo kung ayaw nya. Josh, Hindi ko na rin alam ang gagawin ko Jigs! Hindi ko rin alam! Anong gagawin ko dyan? Ipalaglag mo. . . Hindi ko pa kayang .. Hindi pwede Jigs. Hindi ko na mapigilang lumipad ang palad ko sa mukha nya sa sinabi nyang yon. Gago ka ba, ha!!! Hindi ka ba kinikilabutan sa sinabi mo? Josh Hindi to biro! Kung ayaw mo, wag ! Kaya kong mabuhay mag-isa........ Kami!! Iniwan ko na sya kahit sobrang bigat ng dibdib ko, hindi ko inasahan ang mga sagot nyang yun sa akin. Noong panahon yun, puro takot at kaba na lang ang nararamadaman ko lalo na ng sabihin ko na sa mga magulang ko at nangyari sa akin. Galit na galit sila sa akin, naramdaman ko nanaman ang malakas na sapak ng tatay ko sa akin na talagang hindi sasanto ng babaeng buntis. Sa galit nya sa akin lalo na nung mabanggit kong ayaw din ako panagutan ng lalaking nakabuntis sa akin. Umabot pa sa bahay nila Josh ang galit ng tatay ko kaya nalaman ng pamilya nya, lalong lalo na ang kanyang lolo na noon ko lang nalaman kung gaano kastrikto pagdating sa kanyang mga apo. Ipinilit nitong maipakasal ako kay Josh at panagutan ang nangyari para mapangalagaan ang reputasyon ng pamilya nya. Mas lalo kong ikinatakot ang nangyari dahil alam kong hindi magiging maganda ang takbo ng relasyon namin. Ayaw ni Josh sa nangyari, ayaw nyang makulong sa mas malalim na relasyon sa akin, Ayaw nya sa akin. Iyon na nga ang pinakamasakit na panahon ng buhay ko, hindi rin naman ako handa na makulong sa pag-aasawa at nasasaktan akong isipin na pinakasalan lang ako ni Josh dahil sa pinilit syang panagutan ako.

Calling for Chances

Alam kong habang buhay kong pag-sisisihan ang naging desisyon ko, pero para sa magiging anak ko. Kakayanin ko. Nagpakasal kaming dalawa. Isang simpleng kasal, kaiba sa pinangarap ko. Hindi masaya ang mapapagasawa ko, hindi rin ako masaya sa takbo ng lahat. Hindi ito ang para sa akin, pero mahal ko sya. Isang masakit na buhay ang nag-iintay sa aming dalawa. Dinala ko ang anak ko sa loob ng 7 months. Sa di naman inaasahan, nawala sya Hindi nya kinaya. Ano pa nga ba ang ituturo kong dahilan, ginawa ko naman ang lahat para sa kanya. Kaso mukhang mapait ang tadhana sa buhay ko. Pati ang anak ko hindi pa iniregalo sa akin para sa pasko. Sobrang sakit. Sa tuwing naaalala ko sya, hindi maiwasang malungkot ako, umiyak. Ano pa nga ba, wag nyo ng asahan ang suporta ng asawa ko. Puti na ang mata nyo wala pa rin syang pakialam. Nawala nga ang anak ko, wala syang reaksyon eh. Gusto nya yun eh. Gusto naman nyang mawala ang baby ko eh, dahil yun nga ang dahilan kaya nakatali sya sa akin. Ayoko rin naman sya itali sa akin, kung tutuusin pamilya lang namin ang pilit na nagtatali sa aming dalawa. Kung hindi naman kami papakealaman, baka matagal na kaming magkahiwalay at may kanya-kanya ng mundo ni Josh. Hindi man sya yung asawang nananakit ng pisikal pero yung tipong damdamin mo naman ang dinudurog, mas malala pa. Kung tutuusin nga, wala na akong kapit sa asawa ko. Wala na kaming anak, pero yun na nga kasal kami. Umusal ng wedding vows na wala namang espirito. Kasal sa mata ng marami pero hindi sa puso and it will never be. Ang hirap no. Ang dating Jigs Abesamis, iniintay ng lahat. Pinapangarap ng lahat. Wala na. Kahit sarili ko hindi ko na rin alam kung saan patungo at saan papunta. Hello, sa masaklap kong buhay at sa mas sasaklap ko pa atang buhay.
Calling for Chances

CHAPTER 2 Mga Bakla! Anong tingin nyo? This business would be great kung matutupad. Syempre push lang natin sa simpleng online selling tapos syempre dadami ang mga customers and all that, makakapagpatayo na tayo ng mini stall. Magkakabranch hanggang sa BOOM! Magpapatayo na rin tayo ng isang bonggang company and . . . . .and . . . . AND we will be diving into MONEEEEEEY!, tuwang tuwang paliwanag ni Cashmere sa kanyang imahinasyon. Kumuha ako ng isang pirasong papel, kinrumple at ibinato ko sakto sa mukha nya. Hoy Casimiro! Mukha kang pera! Ni hindi mga natin maayos ang lecheng marketing plan natin dyan. Ni simpleng website wala pa tayo.. pagdadive agad sa pera yang iniisip mo! Wag ganuuuun!, sabi ko sa kanya. Jigs! Hindi naman masamang mangarap eh. . . Etong pangangarap kong to eto yung pinaghuhugutan ko ng lakas para ipush ang dream kong maging best seller di ba dream nating tatlo toh! Oh aminin nyo bet nyo yung sinabi ko kanina. OO nga Cash, eh baka lang kasi mausog lalong hindi matulo. Pare-pareho tayong nganga!, sabi naman ni Laine. Napailing na lang ako sa dalawa, mahirap magplano kapag kulang ang pera. End of Discussion. Wala pa kami nun. Bakit hindi ka humiram ng kapital sa asawa mo? dagdag pa ni Cashmere na lalong nagpayamot sa akin. Ulol ka talaga no! Thats impossible. Asa ka namang pakialaman ako nun at asa ka namang humiling pa ako ng kahit ano sa taong yun. Ayokong

Calling for Chances

madagdagan ang utang na loob ko sa kanya! Kahit wala naman talaga., bulyaw ko sa kanya. Chillax teh, What if lang. Wala pa naman. Pero alam mo, dun sa sinabi mong Impossible? Erase yon! Nothings impossible. Bakit hindi mo gayahin yung pangangarap ko, try to dream about that one day your dear husband will love you back and be his everything, then live happily ever after. Isnt that great? Panunuya pa nya. Oo nga Jigs! dagdag naman ni Laine Ayos yun. Hahahaha Ewaaaaaaaaaan KO sa Inyo! Look, were not like the movies! Kahit ipagpilitan ko, WALA. Nagpilit ka na ba? tanong ni Laine sa akin. Laine!!?? Its obvious. Alam nyo naman di ba. Ano ba? Ano bang usapan to? Jigs!, syempre iniisip ka lang din naman namin. Tsaka, wag kang panghinaan ng loob sa dearest husband mo. Kahit kapiraso mahal ka nun. Ipush mo na lang yung onting yun tapos paramihin mo na lang. Pwes, hindi ganun yun. Go na trabaho na. Talaga kayo, ang kukulit nyo!, tinalikura ko na sila para wag na silang magigay pa ng kahit anong comment. Its been almost 2 working years of being inside a pale, fail and shoot sa pail relationship with Mr. Josh Madrigal. Dwelling inside the same roof, living together like nothing, as in nothing. Buti pa nga ata ang mga daga sa bahay namin may pakialamanan eh, kami; wag na kayong umasa dahil wala kayong aasahan. Wag kayong mag-alala ni isang beses hindi naman nya ako pinagbuhatan ng kamay, never lang nya talaga akong pinakialaman. Kaya yung paandar na yun ni Casimiro ay talagang hindi uubra. Ni piso hindi ako humingi dun sa lalaking yun noh, kapital pa kaya!

Calling for Chances

Nagbabalak kasi kaming magtayo ng business.... Raket! Eh, mahirap kasi ang plano namin ay nananatiling plano pa rin sa loob ng 4 months. Ganun pa rin, nakalimbag parin sa papel. Well at least, Im allowed to work for a living. Para kanino pa ba edi para din sa sarili ko. Wala ngang pakialamanan eh. Kahit pa ang asawa ko ang isa sa pinakatinitingalang boss ng Madrigal Group of Companies. Ni piso wala talaga akong hiningi, kinupit o kung anuman sa kanya. Isa rin sya sa mga apo ni Don Manuel na ........ PERPEKTO. Hindi dapat magkamali at walang karapatang magkamali. Dapat sumunod sa lahat ng gusto ng Don at kabilang si Josh don.

At ako? Eto, ginagawa rin ang gusto ko. Manager sa isang simple, maliit at hindi kilalang publishing company. At least Manager ako. Hindi naman ako palahiling ng mas sobra pa sa sobra, mahirap yun. If Im not lucky, I know Im still blessed. Riiiiiiiiiiiing Riiiiiiiiiiiiiiiiiing Riiiiiiiiiiiiiiiiing! Ano nanaman to! Kinuha ko ang Phone ko sa tabi. *Ate Lai Calling - Hello, Te Lai. Bakit? - Jinele, pumunta ka sa bahay sunduin mo nga itong si Josh, bigla na lang nagkainitan ni Harry. Haiiii, ano ba tong asawa mo. Hanggang ngayon hindi matapos tapos ang issue kay Celine..... Alam nya naman na........ - Sige na Ate Lai. Pupuntahan ko na dyan. - Oh sya sige. Bbye. - Sige Bye. Kinuha ko na ang bag ko at dumeretso na palabas ng parking lot. Kahit Undertime ako kailangan ko syang sunduin don. Bago pa sya ipagkanulo ng tuluyan ng lolo nya. Hai, eto nanaman po kami. Nanugod nanaman ang magaling kong asawa dun sa malaking bahay.

Calling for Chances

Hanggang ngayon ba naman hindi nya pa rin matanggap na wala na sila ng Celine na yun. Nga pala, Si Celine ay ex-girlfriend nya, sya lang naman ang babaeng mas gusto nyang makasama, ang tunay na gusto nyang makasama sa isang bubong at ipaglaban habang buhay. Sya lang naman ang napakaswerteng nilalang na gusto ng lahat. Kaya ayun, akala mo naman pag nagwala sya dun babalikan pa sya nun. Kasalukuyang kasintahan na yun ng pinsan nyang si Harry Madrigal, ang pinakapaboritong apo ng lolo nya ayon sa kanya. Si Harry ang magaling, Si Harry lang ang mahal, Si Harry ang meron ng lahat; Lahat yon ay ayon kay Josh. Eh, kung nagtitino kasi sya sa buhay nya, edi baka katapat nya na yung pinsan nyang yun ngayon. Hindi ko tipo ang pakialaman ang buhay ng asawa ko, sadya nga lang kung oobserbahan mo ang buhay ng mga Madrigal, masasawa ka. Hindi ka maiinggit kung anong yaman ang meron sila. Mas satisfied pa nga ako sa pamilyang meron ako at kinalakihan ko. Kahit hindi nabibili lahat ang gusto, hindi mo naman kailangang iplease ang lahat ng tao, kailangan mo lang talagang sumunod sa mga normal na utos ng magulang. Yun lang. Ang mali ko na lang hindi ko pa sila sinunod. Eto na ang napala ko. Pero, pamilya ko pa rin naman sila. Sa mga Madrigal? Mukhang magkakaburahan ng apelyido kung may isang susuway at sisira ng bango ng pangalan ng pamilya nila. Madrigal na din naman ako, dahil nakapangasawa ako ng isa. Pero hindi ko yun dapat ipagmalaki dahil hindi naman sya nakakatuwa. Pero, since ganun kahigpit ang sistema ng apelyidong ito kahit papaano sumusunod ako, kahit ayoko. Hindi ko na napansin na malapit na ako, buti bumalik na ako sa malay ko muntik na kong lumampas sa mansion ng mga Madrigal. Pumasok na ako kaagad sa loob para maabutan pa ang maayos na mukha ng asawa ko. Baka pinaghahampas na yun ng baston ng Don o kung anuman. Jinelle, buti dumating ka na. Bungad ni Ate Lai sa akin, asawa sya ng nakatatandang pinsan ni Josh. Ok lang ba sya Ate Lai. Tanong ko.

Calling for Chances

Nako ayun, pinaglayo nanamin yung dalawa, baka kasi makita pa ni Lolo lalo syang malalagot. Biglang bigla na lang nagkaupakan ni Harry eh, gawa ni Celine. Kausapin mo nga yang asawa mong yan na tigilan na si Celine, magkaiba na ang mundo nila. Ittry ko Naku Jinelle, alam kong mabigat to sayo pero kayanin mo. Para kay Josh, para sa inyo. Sabi pa nya habang tinatapik ang likod ko Sige Ate Lai. Sinamahan naman nya ako sa isang kwarto kung san nandoon si Josh. Nagdadampi ng ice pack sa mukha dahil sa pakikipagsuntukan. Lumapit ako sa kanya, kinuha yung ice pack na hawak nya. Patingin nga, pumutok ba labi mo? tanong ko sa kanya. Ako na! Kaya ko na., agaw nya uli sa ice pack na hawak ko. Binigay ko sa kanya ng padabog ang ice pack. Ang Arte arte kala mo naman buong puso ko syang lalagyan ng ice pack. Tara na! sabi ko sa kanya sabay kuha ng mga gamit nya. Tumayo nanaman sya agad at sumunod sa akin palabas ng kwarto. Ate Lai una na kami, salamat. Sabi ko. Nakasalubong ko naman bigla ang dalawa ni Harry at ni Celine, may hawak din na isang palanggana at ice pack. Tinanguan ko na lang ang nagderetso na palabas ng mansion. Buti binuhay ka pa ni Harry. Biro ko kay Josh ng makalabas kami ng mansion Buti kamo binuhay ko pa sya! sagot naman nya sa akin Ganun? Hindi mo pa tinuluyan para.... Pinigil ko na lang na sabihin na para makuha na nyang tuluyan yung pinakamamahal nyang Celine na yun, baka kasi magalit lalo sya. Kumain ka na? Hindi pa.
Calling for Chances

Anong gusto mo? Magluluto ka? Kung gusto mo. Kung gusto mong bumili, edi bibili na lang tayo. Magluto ka na lang. Okay. Haiii. Ganto naman ako kabait sa kanya eh, sa isang normal na asawa gyera na. Sino ba namang tinong asawa ang ipagluluto pa kanyang asawa matapos makipagsuntukan para makabalikan ang dating girlfriend nya. Parang tanga lang di ba. Wala eh. Ganto naman ang buhay eh.... Ang buhay ko. Para na lang palagi ko pa rin kasama ang taong mahal ko. Martir Martiran na lang. Hindi ako to eh. Pero para sa kanya, pinauuso ko na. Ni kapirasong thank you nga wala kong napala sa kanya pero tuloy pa rin ako. Anong gusto mo? Chicken lang. Chicken lang, di sana nagtake out na lang tayo! walangya to gusto talaga papahirapan ako. Ngumiti lang naman sya at umakyat na sa kwarto nya. Nya. Magkaiba ang kwarto naming dalawa. Ayos no, tamang border lang. Bed Spacer parang ganun. Ewan ko ba kung paano ko nakakatiis ng gantong set up. Mahal na konde, luto na ho ang chicken nyo!!! sigaw ko sa kanya sa taas ng matapos akong magluto. Lumabas naman agad sya at umupo na sa lamesa na parang gutom na bata. Hindi ka ba kakain? Wag na, makita ko lang na nakain ka busog na ako. Sagot ko sa kanya habang tuloy pa rin ako sa paglilinis ng pinaglutuan ko

Calling for Chances

Halika na dito, sabayan mo na ako. Hanggang dito ba naman sa bahay natin, ayaw pa rin ako sabayan kumain? sabi nya na parang isang batang nagsusumbong dahil hindi sya pinansin. Bakit ayaw ka ba nila dun sabayan? tanong ko sa kanya Umiling lang sya. Eh, bakit ka pa kasi punta ng punta dun ayaw naman pala sayo. Pinapupunta ko kasi eh, tapos wala naman ibang magaling kay lolo kundi sila-sila. Gulo nyo! sabi ko na lang sa kanya. Magulo naman talaga ang buhay nila, Sila silang magkakapamilya, magkakakumpetensya. Tapos eto namang isang to may sarili ding plano. Ayaw naman ng mga nakakataas pero pinipilit nya pa rin. Kung nagtatayo na lang sya ng kanya kahit pa bawal at ayaw ng lolo nya. May pera naman syang kanya. Kasal na sya. Hindi pa rin ba maibigay ang freedom nya? Well, sabagay nga hindi nga pala ako yung taong gusto nyang paglaanan nya ng freedom. Si Celine. Si Celine na kasalukuyang nasa kompanya ng mga Madrigal. Kaya hindi nya maiwan ang lahat, kasi naron nga pala ang kasiyahan nya. Lecheng Buhay yan oh! Minsan gusto ko na lang syang sigawan na BAKIT BA HINDI NA LANG AKO AT MABUHAY TAYONG WALA SA ANINO NG PAMILYA MO! Pero baka tingnan lang nya ako at layasan at sabihing PAKIALAM KO SAYO. Kahit maglupasay ako sa harap nya, hindi mababago ang takbo ng relasyon namin. Asawa lang nya ako, End of Discussion. Tsk Tsk. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi magstay dito sa bahay na to, kahit hindi nya ako mahal, kahit civil lang kami sa isat isa. At least, kasama ko sya. Ako pa rin ang natatakbuhan nya sa twing ipagtatabuyan sya ng pamilya nya, Ako pa rin

Calling for Chances

ang natatanging taong hindi sya bubulyawan kahit maling mali na sya. Sana lang talaga napapansin nya yun. May gagawin ka ba bukas? tanong nya sa akin. Para namang nagliwanag ang buong paligid ko. Ano kayang hihilingin nya? Depende, Bakit? Wala , gusto kong maggala. Hindi ka papasok sa office? I need a break. Alam mo namang hindi uso sa lolo mo ang break di ba. Hayaan mo sya, ano sasamahan mo ba ako? Sige. Sige bukas, matulog ka na. Goodnight. Tumango lang sya. Wala na bang tatabang sa aming dalawa? Matabang pa kami sa plain. Pero wala eto na talaga kami eh, pasalamat pa ako at nakakausap ko pa sya ng maliwanag. Sabi ko naman sa inyo, hindi naman sya yung tipo ng tao na nananakit dahil ayaw sa akin o kaya nag-aamok. Ganyan lang sya, tingin ata sa akin nyan Tropa. * * * Maaga akong gumising para magluto ng breakfast nya, ayoko namang umalis kami ng gutom. At never nangyari sa mga taong pinagsamahan naming dalawa dito sa bahay na to, na pinapasok ko sya ng walang kinakain. Wala nanaman syang hihilingin pa, Dapat. Ive been a good cook for my dearest husband for almost 2 years now.
Calling for Chances

Maya-maya narinig ko na syang bumaba sa hagdan. Hey! Lets eat. Wow. Kakapanaginip ko pa lang ng Tocino at Sunny Side up kanina eto na sa harap ko ngayon. I heard you murmuring those. Oh?? I smirked. No Just Kidding. He just smiled at me habang kumukuha ng pagkain. Masaya na akong maappreciate nya ang mga ginagawa ko. That made my day already. Kahit wala na ang I love yous and all the sweet stuffs that a couple must do. Simple Appreciations and smiles are all counted. Umupo na ako sa tapat nya at naglagay na rin ng pagkain. San nga pala tayo pupunta? Ecopark? Ok sayo yun? That sounds nice. Okay. Magbilang tayo ng dahon dun. No thanks. Hindi ko trip yun. Hows your ruptured lip? Okay lang, may araw din sa akin si Harry. Tama na Josh, hindi na natapos yang mga araw na yan. Lagi na lang may rematch? Kung papuntahin nyo naman ako tapos na! Hahaha, gusto mo bang makapanood ng laban? Next time. Wag na. Ayoko din. Sa totoo lang ayokong marinig yung mga background chitchats ng away nila. Na puro si Celine, Akin si Celine, Mahal ko si Celine.

Calling for Chances

Paniguradong hindi ko magugustuhan ang mga maririnig ko. Better off kung wag na lang. Ayoko syang masaktan at ayoko ding masaktan. Para kasi yang domino effect. Pag nasasaktan sya, I care for him. Pag nasasaktan, may nagtanong ba sa nararamdaman ko? After a while, nag-ayos na kami since were heading off to Ecopark. Minsan lang to for me its a date. For him? Well, Of course its not. Gusto lang nyang gumala at sinama lang nya ako as a company. Pagdating namin dun, inabutan na namin ang mangilan ngilang tao. May isang buong pamilya, may mga batang nagtatakbuhan, may mga nagpipicturan, may mga masasayang magkasintahan. Buti pa sila. He doesnt even hold my hand. At bakit naman nya gagawin nga pala yun. Hindi naman kami katulad ng mga taong yun. Were just couple. Were not in love. Jigs, want some ice cream? Huh? . . . . Ah yeah.. Sige. Nawawala nanaman ako sa katinuan ko sa tuwing iniisip ko kung gaano kami nasayang na dalawa. Umalis sya sandali para bumili ng ice cream sa isang stall. Nakakatuwa pa rin naman na kahit ganito kami, hindi pa rin naman nya ko pinapabayaan. Here. Sabay abot ng binili nyang chocolate ice cream. Maraming mga batang nagtatakbuhan sa harap namin, habang kumakain kami ng ice cream. Nang biglang, may isang batang lalaki nawalan bigla ng balanse sa pagtakbo at bumagsak sa harap naming dalawa. Umiiyak ito habang tinutulungang tumayo ni Josh. Okay ka lang honey? Whats your name? tanong ko sa bata. An....drei.......... Iyak pa rin sya ng iyak Stop crying na Andrei huh, masakit ba? tanong ko pa rito habang chinecheck kung may sugat sya.

Calling for Chances

Ok ka lang pare? Takbo ka ng takbo eh. Tahan ka na, san ba si Mommy mo? tanong naman ni Josh habang pinupunasan ang mukha ng bata na iyak ng iyak. Bili na lang tayong ice cream huh, mamaya wala na yan. Ice cream lang katapat nyan. Loko pa nya dito. Nakakatuwa silang tingnan, Paano kaya kung nabuhay ang anak namin ni Josh. Siguro masaya na kaming lahat ngayon. Kahit naman papaano matatanggap nya na din siguro yung anak namin. Sana nga narito pa rin ang baby ko. Tamo hindi na masakit di ba. Sabi nya sa bata ng bumalik na sila sa kinauupuan namin at may dalang ice cream. Honey, wheres your mommy. Balik na tayo sa kanya. Tanong ko sa bata sabay turo sa direksyon kung saan naroon ang kanyang mga kasama. Tumayo na kami ni Josh kasama ang batang yun, para puntahan ang mga kasama ng bata. If the pain can be erased by just eating Ice Cream, Ill eat a million gallons of it. But its not. Tuloy tuloy lang kami sa paggagalang dalawa, may mga ikinekwento syang hindi naman ako interesado. Gusto ko lang naman kasing marinig ko sa kanya na pagusapan nya kung paano na kaming dalawa. Ang hirap ng gantong estado ko. Feeling ko hindi na ako nagogrow kung ganto lang kami. But I tried not to show being a helpless wife. I always try to be cool in front of him. Tamang taga-kinig ng mga himutok nya, spoiling everything he wants and he wish. If thats the thing that I can make him stay. I will. I always will.

Calling for Chances

CHAPTER 3 I think we must push this deal. Sagot ng isang kameeting kong kliyente, matapos ang umaatikabo naming pakikipagnegosasyon. Nakipagkamay sya sa akin. Thank you so much Mr. Escalante. Youre so much Welcome Ms. Abesamis. Its also a pleasure dealing with a great woman like you. Dagdag pa nya, habang wala pa ring bitiw sa kamay ko, agad ko na lang inalis para wala na itong isipin. Yeah, Thanks again sir. Una na po kami. Umalis na agad kami ni Cashmere sa restau, hawak hawak ang mga papeles na nagsasaad ng tagumpay namin. WOOOOOOOW! Abesamis, wala kang kupas. Yang karismang yan ang mag-aakyat ng swerte sa atin. Matutuwa nanaman ang publishing nyan sa atin. At.. . .... At.... ..... At ..... talagang Ms. Abesamis ang pinatawag mo ha! Di ba ikaw na si Mrs. Madrigal ngayon!

Calling for Chances

Hahaha, Whatever thats part of the plan. See that? Para nga kong tutunawin ni Mr. Escalante eh Jusko! Totoo ka dyan girl. Pero keri lang yan. Yang charms mong yan ang malakas magpaoo ng mga kliyente eh, kaya nga ba lagi tayo ang ipinadadala ng boss kung san san. Kasehodang ikaw yung manager at dapat nakaipo ka lang sa opisina. Pero NO, ikaw na teh. Yan na nga ba yung tinatawag na trabahong ganda lang ang puhunan! Oha! Ano pa nga bang say nila?, litanya pa nya. Oh sya, sya. Thats enough ayokong mausog ang karismang to. Try mo kasing gamitan yang magaling mong asawa noh. Pag naman nakahindi pa sya eh, ewan ko na lang kung anong klaseng lalaki pa sya. Casimiro, sa inaraw araw na magkasama kami nun. Kung tinablan na yun ng karismang to, tinablan na yun. Pero hindi eh. So it means, waley talaga sa kanya ang kagandahang meron ako. Hindi ang gandang to ang gusto nya. Ano ba naman yang si Josh. Nasa harap na ang swerte, nilalampas lampasan pa. Quit it. K fine. Kung lalaki lang ba ako eh, edi inagaw na kita sa asawa mo! Eh alam mo namang baliktad, si Josh ang gusto kong agawin sayo. Haha, Adik. Hindi pwede no. Bumalik na kami sa Publishing kaagad, para magcelebrate ng aming great deal sa isa sa pinakamalalakig publishing house sa bansa. Iniisip ko lang, ano kaya ang siste ng asawa ko sa kompanya ngayon? Alam kong magkasama sila nung Celine na yun dun ngayon, malamang may bago nanamang ibabatong issue ang lolo nya sa kanya, at mamaya uuwi nanaman syang stressed out sa trabaho.

Joshs POV
Calling for Chances

Same old! Same old days and routine works. Gawin mo to, gawin mo yan. Tapos ano, wala nanamang tama. Mali to, ulitin mo yan, hindi ganyan, anong klaseng gawa to, bakit hindi ka tumulad sa pinsan mo! Im sick and tired of all my lolos bullshit comments! Alam pala ni Harry ang lahat ng takbo ng opisinang to eh bakit hindi na lang nya doon. Tutal sya lang naman ang makakatama ng lahat ng pwede kong gawin. Wala na akong alam. Naramdaman kong may pumasok sa opisina ko. Excuse me Josh. Eto yung folder na pinabibigay ng lolo mo. Make an understudy, may meeting ang Higher Ups bukas. Si Celine. Yeah Thanks. Tapos, pirmahan mo na ang mga to. Magpasa ka ng financial accounts and ...... Kinuha ko ang kamay nya.. Celine, lets talk. Josh, stop it. Nasa trabaho tayo! Celine.... alam mo naman di ba. Harry is not for you. Ganun ganun mo na lang a itatapon yung sa atin. Josh I said stop it ayoko na ng gulo. Youre already married, cant you just be happy and live your life for her. Harry and I are getting married soon, dont mess up! galit na sabi nya. Yung financial accounts, kailangan yan ng lolo mo. Please cooperate! Umalis na agad sya at lumabas sa pinto ng office ko.

Calling for Chances

Hindi ko maintindigan kung bakit naging unfair na ang lahat. I am happy with Celine tapos biglang isang araw na lang, nagbago ang lahat ng magloko ako sa isang bar. I never expected na magkakaganto ang lahat. About Jigs and all the mess ups. My one and true love who fell in love with my cousin. Comparisons and all bad comments. Bakit tingin nila lahat sa akin is good for nothing. All I want is a good life with Celine, kahit pa ipagkanulo na ako ng lolo ko makasama ko lang sya. Jigs and I wont work for all the Saints sake. Pero patuloy pa rin ang pagpilit ng pamilya ko sa kasal na wala namang hahantungan. Para akong asong itinali para wag makasama ang taong mahal ko. This is Unfair. Hello sir, meeting daw po. Tawag ng secretary kong si Mio. Sino nagpatawag? Si Sir Harry po. Anong pasikat nanaman ba ang gusto nya? Hindi pa ba sapat yung meeting kahapon? Ewan ko sir. Let him wait for me. Get out! What the fuck is he thinking. May araw ka rin sa akin Harrison! Im really sick and tired of all your bullshit image in my life. Lahat na lang nasa kanya. I wont give up with Celine. Not with the love of my life! Umalis ako sa office, wala akong balak na makita sya at marinig ang mga pinagsasasabi nya. *

Calling for Chances

* Nang bumalik ako sa office, Sir Pinatatawag ka po sa office ng lolo nyo. Damn Whats new! Pumasok ako dun, ano pa nga bang inaasahan ninyo? Edi bubungangaan nanaman ako nito. As always, the comparison between Harry and me will never die. I Just wanna go home! Saan pa ba yung lugar na hindi ko maririnig yang pangalan ni Harry. Edi sa bahay na lang din kasama si Jigs. Buti pa nga yun eh, hindi nagkukumpara ng kahit sino sa akin. Wala naman din akong maisusumbat sa taong yun kasi kahit ibang klase ang pagsasama naming dalawa hindi nya ako binibitawan. Dumeretso na ako pauwi. Hey stubborn. Whats up? Ohhh Lemme guess. Same old Happening? bungad sa kin ni Jigs Yeah Same old! And please Jigs, Im not stubborn. Nabibingi na ko sa office. Wag mo na lang dagdagan. Chillax!... hindi ko naman dadagdagan eh. Kumain ka na? Tanong nya Hindi pa. Mcdo tayo? Treat ko! Sure ka? Ayaw mo? Hindi naman, anong meron Jigs? Gusto ko lang iMcdo ang batang may topak. Tara na?

Calling for Chances

Ngumiti na lang ako sa kanya. Ano pa nga rin ba talaga ang masasabi ko kay Jigs, buti pa pag sa kanya light lang ang buhay. Hindi ko alam kung papaano nya nagagawa yun. Hindi ko rin akalain na magkatotoo ang pagiging permanente ang pagpapatattoo ko ng pangalan nya sa dibdb ko noon. Permanente akong nakakulong sa kanya, hindi na sa babaeng pinangarap ko. Tara na topak. Ano ba! Sabi ng wag na mang-asar eh Hahaha, Ok sige hindi na. Gusto mo ba ibili pa kita ng happy meal? Ayoko, halika na. Baka magsara pa yun eh. Bili mo ko ng fries ah. Yes baby boy. Youre wish is my command. Umalis na kami papuntang Mcdo along the High Way na nasa tabi ng gasoline station. Nakakatuwa lang isipin na para akong batang inaamo. Mabait naman si Jigs sa akin. Katulad nga ngayon, ready pa nya akong itreat. Hindi ko alam kung anong gusto nya at kung bakit patuloy pa rin syang kumakapit sa kasal namin. Kung tutuusin pwedeng pwede nya na akong iwan dahil wala naman kaming anak. Siguro nga mahal nya ako. Pero wala naman akong kayang ibalik sa kanya eh, kundi ang pagbigyan sya sa mga simpleng bagay na katulad na ganito. Kapag iniisip ko naman, hindi rin ata kaya ng konsensya ko. Kung tutuusin hindi naman nya ako pinababayaan, paano na lang kung wala pa akong inuuwiang katulad nya. Pwede ng bumaba. Nasa Mcdo na po tayo, kuya. Ah andito na ba tayo? Napakabilis mo naman magmaneho. Sabi ko sa kanya. Eh baka gutom ka na, alam ko namang masama ka magutom.

Calling for Chances

Tara na, libre mo ha! Opo! May isang salita ko! Pumunta na sya sa counter, para magorder. 2 orders ng two-piece chicken with Large Coke, 2 McFlurry at 3 large Fries and 2 chicken burgers. Sabi nya sa counter. Ang dami naman nun. If thatll made you happy, pretty boy. Sige. Its almost 2 years simula ng makasama ko si itong si Jigs. Hindi pa ba sya nagsasawang utuin ako ng utuin? Hindi naman nya ako tinotoxic at never pang nagyari yun. Pero hindi naman ako magugulat kung isang araw sukuan na rin ako nito, katulad ng pamilya ko at ang pinakamamahal kong si Celine. Hindi ko na alam. Kumain na kaming dalawa na parang bata. Napakaraming pagkain sa harap naming dalawa. Mas light ang buhay kay Jigs talaga kumpara sa sinumang pwede kong makasalamuha. Para sa kanya naman kasi, pag gutom kumain. Pag inaantok matulog. Pag nabobore humanap ka ng pagkakatuwaan. Ganun lang. Sa pamilya ko? Kahit gutom ka na hindi ka pa rin pwedeng kumain kahit mamamatay ka na sa gutom. They are all insensitive. Well, I suppose sa akin lang naman. May nakita kong strawberry cake dun sa nadaanan natin kanina, magdrop by ako sandali dun mamaya ah. Masarap yun eh., paalam nya sa akin. Okay. Napakasiba mo naman. Hindi ka pa ba solve sa lahat ng nilamon mo dito? Umiling lang sya sa akin. Grabe ka!

Calling for Chances

Jigss POV Sa isip-isip ko lang never akong masosolve kung hindi ka pa rin magiging akin. Haaaaaaaai. Well Anyway, Im thinking too much and Fuck, Im wishing too much. Kasama ko na naman sya ngayon ah. Isnt that enough? Full? tanong ko sa kanya ng lumabas na kami ng Mcdo. Yep. So much Full. Thanks for the treat. Okay. Lets go. Sumakay na ako sa drivers seat at sya sa tabi. Grabe ako pa rin ang magdadrive, wala talaga syang patawad. Nagdrop by din ako sandali sa isang bread and pastry shop kung san nakita ko yung strawberry cake na matagal ko ng sinisipat. At last. Matitikman ko na sya uli. Umuwi na kaming dalawa sa aming dampang tahanan at syempre nagkanyakanya na uli. Wala nanamang pakialamanan. Nasa baba lang sya at nanonood pa ng football sa TV. Mukhang magpupuyat pa to. I really wanna say goodnight to him. But I cant. I mean, Im shy. Ayokong maignore. Pero hindi ko naman namalayang bumababa na pala ako ng hagdan. Napansin naman nya ako. Akala ko tulog ka na? May laban oh. Sabay turo sa TV. Ah yeah. Antok na kasi ako eh. Update mo na lang ako bukas. Kuha lang ako ng tubig. Hindi na naman sya umimil kaya nagderetso na ako sa kusina para kumuha ng tubig. Kahit hindi naman talaga ako nauuhaw. Nang pabalik na ako sa taas, sinulyapan ko sya pero mukhang dalang dala pa rin sya sa pinapanood nya. Umakyat na ako.

Calling for Chances

Goodnight Jigs! Thanks sa Mcdo. What? Is that Goodnight? Wow, bago yun ah. Goodnight din. Pahabol ko pa. Tapos umakyat na ako at pumasok sa kwarto na parang timang na ngingiti ngiti. Pagbigyan nyo na ako. Madalang pa sa patak ng ulan kung mangyari to. Mukha talaga kaming tangang dalawa. Josh..... Josh..... Josh..... You are really, really stubborn. * * * Well, after that perfect dinner of us that absolutely made my day. Eto nanaman po kami, balik sa dating gawi. I made him breakfast and he ate then flew away without even saying THANKS JIGS! Okay fine, malamang sanay na sya sa gawi ko. Ako pa nga dapat ang magpasalamat at kumain sya. As if naman ipagluto sya ng Celine nya. Syempre mas uunahin nun yung boyfriend nya, timang ba sya. Pero teka, kailangan ko nga rin palang pumasok sa trabaho. The Manager should be always there. Bakit ko naman ipapakita sa mundong komplikado ang buhay ko. Tutal gusto ko naman ang ginagawa ko. Ayos nga dun sa trabaho ko eh, parang walang boss, walang mababa, walang mataas. Laissez Faire kung tawagin ba. Isa rin ako sa managing editor dito. Kami kasi ang mga gumagawa ng mga cartoon designs at naglalagay ng mga effects sa mga ilang games at Filipino anime shows, Filipino comics at kung anu-ano pa na may patungkol sa pagguhit.

Calling for Chances

Doon ko nakuha ang trip ko, Mahilig akong magdrawing, magpaint at malaki din ang pagkahilig ko sa multimedia designing. Well, Im a licensed architect pero wala ako sa linya ng mga naglalakihang buildings. Pwede naman eh, freelancer naman ako. Kasehodang Madrigal ang apelyido ko ngayon, hindi nila ako mapipigil. Kung anong gusto ko, yun na yun. Alam ko para sa pamilya ng asawa ko, hindi ito stable. Pero sa akin, hanggat gusto ang ginagawa ko Stable yun. Ah sya nga pala, Nagtatattoo pa rin ako kung may gusto. Tamang Raket lang. PangMcdo sa asawang may topak.

Chapter 4 Papunta kami ni Josh ngayon sa mansion ng Don. May sosyal na lunch party ang matanda ata, natural pupunta kami pag sinabing pumunta at magfifreak out lang ang matandang yun kay Josh. Ayaw nga nitong isang to pumunta, kasi ano pa nga ba ang aasahan nya dun kundi inggit sa mga pinsan nyang pinakamamahal ng Lolo nila. Ahhhh Ewan. Halos pangarapin ng lahat maging isang Madrigal, kung alam lang nila kung gaano kakomplikado ang pamilyang to. Isa lang ang masusunod, isa lang ang susundin, bawal amsira ang reputasyon kaya lilinisin nila gamit ang kanilang kapangyarihan ang lahat ng duming didikit sa apelyidong Madrigal. Sa totoo lang, ayaw naman sa akin ng Matandang yun eh. Sino ba naman ako? Ano ba naman ang isang Abesamis na katulad ko? Kung hindi lang ako nabuntis ng apo nilang yan eh, asa pa naman akong maging isang Madrigal. Kaya ayun ipinakasal kami ng tuluyan ni Josh kahit ayaw na ayaw naman nitong isang to

Calling for Chances

para wala na daw sabihin yung ibang tao na kesyo nakabuntis, hindi pinanagutan. Kesyo nakakahiya at kung anu-ano pa. Lalo na siguro pag nalaman nilang isa lang akong tauhan ng Publishing company na para sa kanila kung anu-ano lang ang dinodrawing. Hindi ako ang tipo nilang babae na ipapakasal sa isa man sa mga apo niya. Eh dahil nga siguro ganun naman si Josh at hindi nila sya priority pinabayaan na lang ipakasal sa isang hamak na tulad ko. That is very sick! Pati ako nadadamay sa mga kaartehan ng pamilya nila. Kung siguro okay kami nitong si Josh, baka tumakas na kaming dalawa nito sa malayo. As in malayo sa anino ng Pamilya Madrigal. Pagdating namin dun, dumeretso na kami sa loob. Oh dumating na pala kayong dalawa, kumain na kayo sa loob., bungad ng Tita ni Josh, na nanay ni Harry. Hello po Tita Mary. Sabay beso sa kanya. Kailangan to Jigs. Kahit halata naman sa mukha ng matapobreng babaeng to na ayaw nyang narito kami ni Josh. Lalo na ako. Yeah, later. Si Lolo? tanong ni Josh dito. Baka nasa may pool, kausap si Harry. Ano nanamang bago. Mababadtrip nanaman tong isang to. Ano pupuntahan mo pa ba? tanong ko sa kanya Mamaya na, tara puntahan na muna natin si Yaya Meding. Kaagad na naming tinungo ang kusina para puntahan ang paborito nyang yaya. Hindi rin naman maipagkakailang paborito rin si Josh ng kanyang yaya, na tumanda na sa pagsisilbi sa pamilya Madrigal. Ito na rin kasi ang halos nagpalaki kila Josh, Lalo na dito sa isang to. Masyadong busy ang kanyang mga magulang para asikasuhin sya.

Calling for Chances

Nasa ibang bansa ang mga magulang ni Josh at patuloy na nagpapalago ng negosyo. Ang nag-iisa naman nyang kapatid na babae, ayun tumakas na sa mga kagustuhan ng Lolo nya. Sinunod ang pangarap na maging fashion designer. Ang galing nga nun eh. Naisip ko lang kung bakit hindi yun magawa ni Josh. Well, Actually kaya din nga pala nya. Kaso kung gagawin nyang magsolo at lumayo sa anino ng Don. Hindi rin naman nya ko isasama. Malamang sa malamang gagawin nya lang tumakas kung kasama na nya si Celine. May sasaklap pa ba dun? Hijo, kamusta ka na... Nagmamadaling umalis si Yaya Meding sa harapan ng lamesa habang naggagayat ng mga rekado ng niluluto nya. Eto Ya may bago ba? Sabi nya matapos magmano sa kanyang Yaya. Nagmano rin naman ako dito. Naku, Kasama mo pala itong si Jinelle. Natutuwa naman akong makita kayong dalawa. Yaya Meding ako rin po. Busyng busy ata po kayo ah. Sabi ko naman sa matanda. Oo, hija alam mo naman. Pag sinabi ng Don, wala naman magagawa kundi sumunod. Eto nga at hindi pa tapos ang niluluto ko. Gusto nyo po ba ng tulong? tanong ko naman sa kanya. Naku Jinelle Hija, wag na. Baka madumihan ka pa. Doon na lang kayo sa loob nitong si Josh. Okay pa nga ko dito Ya eh. Sabi ni Josh. Outcast naman kami, pinapunta pa kami. Dagdag pa nito habang inuumpisahan na ang pagtikim sa mga niluluto ni Yaya Meding. Joshua, wag na wag mong isipin yan ha. Ikaw talaga, alam mo namang pantay pantay kayo dito ng mga pinsan mo. Pakikisama lang ang susi dyan. Sabi naman ni Yaya. Pakikisama as if naman alam nila yun. Anyway, ayoko na lang makialam. Dahil sa totoo lang OUTCAST din ako. Pang kusina lang ang peg ko.

Calling for Chances

Ya, obvious naman eh. Kung nakikita mo lang ako sa opisina. Ay sus, Josh. Tigilan mo na yang mga iniisip mong yan. Kinuha nya ang sandok na hawak ni Josh. Tigilan mo na rin ang pagpapak nyan. Intayin mo itong niluluto kong Caldereta, alam kong paborito mo to. Wala nga to sa menu na gusto ng Lolo mo pero gagawa ako kasi alam kong dadating ka. Nakakatuwa naman talaga tong si Yaya Meding, Ang bait bait nya kay Josh. Naaaaks, Yan ang gusto ko sayo eh. Love na love mo ko eh. Sabi ni Josh sa Yaya at parang batang yumakap dito. Love na love din naman kita ah. Sigaw naman ng utak ko. Oh sya tama na, baka naman magselos si Jinelle nyan sa akin. Hala, si Yaya naman oh galing bumasa ng isip. Naku hindi po, Yaya Meding. Ok lang. Pagsisinungaling ko ng bahagya sa kanya. Ang sarap lang siguro ng feeling na yakapin ako ni Josh tapos sabihan na Love na Love nya ako. What If lang. Jigs paturo ka kay yaya ng Caldereta. Sabi nya sa akin. Wow ha, may utusan ka! Marunong naman ako nyan, hindi ko lang alam ang secret na katulad ng kay Yaya Meding. Parang trip kong malaman ah, para tuluyan ka ng mahulog sa akin. Sabi nga, The way to a mans heart is through his stomach. And as far as I know Ive been a good cook in the house so far. Wala naman tong secret Jinelle pero sige, panuorin mo kung paano. Dagdag kaalaman lang galing sa beterana sa kusina. Sige Ya! Gusto ko yan. Ya, Jigs, dun lang ako ah. Kakausapin ko pa si Haj.

Calling for Chances

Umalis na sya at iniwan ako sa kusina kasama si Yaya Meding. Natutuwa naman ako sa ginagawa ko kasi alam kong makakakuha ako dito ng maraming tips tungkol sa asawa ko. Alam kong kilalang kilala nitong matandang to ang halukay ng bituka ni Josh, kaya tamang tamang dito ako nagdididikit. Maya-maya may pumasok sa kusina, Si Celine. Hi Yaya Medz. Bati nya kay Yaya Meding. Oh, Hi Jinelle! Hi. Sabi ko naman sa kanya. Wow, that looks delicious ah. Kelan kaya ako matututong magluto ng mga ganyan. Sabi pa nya Whaaaaat? Hindi sya marunong magluto. My God! Plus 3 points ako dun. Palibahasa mukhang pasosyal tong isang to. Talaga namang sosyal sya, maganda, she stands like a model and what Madrigal Clan love about her is her well-off background like them. But, Im not yet sure kung ano ba yung gustung- gusto ni Joshua sa babaeng ito at hanggang ngayon ayaw pa nyang tantanan. Shes way pretty than me having nice dress and pair of shoes. This Celine Marie Monreal na parang gintong pinag-aagawan ni Josh at ng pinsan nyang si Harry Madrigal, napakaswerteng nilalang. But I never wish to be like her.... well except Joshs affection towards her. Yun lang naman ang gusto ko pwede na akong mamatay. Mamatay na maganda. Hindi naman kasi kailanman makakabog ng karisma ko ang karisma nya. My simple polo shirt and jeans will never beat her shining shimmering beauty. Hinding hindi naman kasi ako bagay sa Mansion na ito. Talagang Pangkusina lang ako. Aray! Leche naman, sa lalim ng iniisip ko kamay ko na pala ang nahiwa ko. Oh Jinelle, naku hija. Nahiwa ka. Hugasan mo na... Gamutin natin sa taas. May pag-aalang wika ng matanda. Jinelle you okay? Tanong naman ni Celine.

Calling for Chances

Yep thanks, wala to. Malayo to sa bituka. May first aid po ba kayo Yaya? Oo halika na sa taas. Para magamot yan. Sige Yaya, dito na lang po ako muna. Intayin ko po kayo. Sabi ni Celine na nagpaiwan muna sa kusina. Papaakyat kami sa taas habang pigil pigil ko ang dumudugo kong daliri nang makasalubong naman namin ang pinsan ni Josh na si Haj. Oh what happen? Tanong nito na gulat sa pagkakakita ng dumudugo kong daliri. Nahiwa. Sabi ko. Haj, kuhanin mo nga ang first aid kit at magamot muna itong si Jinelle. Kaagad naman nitong sinunod ang utos ng matanda. Maya-maya ay bumalik na rin ito na dala ang isang toolbox na pinaglalagyan ng kanilang first aid kit. Yaya Meding, kaya ko na po ito. Pasensya na po naabala ko pa po ang pagluluto nyo. Naku wala yun hija. Sige na gamutin na natin yan para maampat na ang pagdudugo nyan. Ya Meding, ako na po. Balikan nyo na yung niluluto nyo baka masunog pa. Sayang naman hindi namin matitikman ang masarap mong handa. Pigil naman ni Haj sa kanya. Sigurado ka? Opo Ya. Oh sya sige. Maiwan ko na kayo dyan. Jinelle, mag-ingat ka sa susunod. Dagdag pa nito Opo Yaya, Sorry po ulet. Binuksan ni Haj ang Toolbox at kinuha ang nakarolyong bandage at ilang piraso ng bulak.

Calling for Chances

Lagyan mo nito oh. Sabay abot ng bulak na may betadine. Hindi yan mahapdi, di ba sabi sa patalastas ang gamot sa sugat hindi dapat mas masakit sa sugat. Natawa naman ako sa sinabi nya. Oo nga naman. Bat naman kasi naglaslas ka na. Nandyan lang naman si Josh. Nahiwa ako, aksdente lang. Akin na yang kamay mo. Habang iniikot ang kapirasong bandage sa daliri ko. Masakit pa? Medyo. Mawawala din yan. Sana nga. Hala ano ba yung nasabi ko! Medyo O.A yung naisagot ko sa kanya baka kung ano naman ang isipin nitong isang to. Kamusta na kayo ni Josh? tanong uli nya. Ano naman yung tanong nyang yun! Nakakahalata ba syang walang kwenta ang relasyon namin ni Josh? Ah...... Eh... Okay lang naman. Talaga? Bakit naman. Jinelle, alam ko ang nangyari nung huling magpunta ka dito. Nakipagsuntukan ang asawa mo dahil sa ibang babae..... Dahil kay Celine. Ah .... Ayun? Jinelle, alam kong masakit yun para sayo. Wala naman akong magagawa Haj. So Ganto ka na lang habang buhay ganun ba?

Calling for Chances

Hindi na lang ako nakasagot kay Haj. Alam kong isang interogasyon to. Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang mga tanong na ayokong marinig. Oh, bakit andito kayo? tanong ni Josh na biglang sumulpot sa likod namin. Eto naglaslas na tong asawa mo, hindi mo pa alam. Sabi ni Haj sa kanya. Hindi ah, nahiwa lang ako kanina dun sa kusina. Okay na to malayo to sa bituka. Ahh okay, tara na Jigs. Luto na yung Caldereta. Gutom na ko. Sabi nya sa akin na wala man lang tanong tanong kung masakit ba ang sugat ko o ano. Nagkatinginan na lang kami ni Haj habang pababa na kami. Sa totoo lang ayoko ng pag-usapan pa ang kahit na ano. Kasi masyadong nahuhukay yung sugat na tinabunan ko muna kahit sandali lang. Oo, Masakit. Masakit na yun lang ang reaksyon nya sa nangyari, masakit na narito si Celine at nakikita nya, masakit na isiping parang background lang ako sa lugar na ito. Sinamahan ko na lang syang kumain sa labas. Inuubos ang isang bundok na pagkaing nasa plato nya. Ang sarap talaga magluto ni Yaya. Para kong bibitayin. Sabi nya. Hinay lang marami pa don. Hindi ka mauubusan. Malamlam na komento ko sa kanya. Bat yan lang ang pagkain mo? Diet? Umiling lang ako habang tuloy lang sa pagkain. Kinuha nya bigla ang kamay ko, yung parteng may nakapulupot na bandage sa daliri ko. Okay ang ba yan? Malalim yung sugat? Naisip nya yun? Naisip nya ding tanungin ako? This is a miracle! Ah... wala yan malayo to sa bituka.

Calling for Chances

Malayo sa bituka? Bat hindi ka makakain dyan. Wala. Parang bigla namang akong nabunutan ng isang pirasong tinik at biglang bumalik ang gana ko sa pagkain dahil sa pagkakausisa nya sa akin. Isang pirasong tinik lang ang nabunot laban sa ilang milyon kasalukuyan pang nakatusok. Nakakatamad nga ang lunch party nitong mga to. Eh sila-sila lang naman ang nag-uusap, syempre sila-sila din lang naman ang nagkakaintindihan. Kaya nasa isang tabi lang ako. Nakaupo at ibinabaling na lang ang sarili sa paglalaro sa cellphone ko. Jinelle! Oi Haj. Haaaaay eto nanaman to mangungulit nanaman. Sabi ng No comment muna ako sa ngayon. Bored ka na ba? Medyo. Drinks oh. Sabay abot sa akin ng isang orange juice. San ka nga pala nagwowork? Tanong nya. Sasabihin ko ba? Kahit nga si Josh hindi inuungkat ang trabaho ko dahil ayokong magbigay sila ng komentong hindi ko ikatutuwa. Ahm. . Managing Editor. Wow Saan? Wag mo nang isipin, sa liit ng company namen hindi nyo na mapapansin yun. Wala pa sa ng Madrigal Groups ang pinagtatrabahuhan ko.

Calling for Chances

Ok. Kung yan ang gusto mo. Pero alam mo mas okay pa nga ang magtrabaho sa mga ganung company. Hindi kasi sya mabigat hawakan at hindi mo kailangang iplease ang malaking mass ng mga tao. Dagdag pa nya. Malalaking tao, kamo. Tama ka. Buti na lang at hindi nya na inungkat ang mga tinatanong nya kanina. Mabait naman si Haj, kaiba sa mga kwento ni Josh. Akala ko tuloy mga matapobre itong mga pinsan nya. Siguro itong si Harry pa. Tuwing makikita ko naman kasi sya eh nasa tabi sya ng lolo nya, nakikipagnegosasyon. Ano kayang itsura naman ng asawa ko tuwing nakikipagnegosasyon, mukhang hindi sya tatagal sa kulitan sa kliyente. Mainitin kasi ang ulo. I wish you the best, Jinelle. I can see that youre a great woman. Youll be successful one day. Wala yan sa liit at sa laki ng kumpanya. Nasa tao pa rin yan. Yeah Thanks. Maya-maya lumabas naman sa isang tabi si Josh. Jigs uwi na tayo. Wait. Sabay kapit ni Haj sa braso ko. Bakit Bro. Tanong naman ni Josh sa kanya. Uwi na agad kayo? Oo pre. Boring dito. Sige Haj, uwi na kami. Sabi ko sa kanya habang kaswal kong inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay. Nag-iba ang timpla ko bigla sa taong to. Pero hindi naman siguro, sino ba naman ako para pagnasaan di hamak naman na mas marami syang nakikitang babae na MAS sa akin. Kahit nga siguro tong asawa ko. Okay sige ingat kayo. Its just 2pm uwing uwi na talaga kayo.

Calling for Chances

Haj, I dont think Lolo will be happy that Ill stay here. Nagpakita lang talaga ako. Alam mo naman, nadyan naman pati ang pinakamamahal nyang si Prince Harry ah. Bro, hindi ganun yun. Dont be a bum Haj. Sige na. Tinapik nya ito sa balikat at niyaya na ako paalis. Umalis kami ng walang paa-paalam sa Don. Hindi naman nga daw kami hahanapin nun ih, kasi hindi naman kami kailangan. Umuwi na lang kami ni Josh sa bahay. As a routine, kanya kanya na ulit kami ng buhay ni Josh. Inilatag ko na lang ang sofa bed sa sala. Matutulog na lang ako.

CHAPTER 5 Okay good.... nice shot.... One more... Lights please. Okay nice one. Perfect! Tuloy tuloy na utos ng isa sa mga magagaling na photographer na kinuha sa photo shoot para sa sample Magazine na ipopropose namin sa board. Shit lang as in Shit na shit lang. I never thought how hard being a model is. Well.... actually Im not a model. Ngayon lang. Im a non-active architect pero isa kong managing editor and an artist. Pero ngayon lang luminya sa akin ang ganito.

Calling for Chances

WOW! Jinelle Gee, akalain mo nga ba namang mas maganda ka pa sa prinoxyhan mong model?, bati ng boss naming si Sir Lahae, ang talanding matabang baklang boss namin. Youre perf. Youre awesome.... Youre a goddess... What a goddamn gorgeous woman are you? Naku ikaw na talaga! Quit it Sir Lahae, baka lumobo ang ulo ko nyan eh. Sabi ko sa kanya. Well, Sir Lalalu ano pa nga ba, Jigs has a perfect distribution of atoms na sa kasadlak-sadlak wala tayong dalwa., inggit naman na sabi ni Cashmere. Talaga tong mga baklang to. Napagtripan nanaman ako. Bumaba na ako sa mini stage sa gitna sa tapat ng lightings at kung anu-anong props. Medyo awkward na rin ako sa pananamit kong ito. Pasuotin ba ako ng dyosa dyosahang outfit na mabubulag ka sa kakakinang lalo na pag natamaan ng ilaw. Inabot ko rin ang salamin para tingnan kung anong klaseng make-up ang ginawa sa akin. Well............... FOR REAL? Ang ganda ko. Charos lang. ;) Mapanganga kaya ang asawa ko kung umuwi ako ng ganito? Hahaha, siguro magtaka lang yun at isipin na baka nagtrabaho na ko sa Enchanted Kingdom. Pero, sa totoo lang feel na feel ko ang photo shoot na yun kanina. Ba magaling na photographer yung nagkuha sa akin. Hi, Ms Janelle? biglang bumungad sa harap ko si Waltz, sya yung photographer kanina. Ahhh Hi Waltz, Thats Jinelle..... Jinelle Gee. Wow nice name. Gusto ko lang ipakita ang mga shots mo. Iniharap nya sa akin ang mga inupload nyang shots ko sa laptop nya. See that? That was such a perfect shot. Magaling ka lang talagang Photographer.

Calling for Chances

I dont think so Jinelle, Yung iba nga dyan stolen shots pa sayo. Kahit hindi ka na mageffort sa posing. We will still get good shots. Hehe, Naku kayo naman. Kung okay lang sayo pwede kitang samahan sa iba pang mga photo shoots or fashion shows, alam kong pag-aagawan ka pa lalo ng mga modeling agencies dyan. Oh? Naku mukhang hindi ako pwede dyan. Bakit naman? Waltz, pang dalaga lang naman yang mga ganyang raket eh. May asawa ka na ba? Ahhh... Oo eh. May anak? Wala pa naman. At hindi na ata magkakaroon, haaay wag naman. Walang kaso yon, Jinelle. Hindi naman yun issue sa mga model eh. Ke May asawa o anak pa yan. Pag magandang katulad po, aba puhunang puhunan na yan. Taraaaaaay nun. Meron daw ang gandang pampuhunan. Hahaha, Ikaw talaga Waltz. Pag-iisipan ko yan. Babalitaan kita kung halimbawa man, pero hindi ako nagpapaasa. Kasi may trabaho din ako at mas priority ko yun. Naku walang problema Jinelle, pero sana makatrabaho kita sa mga ganung occasions one day. Godbless ganda. Thank you Waltz. Ayus yun ah. Naku kung nung medyo kabataan ko to naialok sa akin papatusin ko to. Lahat naman siguro ng babae pinangarap maging model o beauty queen. Bongga kaya.

Calling for Chances

Jiiiiiiiiiiiggggs! Tawag sakin ni Cashmere sabay yakap. Ang bongga bongga mo sis kanina. Ano... Anong sabi ni Waltz? Kinukuha ka na bang model? Ano? Tumango lang ako. Wooooooooow...... Bet ko yun! Naku wag mo ng palampasin to Jigs! Pagkakataon mo na to! Ano ka ba hindi naman yun ganung kadali. Ano ka ba, parang hindi ka sanay sa multitasking. Bakla ka, alam mo namang may asawa ako! Eh ano naman ngayon?, Wala naman yung pakialam sayo! Ang hard mo naman! Whatever!, Ano ka ba pag nakita ka nung narampa dyan, baka hindi ka nun tantanan, maglalaway yun sayo. Push mo na. Ewan ko sayo, hindi naman tinanggihan yung offer ni Waltz sabi ko sa kanya pag-iisipan ko. Kaya ikaw, wag kang atubili. Gusto karakaraka! Hahaha... Eh ikaw kasi eh, akala ko nagtapon ka ng opportunity na ganun eh. Alam mo namang pangarap natin yang lahat. Kaya nga, kaya paltan mo na ako ng damit at akoy kating kati na. Pati tong make up ko, mukha akong magpeperform sa kung saan. Umalis na kami agad sa pad na yun, sinundo namin si Laine sa Publishing at nagkayakagang mag mall. How can life be like this happy? Pamall-mall lang. Paggusto ng kape ayan ang starbucks, pag naiinitan magswimming. Pagstressed, Yosi. Pag gustong makalimot sa problema, inom. Pag walang maggawa magshopping. Ganun lang naman kasaya ang gusto kong buhay. Yan tayo eh. Kaso hindi pwede. Dahil na rin nga sa maraming dahilan.

Calling for Chances

Nag-ikot-ikot muna kami sa mga shops. Window shopping, hanap ng sale, hanap ng trip at bagay sa amin, naghahanap ng mga cute. Walangya kayo, kaya gustong gusto nyong ganito tayo., sabi ko sa kanila. Echosera ka bakit ayaw mo? sabi ni Cashmere Gusto! Oh yun pala eh. Naglibot libot pa kami at pumasok sa isang dress shop. Nakakita ako ng cute blue dress, simple pero bare back. Gusto ko sya kaso, san ko naman gagamitin. Kukuhanin ko sana para ifit. Wala lang gusto ko lang makita kung bagay ba sa akin ang cuta na damit na ito. Nang aabutin ko na biglang may nakiagaw din sa hawak ko. Ano bA!!!!!! Nauna ko eh. Oops, Jinelle Ikaw pala yan. Oh NO! Si Celine! Hanggang sa damit pa ba naman makikipag-agawan sya? Oh Hi Celine. Naku, gusto mo din ba ito? Sige kunin mo na. Iifit ko lang naman yan sana eh. You Sure? Ewan ko sayo. Syempre hindi. Ah sige. Pagsisinungaling ko. Sige Ill try to fit it muna. Sabi nya. Umalis muna akong dismayadong dismayado at tumabi kay Laine. Sino yun? Ikaw kaya naunang makakita dun, teh. Bakit mo ibinigay sa kanya? tanong nya Kilala ko yun. Si Celine yun.

Calling for Chances

You mean yung Celine na jowa ni Josh dati, na jowa na ng pinsan nya na gusto pa rin ni Josh masulot uli hanggang ngayon. Tumango na lang akong parang kawawang batang inagawan ng candy. Naku Jinelle Gee! Bakit mo naman ipinaubaya yun sa kanya. Mas bagay sayo yun! Maya-maya bumalik na si Cashmere sa tabi namin. Oi...Oi..Oi..... Malena anong ipinuputok ng buchi mo dyan? tanong ni Cashmere kay Laine. Eh etong si Jigs eh, may nagustuhang dress, tapos may nakaagaw sya. Ibinigay ba naman. At alam mo ba kung sino ha? Yung Celine! YUNG CELINE?? Yun bang jowa ni Josh dati, na jowa na ng pinsan nya na gusto pa rin ni Josh masulot uli hanggang ngayon. Mismo! Haaaaay, hindi ko mapigilan ang mga bunganga nila nakakahiya baka marinig kami ni Celine. Aba Jinelle Gee! Wala akong kaibigang talunan! Ikaw ang nauna dun sa damit na yun. Talunan Agad? Malapit na! Singhal pa nya Ang puso nga ni Josh nasa kanya na, pati naman yung damit na pustahan isang milyon bagay na bagay na bagay sayo!, dagdag pa ni Laine. O eh anong gagawin ko finifit nya na dun. EH ikaw kasi eh. Dapat sinabi mong ikaw ang nauna dun. Maya-maya lumabas na si Celine sa Fitting room. Nakikipagusap sa Saleslady. Ahhh yan na ba yun. bulong ni Cashmere sa akin. Manahimik ka na nga, baka marinig ka.

Calling for Chances

Whatever, youre way way way pretty Jigs, I swear. Lumingon si Celine sa akin. Ngumiti. Parang hindi maganda yung fit sa akin eh. Siguro mas bagay sayo to Jinelle. Sabi nya sa akin. Ahhh.. naku wag na. Ahhh nga pala friends ko, si Cashmere. Kumamay naman si bakla dito. Eto naman si Laine. Kumamay din sya. Leche tong dalwa baka mahalatang bitter sila. Guys this is Celine. Hi!, bati naman ni Celine sa kanila. Ano Jinelle, Gusto mo ifit na yung blue dress? Ganun matapos mo ng ifit? bulong ni Cashmere. Sikuhin ko nga. Ahhhh.... hehe, siguro. Nasan na ba? Nadun sa saleslady, pakuha ka na lang ng bago. Sige excuse lang guys ah. Ifit ko lang. Lumapit na ako sa saleslady at hiningi yung item para maifit ko. Then, pumasok na ako sa fitting room. Nang isuot ko yung blue dress humarap ako sa salamin. Gaaaaaaaahdd. Jigs nakakatomboy ka! Ayos ang bagsak at fit sa katawan ko. I loe the bare back and the length of the dress na nageexpose ng thighs ko. Sheeet, mukhang mapapatawag na ako kay Waltz sa nakikita ko ah. Anyway, mukha na akong timang na gandang ganda sa sarili. Narinig ko ng may kumakatok sa fitting room. Jigs! Patingin kami ni Laine. Lumabas ka dyan! Inunlock ko naman yung pintuan ng fitting room at humarap dun sa dalwa. Ahhh Nadun pa rin pala si Celine. WOW Jigs thats PEEEEERFFFFEECT! bati ni Cashmere na hangang hanga nanaman sa akin. You look beautiful in that dress. Sabi ni Celine sa akin. Thanks Celine.
Calling for Chances

Kahit anong ipasuot mo dyan maganda talaga yan. Putol ni Cashmere na alam kong gustong may ipamukha kay Celine. Maam bagay po sa inyo bibilhin nyo po ba? tanong naman ng saleslady. Nako, OO Ms. Bibilhin nya at kung hindi naman nya bilhin yan ako ang bibili nyan para sa kanya. Kaya go na hubarin mo na yan Jigs at ipapunch na yan. Madali!, apuradong utos ni Casimiro sa akin. Oo na layas na. Maghuhubad na ko! sabi ko sa kanya. Hinubad ko na yung damit at tiniklop tapos ibinigay ko na sa Saleslady para mapunch. Jinelle, una na ako ha. Ingat kayo. Malambing na sabi ni Celine. Sige Celine. Ingat ka rin. Sabi ko dito at tumuloy na sya palabas ng shop. Ipinatuos ko na at binayaran yung Dress na pinag-aagawan pa kanina. Kainis sana hindi na lang ako nagpapilit sa pagbili nito. Mahal pala tong kapirasong damit na to. Sana hinayaan ko na lang kay Celine, kasi barya lang sa kanya ang presyo nito. Baklita ka, yun pala talaga yung Celine na yun akala ko namang saksakan ng ganda kung makakwento ka! Hindi naman kaya, maputi lang at mukhang pasosyal tsaka kutis mayaman. Talagang gaganda nga yun. Kutya niya pa. Maganda kaya. Alam mo Jinelle Gee Sandino Abesamis - Madrigal, hindi ka mananalo sa amin ni Cash kung yan ang ipipilit mo. Ang pinag-uusapan dito ay ang literal na kagandahan at hindi namin nakita yun sa kanya. Waley..... Waley na waley! Sigurado ba si Josh sa kinakana nya? dagdag pa nitong si Laine Ano ba kayo eh, anong magagawa ko kung mahal na mahal nya yun ih. First love nya ata yun. Eh kasehodang first love, second o third pa sya. May asawa na sya at ika w yun. Ayon pa kay Laine Umpisa nanaman tayo sa ganyang topic eh. Para dress lang!

Calling for Chances

Basta, Jigs ha. Walang papakabog. Lalo na kung ganun lang ang kalaban mo. Ansabe nya sa mga shots mo kanina at sa aura na bet na bet ni Waltz sayo. Pang model daw ang beauty mo. At hindi yan biro para hindi ipush! panglalansi pa ni Cash sa mga padali ni Laine sa akin Stop it. Wala ng hanggan ang usapang to tara na gutom na ko. Ako rin! sabi pa ni Cash Umupo na kami sa loob ng Starbucks Stall na nakita namin. Umorder at patuloy pa rin sa mga kalokohan namin, isama mo na ang boy hunting. Ayun oh cute! turo ni Cashmere sa isang lalaking sabi nya cute daw. Makaturo ka naman bakla ka! Hindi naman cute. Cute kaya di ba Laine. Hindi ko nakita eh. Sabi naman ni Laine Eh ayaw mo tantanan yang lintik na Candy Crush na yan eh. Hindi ka magkakajowa dyan sa palevel level mong yan! pagalit naman ng bakla. Akala mo naman may jowa sya. Ayun cutie patootie oh. Turo ko naman sa isang chinitong lalaki, na saktong height at nice bod. Witwiw! Hahahaha.. Oo nga no, Eto si Jigs may taste talaga eh. Bati ni Laine sa akin. Sus, eh kamukain lang din naman ni Josh yung tinuro nya eh. Ayon naman kay Cash. Eh, syempre! Suuuuus, mahal na mahal eh. Wala namang taste yang asawa mo! Panget naman yung gustong gusto nyang Celine. Naku Jigs, hampas-hampasin mo ng kawali yang asawa mo mamaya ng matauhan. Hahaha, sige sa susunod yung may kumukulong mantika pa. Haha, wag naman sayang ang pretty face ni pretty boy.

Calling for Chances

Pagkatuwaan na lang ba si Josh? Oh Well, ganyan naman sila. Medyo supportive na hindi. Mga bakla, I just received a message from Sir Lalae and it says that, Good PM, chickas..... baklang bakla talaga ang baklang to eh..... oh anyway, Good P.M Chickas, Tuloy na tuloy na ang exhibit natin on Sunday Night. Magpaganda ang lahat. Formal attire, may mga visitors tayo sa opening ng ating gallery. I love yall... Im so excited. Tuwang tuwa naman kami habang binabasa ni Cash ang Text message ng boss namin. Echoserang yan, baka magumpisa ng magbeauty rest yan. Ano pa ba naman ang aasahan mo dyan sa matabang baklang yan. Hahaha, oha mga sistah, magpabeauty. Jigs, wala lang.... maganda ka na. Ay saktong sakto, isuot mo yang binili mong damit na yan. Oo nga eh naisip ko nga rin. Kaya pala napabili din ako. OO korek! Ayos, its party time. Namiss ko yun. Super great nanaman ang araw ko ngayon.

CHAPTER 6 Joshs POV Joshua, hindi maaari itong pinagagagawa mo? I told you to understudy everything. And Whats this? This is the simplest job that You can do and still you fail me! Singhal sa akin ni Lolo. Kairita na tong matandang to. Anong gagawin mo dyan ha. Bukas na yan ipapakita sa meeting sa tingin mo uubra pa yan? Sabay bato sa mga folders na ipinasa ko sa sahig. Lo, uulitin ko na lang. Sabi ko sa kanya habang pinupulot ang mga ibinato nya. I shouldnt be doing this shit!
Calling for Chances

Uulitin, Joshua naman! Bukas na yan. Kahit magencode ka ng magencode magdamag hindi mo matatapos na yan, lalo na at hindi mo naman naiintindihan ata ang pinagagawa mo. Dagdag pa nya. Anak ng $%##$#%3, Hindi ko naiintindihan ang ginagawa ko? Leche! Wala nanaman ibang magaling sa kanya kundi yung ibang apo nya. Sasabog na ata ako dito baka mandilim ang mata ko sa matandang ito. I hate this dying old man. I really really hate him. Joshua! Gumawa ka ng paraan sa mga to, umalis ka na sa harap ko! dagdag pa nito. AAAAAHHHHHHGgGG! I hate him to death! Papalabas na ako ng bigla ding pumasok ang prinsipeng saksakan ng galing. What happened? sabi nya. Failed! I smirked at him. Josh, if you need help I can help you No thanks! Wag mo kong pakialaman. Sabay labas ng pinto ng opisina. Nakakakunsumi sila lahat. Parang gusto ko ng pasabugin itong kompanyang to. Wala na akong ginawang tama. Wala ng ibang magaling kundi yang lintik na Harry na yan. Walangya, halos maubos ang oras ko dyan sa planning na yan. Ni hindi man lang nya naappreciate! Ano bang pwede kong gawin sa mga taong yan! Kaagad ko ng kinuha ang gamit ko at gusto ko ng mawala sa walang kwentang kompanyang to. Sir, san kayo pupunta? Hindi pa kayo out ah. Pigil sa akin ni Mio. Get out of my way Mio. Pero Sir, baka kasi masilip nanaman kayo eh. Edi silipin nila, dyan naman sila magagaling! I said get out!

Calling for Chances

Pero Sir, san kayo ngayon? Magpapakamatay! Sir naman! Alis! Tumabi naman sya at pinabayaan na akong umalis. Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot ko na palabas ng impyernong to. Hindi ko alam kung san ako ngayon pupunta, hindi naman pwede sa mansion dahil parang wala namang pagkakaiba eh. Lecheng buhay ito oh. Nang makatapat na ako sa daan papunta sa village namin naisipan ko na lang umuwi. Isang lugar naman ang laging tatanggap sa akin kundi yun lang. Pagdating ko sa bahay namin, wala pang tao. 6 pm pa lang, wala pa si Jigs. Kahit gustong gusto ko na sunugin ang mga folders na to kinuha ko pa rin. Pero hindi ko alam kung papaano ko pa ito sisimulan. Tsaka sasabihin pa rin naman ng matandang yun mali ako. Walangyang yan. Gusto ko na lang maglaho! Hey! Why so early? Bungad ni Jigs sa may pinto. Napatingin sa ilang bote ng alak sa harap ko. Aga nyan ah, di mo man lang ako inintay. Hindi ko naman sya pinanpansin. Ayokong makipag-usap. Naiinis ako sa lahat ng tao. Pati sya dumadagdag pa sa mga kalintikan sa buhay ko. Tiningnan lang nya ako at nagderetso na sa taas. Ang kulit kulit. Hindi ba obvious na ayoko sa kanya! Ayoko ng kahit sino! Tuloy tuloy lang ang pag inom ko ng alak. Ano pa nga bang magagawa ko, sirang sira na ata ang buhay ko. Edi sirain na lang ng tuluyan! Jigss POV Maya-maya bumaba na ako at pumunta sa kusina para ayusin ang mga pinamili ko.

Calling for Chances

Grilled pork gusto mo? tanong ko sa kanya. Bahala ka sa buhay mo, sagot nya lang sa akin. Baliw na to, buti nga ipagluluto pa kita kahit mukhang badtrip sya. Okay! sabi ko na lang. Timpi timpi lang muna. Tuloy-tuloy lang ang pag-inom nya habang nakaharap sa laptop nya. Mukhang sinamaan nanaman ito ng timpla kanina. May dinedemand nanaman siguro ang lolo nito na hindi nanaman nya nagawa. Kung hindi ba naman isat kalahating sira din tong lalaking to na nagagawa pang mag-inom. Sa tingin ba nya makakapag-isip sya ng tino kung sasamahan nya pa ng alak ang mga ginagawa nya. Nang makaluto ako. Inayos ko na at dinala na lang sa tabi nya ang pagkain. Kain na oh. Tamang pulutan to. Hindi pa rin sya namamansin. Penge ah. Sabay kuha ng bote ng alak sa tabi nya at naglagay din ng sa akin. Iniintay ko pa ring maglabas sya ng kahit ano. Gusto ko rin naman syang tulungan sa kahit ano. May problema to kaya sya ganyan ngayon. Need Help? Habang sinisilip kung anong ginagawa nya. Gusto mo ako na ang mag-encode nyan dun sa laptop ko, para makapagstart ka pa dun sa iba? Kumain ka na lang dyan. Sabi lang nya. Kumain na ako, baka mainis pa kung ipilit ko. Nang matapos akong kumain at ibabalik ko na sa lababo ang pinagkainan ko. Jigs! tawag nya sa akin ng papunta na ako sa kusina. Ano kaya ang gusto nito. Para napundi na sa akin. Aba, nanahimik nanaman ako ah. Hindi na nga ako nagpilit pang tulungan sya, alam ko namang magagalit na sya. Ahh bakit? I need your help....... Pwede ba?

Calling for Chances

Gagong to. Pinakaba pa ako. Edi ngayon kailangan mo rin ang tulong ko! Sure. Wait lang hugasan ko lang to. Tapusin mo na rin yang pagkain mo. Tumayo naman sya bitbit ang pinggan nyang may pagkain at pumunta na sa kusina. Umupo sa lamesa at kumain. Ano bang tulong? Kahit mag-encode ka na lang. Ano ba kasi yun? Palya nanaman daw sabi ni Lolo. Palya pa rin? Eh, parang may apat na araw ko ng nakikitang ginagawa mo yan ah. Kelan ba yan kailangan? Bukas ng Hapon. Ha??? Loko naman pala tong lalaking to oh. Bukas na pala, aabot pa yun kahit tulungan ko sya? Oo. Mali daw eh. Ano ba naman yang lolo mo bat hindi naman sinabi ng maaga aga na mali pala lahat! Tapos aapurahin ka ngayon? Ewan ko ba! Whooooo life! Pasalamat sya at asawa ko sya. Hindi ko rin alam kung anong tulong ang maibibigay ko para matapos yun pero itatry ko dahil...... Oo..... Mahal na mahal ko sya at ayokong nakikita ko syang may topak. Hindi ko naman pwedeng iMcdo at mauubusan lalo sya ng oras. Haaaaaai. Bahala na nga. Kaya to, didiskartehan ko to. Ipinaliwanag nya sa akin kung ano ang problema at kung ano ang ginagawa nya. Nagsimula na din syang ayusin ang mga pwede nyang ayusin. Ako naman tuloy encode pa rin. Maya-maya naalala ko sila Cashmere at Laine. Tutal wala naman yung ginagawa ngayon kundi magchikahan. Makakatulong yung dalawang yun sa amin ni Josh.
Calling for Chances

Agad ko namang tinawagan ang dalawa at syempre hindi naman nila ako tinanggihan. Lakas ko kaya dun. Josh, Alam mo pwede ko yang ipagawa sa mga kaibigan ko. Iemail natin sa kanila yang mga accounts na yan. Sisiw yan dun. Medyo ganyan din naman ang karaniwang ginagawa namin sa trabaho. Sure ka, Jigs? Pumayag ka na lang! Sige. Ibinigay nya naman sa akin ang mga copy at kaagad ko ng ipinasa sa email nila Cashmere. Maya-maya ok na yan. Baka naman mali ang gawin nyang mga kaibigan mo ah. Tamo talaga itong lalaking to. Ayaw na lang magpasalamat eh! Oo naman. Pag sinabi kong sisiw..... sisiw lang. Eto talaga, basta chill ka lang. Gawa....... Gawa....... Gawa....... Grabe alas onse na. Hindi pa rin kami tapos dalawa. Nagsimula kami ng 7 pm. Nagawa pa rin kami. Pero natutuwa ako sa ginagawa ko. Lalong lalo na sa kung para naman sa kanya. Ay Jigs. Wala pa nga pala akong presentation. Presentation? Presentation ba kamo? Hahahahaha, Si Jigs Abesamis ba ang tinatanong mo sa bagay na yan? Baka gusto nyang malaman kung ilang award na ang nakuha ko sa paggawa ng ganyan. At baka gusto man lang din nyang itanong kung anong trabaho ang ginagawa ko. Ilang virtual games na ba ang napatumba ko sa nagagandahang graphics and all the best effects na pwedeng makita ng mata ng tao. Simpleng simple na yan. Naku Joshua Madrigal, watch and learn. Ako na yakang yaka ko na yang presentation na yan. Oh?

Calling for Chances

Bat ba manghang mangha ka? Eh, sure ka ba? Kahit simple Powerpoint na lang. Joshua, kung simpleng powerpoint presentation lang ang ipapagawa mo sa akin hindi ko tatanggapin yan. Parang binastos ko na rin ang pagiging isang multimedia artist ko. Natawa naman sya sa sinabi ko. Yan ka eh. Ganun talaga ko! Wait lang tatapusin ko lang to. Kapiraso na lang tapos pakitaan mo na ako nyang ipinagmamalaki mo. Kdot! Maya-maya naisend na rin sa amin nung dalwa ni Cashmere ang mga ipinagawa ko sa kanila. Tama ba? Para naman syang natulala sa screen ng laptop nya sa nakita nya. Hala lagot baka mali nga. Ano Josh? ............ Mali ba? Sana hindi. Sana hindi talaga. Help me Lord. Lagot ako neto. Anong utak meron ang mga kabarkada mo? Ha? Paktay. Ano nga bang utak meron yung mga kaibigan kong yun...Ang utak na alam kong meron ang mga yun ay Green. You know what....Jigs. Okay na to. As in Okay to. Ang galing. Grabe, partida hindi pa nila kaharap yung board ah. Pero nakuha nila to. YEEES! I told you, halimaw yang mga yan eh! Ano pa ba ipapagawa mo sa kanila, nagtatanong pa kasi sila eh.

Calling for Chances

Wala na Jigs. Eto na lang kaunting to. Tapos yung Presentation na lang. Tapos okay na ba? Oo okay na. Sabi nya na para namang biglang nagliwanag ang mukha. Umakyat na kami sa kwarto nya para dun na tapusin ang iba pa. Nang matapos nya yung last things na ieencode. Ipinaklaro ko muna ang mga gusto nyang lumabas sa presentation. Wow Jigs. Para namang hindi na makatotohanan yang ginagawa mo pero totoo. Sabi nya habang hangang hanga sa mga ginagawa kong effects sa presentation nya. Sabi ko naman sayo eh. Lagyan mo ng ganto. Tapos wag mong kalimutan yung graphs. Nilagay ko naman yung effects na gusto nya. Ganyan ba? Wow. Astig! Sige ganyan. Tapos ilagay mo yung mga scopes. Haba-haba nyan eh. Dapat summarization na lang ang nasa presentation. Dapat alam mo yang mga nasa papel na yan para. Nakanganga na lang ang lolo mo habang nagpepresent ka. Gusto ko malaglag na ng tuluyan yung panga nya. Yung pustiso. Hahaha, sagwa nun. Tawa naman sya ng tawa. Adik rin tong taong to, kanina hindi makausap. Ngayon tuwang tuwa. Sarap hampasin ng picture frame eh. Tuloy-tuloy pa rin ako sa paggawa ng presentation na kahit mag-aalauna na. Josh, lalagyan ko pa ba ng........ ZZZZzzzzzzzzZZzzz. Ay patay! Tinulugan na pala ako ang boss. Kainis ha, parang akin yung ginagawa nyang presentation at lahat ng ito ah. NI hindi pa nga nya naiaayos lahat ito,

Calling for Chances

tapos tinulugan na ako. At pwestong pwesto with matching kumot pa ah. Iwan ko kaya ng ganto to. Tingnan ko lang kung may ipresent to bukas. Pero dahil nga sa Mahal ko sya. Ipupush ko. Magkanda puyat man ako! Kahit bawal magpuyat! Tinapos ko pa rin hanggang alas dos ng madaling-araw ang bonggang bonggang presentation ng pinakamamahal kong hari. Punit na nga ang bibig ko kakahikab eh. Ipinrint ko pa ang lahat ng hindi pa naipiprint, inedit at inayos sa maayos na folder. Itinabi ang mga kalat nya. Inayos ang laptop nya. Pinagplantsa ko pa ng maayos na susuotin bukas. Haaaaaaay.... 3:30 am na! Alam kaya nyang gustong gusto ko ng matulog? Nang matapos at malinis ko na ang lahat ng kailangan nya pumunta na ako sa kwarto. Naisipan ko pa ngang magpa-alarm para ipagluto sya ng breakfast. 6:00 am. Alarm Once. Ok! Sheeet. Ilang oras na lang itutulog ko. Tumalon na ako agad sa kama at pumikit na. Eto na ang pinakahihintay kong tulog. ZzzzzZZzzzzzzzzzzz * * Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing Riiiiiiiiiiiiiiiiing. Aaaaaahhhhhhhhrrrrrgggg! Kakapiraso pa lang ang tulog ko. Naalala ko magluluto pa nga pala ako. Agad naman akong bumaba kahit feeling ko lumulutang pa rin ako sa sobrang sleep deprivation. Nagluto pa rin ako ng pinakamasarap na pwede nyang matikman sa buong buhay nya. I need to feed my dearest husband coz I wanna make sure his health. Ayokong gutom sya, ayokong napapagalitan sya kaya kakayanin kong mapuyat at mapagod. Leche. Sana man lang may award ang katulad ko.

Calling for Chances

Maya-maya naman narinig ko na ang alarm nya mga bandang 6:45 am. Hala malelate na rin sya pang 7:30 ata yun ngayon. Tapos, ayan na nga nagmamadali na syang bumaba at pumasok sa banyo, namimilis hawak ang towel nya. Nang lumabas. Oh kain na. Kumain naman agad. Ok na ba yung presentation? tanong nya sa akin. Oo ok na, nilagay ko na lahat sa bag mo. Pati netbook mo, May copy na rin sa flash drive pati isang copy sa desktop. Tumango lang naman sya at nagmadali ng kumain. Nang matapos, mabilis ng umakyat at nagbihis. Bumaba kinuha ang susi at lumabas na. Wow ha! Wala man lang thank you? JOOOOOOOOSSSSH, sana nilason na talaga kita! Tapos bumalik pa sya. Jigs, kunin ko lang yung clubhouse sandwich ah. Baon. What? Leche talaga to oh. Nagawa pang balikan yung sandwich. Akin na nga dapat yun oh. Ewan ko sayo Madrigal!!!! Wala ka talagang puso! Hindi naman kita uuwian mamaya eh. Pero hindi naman dahil sa hindi sya nagthank you, fiesta kasi sa amin sa Muntinlupa. Tutulong muna ako sa bahay namin. At least dun maappreciate ang simpleng presensya ko, kesa naman dito mamamatay ka na hindi ka pa rin papansinin. Kailangan ko pa nga palang pumasok sa trabaho. T_T Ng puyat na puyat na puyat!

Calling for Chances

CHAPTER 7 Joshs POV Pagdating ko sa office. Bro!, ano? Paano ka mamaya? Agad na tanong ni Kuya Bob sa akin, pinsan ko rin sya. At least eto concern kahit papano. Okay naman Kuya. ANONG OKAY! ANONG IPEPRESENT MO! Takang takang tanong nya sa akin. Basta meron, mamaya na lang. Anong?

Calling for Chances

Umalis na ako, hinayaan ko na lang sya magtaka. Gusto kong bumagsak sa sahig ang mga panga nila. Lalo na yang Harry na yan, pati si Lolo. Akala ba nila ganun ganun na lang ako susuko. Hmmmm..... Not my thing. Sir! biglang pasok ni Mio sa office. Ano? Sir ano na po? Pati na po mamaya? Sir, tinatawagan kita kagabi hindi mo sinasagot? Gawin na natin ngayon sir? Para kahit papano ...... may ano..... Binato ko sya ng papel sa mukha. Manahimik ka nga Mio, nakakabingi ka. Eh kasi sir! Okay na! Po? Sabi ko O-Kay na! Hindi ka ba nakakaintindi! Paanong? Oo natapos ko! Natapos mo Sir? Mio Ilang beses ko ba dapat ulitin ang sinasabi ko ha? Eh Sir nashoshock lang ako. Pwes, wag ka na mashock. Halika dito. Ipinakita ko ang presentation ko sa kanya. Wow Sir! Sosyaaaaal! Paanong nangyari ang lahat ng yan? Kasi kaya ko! Weh? pagdududa nya. Batukan ko nga. So para ka na ring si Lolo walang bilib sa akin? Hindi naman sir, alam mo namang sa side mo ko parati di ba. Eh Sir paano nga nangyari yan? pilit nya pa rin sa akin.

Calling for Chances

Si Jigs and her friends. Jigs? Yun ba yung asawa nyo? Tumango lang ako. Ngayon ko lang narinig ulit banggitin nyo yung asawa nyong yun ah, After how many decades pa ba yun? Oh tama na humahanga ka na masyado. Astig naman talaga yang presentation nyo sir eh, ganyan pala mga trip ng asawa nyo sir. Para kong nanood ng 3D movie ah. Tama ka dyan, ano sa tingin mo magugustuhan ba ng board? Yung effects sure ako sir, eh yung nilalaman ang mahalaga dyan sir. Kasado na rin yun Mio. Just Watch and Learn. Okay Sir. Pakisabi sa asawa nyo sir...... Astig sya, tapos thank you kasi tinulungan nya tayo. May trabaho pa rin ako. Alam nyo namang pag napalayas kayo sir, Layas din ako dito. Oo na, Sige na. Hindi mangyayari yun Mio, Relax ka lang dyan. Tatagal ka pa dito forever lalo na pag napasakin na to. Okay na okay yan sir, Thank you. Good luck mamaya. Nakakatuwa talaga itong si Mio, Napakaloyal sa akin. Nang mga bandang 1 pm nagstart na kaming magmeeting. Papasok pa lang ako eh itsurang dismayado na si Lolo. Hmmm... mamaya ka sa aking matanda ka. SI Harry nakatingin din sa akin, isa ka pa. Sinesenyasan naman ako ni Kuya Bob sa meeting room pilit pa ring tinatanong kung paano ako lulusot sa presentation kung kahapon lang eh, nireject lahat ni Lolo ang ginawa kong report. Tumabi ako kay Haj sa meeting room. Bro! Anong balak mo? Tanong no Haj sa akin. Saan? kunyari na lang hindi ko alam ang tinutukoy nya. Syempre dito sa lahat ng to.
Calling for Chances

Mamaya. Ah bahala ka nga. Tatamaan ka nanaman nyan ih. Nginitian ko na lang sya. Nang magstart na akong magpresent. Well..... The presentation played really well. Kitang kita ko sa mukha ng lahat ang pagka-amaze. Syempre, dinala ko rin ng maayos ang proposal ko. And guess what..... They all like it! For the record, kinamayan ako ng lolo ko. Ano ka ngayon Don Manuel Madrigal! Hindi ako papatalo sayo no! Pagbalik ko sa office, I feel like floating on cloud nine. Pinanood ko uli yung astig at world class presentation na gawa ni Jigs, excited na kong magpresent. Teka.... Speaking of Jigs. Shit! Hindi pa ata ako nagtethank you sa kanya. Bad! Anong oras kaya natapos yun sa paggawa nito? Parang mga 12 na nung makatulog ako eh, halos nagsisimula pa lang naman syang gumawa nito nun. Naplantsa pa nga nya ata ang damit ko ngayon. Sobrang sarap pa ng breakfast ko kanina. Tapos hindi man lang ako nagthank you. Kinuha ko agad ang phone ko to text her Thank you....... Dapat ko ring ishare sa kanya ang good news. - Hi Jigs! Tnx ah, It all went gud. Pksbi s mga friends mo thnk u so much Amazed na Amazed cla sa prsntaxon. Treat Kta mya. *Message Sent. Ayos!

Calling for Chances

Jigss POV Hindi na ako nakapasok sa trabaho kaya dumeretso na lang ako sa bahay. Haaaay Damang dama ko pa rin ang antok ko. Grabe! Kung nagthank you man lang sya sa akin, bale wala to. Pagdating ko sa may Muntinlupa sa may baranggay namin. Napangiti na lang ako ng makapasok na uli ako dito sa wakas. Fiestang Fiesta na talaga pero bispiras pa lang naman. Lalo akong naexcite makita sila lahat dun. Pustahan dun mawawala ang antok ko. Pagtapat ko sa bahay namin Beeep! Beeeep! Beeep! Beeeep! Ang tibay wala talagang nalabas sa bahay ah. Pero nakikita ko na ang usok sa loob. Nagluluto na sila dun panigurado. Beeep! Beeeep! Beeep! Beeeep! Maya-maya nagbukas na ang gate namin. PIIIIIIIIT!! sigaw ng kuya na ko na mahiya mo dadambahin na ang kotse ko! Pit! Bakit ang tagal buksan naman! Nakakadismaya naman eh. EH Pit Busy sa loob eh. Tara na ipark mo na yan! Miss ka na namin Pit! Itinigil ko na sa isang tabi ang kotse ko at nagmadali ng bumaba. Kuyz, may luto na? Menudo pa lang pit! Niluluto pa yung iba eh. May natira pa ba na lulutuin ko? Jusko Pit! Walang kaso. Iluto mo na gusto mong iluto. Pakainin ang lahat ng bandang dadaan at ikaw na bahala talaga. Hehe, sige Kuyz. Bakit papakainin pa ang mga banda eh kung yung tropa na lang ang palamunin natin. Hindi ko naman kilala yung mga musiko eh. Walang kaso yun Pit. Tara na sa loob.

Calling for Chances

Pagpasok ko sa loob nakita ko agad si Mama. MA! Sigaw ko sa kanya sabay takbo papalapit sa kanya at yumakap. Anak! Aba ang aga mo naman bukas pa ang fiesta. Ma naman, alam mo namang ang best part ng fiesta eh yung bispiras. Di ba Kuyz. Tamaaaaa. Sabi ni kuya Sus, palibhasa mag-iinuman nanaman kayo. Jinelle ha, alam mong bawal yan sayo. Naku isusumbong kita sa Papa mo. Panakot pa ni Mama Sumbong agad? Hahaha, Sige na Ma. Luto ka na ulit. Ikaw Pit kain ka na dun. Ipamamalita ko lang sa tropa na nadito ka. Dyan ka lang! Paalam sa akin ni Kuya. Umalis naman sya agad sa bahay, May pagkamensahero yang kapatid ko eh. Ibabalita lang naman nya sa tropa na nakauwi na ko, ULIT! Nga pala, ang binabanggit kong tropa eh yung aming barkada dito sa baranggay, puro nga lang sila lalaki. Mga anim yun plus si Kuya tapos ako. Bale walo kami sa tropahan. Ayos no, akala nga ng nanay ko tomboy ako. Tapos isang araw na lang bigla akong nagbunyag na buntis ako. Eh saktong kadadating lang ni Papa galing States. Freak Out! Ma, hindi tumatawag si Papa? tanong ko kay Mama Tumawag naman. Mamaya check mo kung online na yun sa skype. Sosyal si father paskype-skype na lang. Naku Oo. Mas enjoy nya yun. Si ate Ma? May Flight ang ate mo. Sana makahabol yun bukas. Pag daw napaaga ang lapag makakatikim ng fiesta yun. Sana nga. Eh kamusta na kayo ni Josh? Tanong nya naman sa akin.
Calling for Chances

Haaaay kung pwede ko lang isumbong kay Mama yung ginagawa ni Josh na pagpuyat sa akin ng walang thank you. Pero hindi, ayoko nga. Baka magalit si Mama kay Josh, tapos isusumbong ako kay Papa. Paktay kang Josh ka. Naku, masisira ang relasyon naming saksakan ng tabang ng dahil lang bawal akong mapuyat. Okay lang Ma. Busy pa rin sya. Kagabi nga tinulungan ko na yun sa presentation nya. Tinotoxic kasi yun ng Lolo nya. Ah Ganun ba. Sayang naman. Next time sana maisama ko na yun dito Ma. Makaranas naman ng Fiesta. Nang matapos na akong kumain humarap na muna ko sa computer namin para icheck kung online si Papa. Pero mukhang tulog pa ang aking mahal na ama sa Amerika. Tapos narinig ko na ang pinakapamilyar na mga yabag. JIIIIIIIIIIIIIIIIIGGGGGSSS! Ikaw nga!! Sigaw ng pinsan kong si Chuck, tropa rin. Oi Pit! Michu na. Para kaming basag na nagyakapan at umiikot pa habang talon ng talon. Ay anong meron? Para namang nanalo sa lotto ang eksena! sabi ng Kuya ko samin. Pit nadito rin ang....... teneneennnn. ...... Now that I Have you everything just seem so right Now that I have you Im Aliveeee... You are the song that I may sing my whole life through Im liing in a brighter world now that I have Youuuuuu.......... Parang nagliwanag ang paligid ko ng pumasok na si Hansen My loves. Hindi ko sya boyfriend, tropa lang din. Pero sya kasi ang ultimate crush ko simula Kinder. Oh di ba. Walang kupas ang kilig sa twi twina. HANSEN!!! sabay takbo sa kanya with matching mahigpit na yakap Hi Pit! Namiss ka na namin. Wala kong pake sa kanila Pit, ang mahalaga yung miss mo sa akin. Okay, ilabas ang landi. Kasehodang May asawa. Bakit ba Crush ko to eh.
Calling for Chances

Makayakap ka naman, isusumbong kita sa asawa mo. Saway ni Chuck sa akin. Okay lang. Hindi naman kasi magseselos yun, baka magbunyi pa yun. Pit, bat ngayon ka lang? Pasensya ka na Crush ha. Hindi na kita nadadalaw. Musta na ang pagiging arkitekto mo? Tanong ni Hansen sa akin, Architect din po ang crush ko. Crush ko nga kasiii! Ayun. Wala lang. Bigyan mo nga ko ng kliyenteng gusto magpagawa ng bahay. Edi si Josh na. Naron na ang asawa mo ih. Padali naman ng Kuya ko. Aba! Marami kaming gastos dalawa no. Eh anong raket mo ngayon? Ayun nasa publishing pa rin... At eto pa Pit, kinukuha akong model noh! Ha?! Pit gumising ka naman sa katotohanan, fiestang fiesta naman kung makapagbiro ka naman. Sabat naman ni Chuck. Gagong to wala na ba kong karapatang magmodel modelan? Pit hindi yun biro! Hindi ko pa naman tinatanggap eh. Hahahahaha. Pit, magfocus ka nalang sa isa. Dami mong raket magampanan mo pa kaya ang pagiging mabuting asawa? komento naman ni Hansen. Oo naman no! Ni kailanaman hindi ko napabayaan si Josh. Kahit Medyo napapabayaan ko na ang sarili ko. Pero kahit na ba. Okay.... Good yan Pit. Nasan na yung apat nga pala? tanong ko. Kulang kasi kami eh.

Calling for Chances

Si Pacho nagSaudi Taraaaaay! Si Andy nadyan lang yun tagaluto siguro kaya hindi makaalis, mamaya na lang daw. Si Nial at si Banjo bukas pa yun, may pamilya eh, lam mo na Under de saya eh. Kwento ni Kuya Well.... Under ba? Kelan ko kaya magaganun si Joshua. Ay leche, ako pala yun. Haiiiz, hindi man lang nagthank you si Toyo eh. Kakayamot! Oops I need to text Cash and Laine. Baka isumpa ako nun pag hindi ko naimbita. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. O_O 13 messages. Anak ng... bakit naman 13 pa, Bad vibes yun. No way! *Opening Messages 1 12 Messages: Jigs Happy Fiesta........ Jigs Pakaen bukas .......... Jigs, tom ha. ..... Sus! Mukhang fiesta mga pagmumukha ng mga kakilala ko eh. Pag wala namang okasyon di ka na maalala. Talaga naman. And Wait, May natira pa palang isang text. From: Josh Madz <3.... (May ganun talaga. Forgive me, this is all I can do to suffice my feelings for him.) Anyway basahin na natin ang text. - Hi Jigs! Tnx ah, It all went gud. Pksbi s mga friends mo thnk u so much Amazed na Amazed cla sa prsntaxon. Treat Kta mya. Thank you

Calling for Chances

You might also like