You are on page 1of 4

Puchero 1 kilong baka, hiniwa ng tig-2 pulgada pakuwadrado 1 tasang chorizo de bilbao, prinito at hiniwa ng manipis 4 tangkay dahon

ng sibuyas, hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba 1 tangkay ng celery,hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba 2 kutsaritang asin 1 maliit na repolyo, hiniwa sa 8 piraso 2 katamtaman laking patatas, binalatan at hiniwa ng pakuwadrado 1 tasang baguio beans 1 tasang garbanzos 2 ulo ng bawang, pinitpit 1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad tasang tomato sauce 2 kutsaritang mantika Pakuluan ang baka sa isang kaserola na may sapat na dami ng tubig sa loob ng 2 oras o hanggang itoy lumapot. Hanguin ang karne. Ipagpatuloy ang pagpakulo ng sabaw ng baka. Ilagay ditto ang patatas. Pakuluan muli ng 2-3 minuto. Idagdag ang baguio beans at repolyo. Maghintay ng 5 minuto. Sa isang maliit na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas. Ihalo ang baka at tomato sauce. Pakuluan muli ng 5 minuto. Ibuhos ang sabaw.idagdag ang garbanzos. Pakuluan ng 5 minuto muli. Hanguin ang baka at ilagay sa isang malaking mangkok. Iayos ang gulay sa mangkok. Palamutian ng chorizo sa ibabaw. Ibuhos ang nilutong sabaw. Ihain habang mainit. Mas masarap ang puchero kapag may kasamang ensaladang talong sa tabi nito.

Adobong Manok Na May Gata 1 manok 1 kilong karne 5 ulong bawang 1 tasang suka kaunting paminta kapirasong dilaw gata ng isang niyog Gayatin ang manok at karne ng mga dalawang dali ang laki. Ilalagay ang bawang at ihahalong mabuti sa manok at karne; ilagay ang suka, dilaw, at paminta. Isasalang ang manok at karne hanggang sa maluto. Kukudkurin ang niyog at gagayatin; ang isang tasang gata ay husto na. isasahog ang isang tasang gata at lutuin hanggang maglangislangis ang gata.

Adobong Manok manok basong suka librang karne 10 butil na bawang kutsarang tinunaw na atswete, at kaunting rekado 1 dahon ng tuyot na laurel Sa isang basong tubig ay lulutuing lahat ang magkakahalong ito at pabayaang mapiga ang tubig sa pagkasigang hanggang walang matira kundi malapot na salsa ng mantika.

Afritada

1 kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki kilong kasim ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado 1 kilong kamatis (hinog) 4 pirasong patatas, hiniwa ng pakuwadrado 2 pirasong sibuyas 1 ulo ng bawang 2 pirasong siling pula, hiniwa ng pahaba 2 pirasong siling berde, hiniwa ng pahaba 2 dahon ng laurel 3 kutsarang suka asin, paminta Iprito ang kasim at manok hanggang mamula ng bahagya. Ilagay sa isang tabi. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Durugin ng maigi ang kamatis. Ilagay ang kasim, laurel at suka. Pakuluin hanggang lumambot ang kasim, idagdag ang manok at patatas. Ihuling idagdag ang siling pula at berde. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Almondigas kilong giniling na baboy 3 punong sibuyas na mura 1 itlog ng pato 3 kutsarang arina 3 maninipis na bilot na miswa 1 sibuyas 2 butil ng bawang 3 puswelong sabaw ng sinaing Patis, asin, pamintang durog Hiwaing maliliit ang sibuyas na mura, at ihalo sa giniling na baboy. Timplahan ng asin at pamintang durog. Ihalo ang binating itlog at arina. Bilug-bilugin, pagulungin and bawat isa sa arina bago ihulog sa kumukulong mantika. Papulahin nang bahagya. Itabi. Igisa sa kaunting mantika ang pinitpit na bawang at sibuyas (hiwang panggisa). Timplahan ng kaunting patis, pakuluan nang ilang sandali bago ibuhos and sabaw ng sinaing. Kapag kumukulo na ang sabaw, ihulog ditto ang piniritong bola-bola. Paghiwa-hiwalayin at putulin ang miswa bago ihulog din sa kumukulong sabaw. Matapos kumulo ay tikman. Kung di pa naaayon sa panlasa ang alat ay timplahan ng kaunting asin. Huwag nang patatagalin sa apoy pagkat malulusaw ang miswa at masyadong lalapot ang sabaw.

Asado 1 kilong pork chop or spareribs 2 kutsarang toyo tasang asukal na pula 1 kutsarang asin 1 kutsarang pamintang durog 1 tasang tubig dahon ng laurel 5 ulo ng bawang, pinitpit 10 pirasong star anis 4-5 pirasong tuyong mushrooms (tengang daga) 1 kutsaritang vetsin tasang pinalutong kasoy

Sa isang kaserola, pagsamahin lahat ng sangkap, maliban sa kasoy, at pakuluan ditto ang karne. Dagdagan ng tubig kapag natuyuan ang karne upang itoy hindi masunog. Pakuluan ito sa mahinang apoy hanggang lumapot ang sarsa. Ibudbod ang kasoy kapag ihahain na. Palamutian ng dahon ng sibuyas na hiniwa ng tig-2 pulgada.

Batsoy Katulad din ng Batsoy Na May Miswa ang mga sahog; lamang, sa halip na miswa ay dugo ng baboy (buo at hiniwahiwang sinlaki ng lapay) ang isasama. Huling ihuhulog ang dugo ng baboy.

Batsoy Na May Miswa (Bachoy) Style I kilong lamang loob ng baboy 5 guhit na lapay na puswelong sibuyas na mura (hiwa-hiwang maliliit) 1 sibuyas (hiwang panggisa) 2 butil na bawang 1 puswelong miswa 3 puswelong sabaw-sinaing Kapirasong luya Igisa ang bawang, luya at sibuyas. Isunod ang lamang-loob at lapay na hiniwa nang maliliit. Timplahan ng kaunting patis. Makaraan ang ilang sandaling pagkulo, sabawan ng kaunting tubig. Takpan at hayaang kumulo. Kapag malambot na ang mga sahog, ibuhos ang sabaw-sinaing at sibuyas na mura. Pakuluin nang ilan pang sandali bago ihalo ang miswa, kapag malapit nang hanguin. Tikman at kung matabang pa sa panlasa ay dagdagan ng asin. Sandali lamang pakuluin at hanguin na upang hindi gaanong malusaw ang miswa. Style II Katulad din ng Style I ang mga sahog; lamang , sa halip na miswa ay dugo ng baboy (buo at hiniwa-hiwang sinlaki ng lapay) ang isasama. Huling ihuhulog ang dugo ng baboy.

Beef Stew 1 kilong baka, hiniwa ng tig-1 pulgada 4 pirasong bacon 4 ulo ng bawang, pinitpit 1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad 3 siling pula at berde, hiniwang pahaba 4-5 patatas hiniwa sa apat ng bahagi at bahagyang prinito 1 tasang gisantes 1 maliit na lata ng tomato paste o 2 lata ng tomato sauce 2 kutsarang asin 2 kutsarang bread crumps (biskotso) 1 kutsaritang betsin 2 carrots, hiniwa ng pakuwadrado 1 dahon ng laurel 1 tasang tubig

Prituhin ang bacon sa isang kawali sa mahinang apoy hanggang lumabas ang mantika nito at maging malutong. Ilagay sa isang tabi. Sa parehong kawali, ilagay ang bawang at karne. Prituhin ang karne hanggang mamula. Idagdag ang sibuyas at tomato paste. Haluin at pakuluin ng 5 minuto. Idagdag ang tubig.laurel, at timplahan ng asin at betsin. Pakuluan hanggang lumambot ang karne. Dagdagan ng kaunting tubig kapag medyo natutuyuan. Kapag malapit ng maluto, ilagay ang gisantes, siling pula at siling berde, carrots, at piniritong patatas. Lutuin ng 10 minuto. Para lumapot ang sabaw, lagyan ng biskotso. Palamutian ng bacon sa ibabaw kapag ihahain na.

Filipino Recipe: Crispy Pata 1 pata ng baboy 1 bote 7-up or sprite 1 tasang tubig 1 kutsarang asin kutsaritang baking soda 1 kutsaritang betsin 2 kutsarang patis 2 kutsarang arina mantika Hugasan maigi ang pata ng baboy at ilagay sa isang kalderong puno ng tubig. Takpan ito ng mahigpit. Lagyan ng tubig, 7-up at asin Pakuluin ng 15 minuto. Dagdagan ng baking soda. Ang baking soda ay ang magpapalambot ng balat ng pata. Ipagpatuloy ang paglaga. Kapag natutuyuan ang pata, dagdagan ito ng tubig. Mas mabuti kung hindi masyado lumambot ang pata. Hanguin at patuluin ng 1 araw or ilagay sa refrigerator magdamag upang matuyuan ang balat ng pata. Bago iprito, pahiran ng patis at wisikan ng arina ang pata. Iprito ng lubog sa mantika hanggang mamula ang pata. Patayin ang apoy at maingat na buhusan ng tasa ng tubig ang lutong pata. Sa ganitong paraan,mas magiging malutong ang balat ng pata,ihaing kasama ang sawsawan.

You might also like