You are on page 1of 2

Roshelle S.

dela Fuente BSA I-A Ang Alamat ng San Jose de Buenavista Dalawang-daang taon ang nakaraan, ang ngayoy bayan ng San Jose de Buanavista ay isang masukal na kagubatan malapit sa karagatan at paboritong daungan ng mga Moro na noo y nanlulusob sa mga kabayanan. Hindi bababa sa limang beses amg malawakang panlulusob ng mga Moro ang naitala sa pagitan ng taong 1740 hanggang 1800 at tinatayang marami panlulusob pa ang naganap noong ika-18 siglo. Noong panahon ng panlulusob noong 1743, naibalitang nakapasok ang mga Moro hanggang Catung-agan (Pangalcagan Bugasong). Subalit ang mga ito ay napatay ng tanyag na Manglo ng Igmatongtong (Bugasong). Taong 1776 nang bumalik ang mga Moro sa Bugasong, at taong 1782 at 1787 nagdusa ang mga taga-bayan ng Barbaza sa kamay ng mga Moro. Ang mga naninirahan sa tabing-dagat ay unti-unting nagsilikas sa kabundukan. Dumadaong din ang mga Piratang Moro sa kalapit barangay ng Madrangca at mula doon ay nilulusob nila ang iba pang kabayanan ng probinsiya. Naging maliwanag na isa sa pinakamabisang paraan para pigilan ang panlulusob ng mga pirata mula sa daungan na iyon ay ang putulin ang mga puno sa masukal na kagubatan. Pitong kalalakihan ang nagsimula ng mapanganib na hakbang na iyon sa pamumuno ni Agustin Sumandi. Doon sila nanirahan sa Mala-iba kung saan sila nagsimulang magputol ng mga puno. Taong 1987 nang maglayag sila patungo sa Maynila kung saan hiniling at pinagkaloob sa kanila ng Gobernador Heneral, Carlos Berengue de Marquina, na siyang nagbigay sa kanila ng titulo ng buong Mala-iba. Di naglaon at nagkaroon ng maraming pagbabago rito pati na ang pagbabago ng pangalan nito at naging San Jose hindi lamang para sa pagpaparangal sa kanilang patron kundi pati ng anak ni Agustin na si Jose. Naging mabilis ang naganap na pag-unlad sa San

Jose. Mga opisyales ng Gobyerno noong mga panahong iyon pati ang mga may posisyon sa simbahan ay nagsidatingan sa pamamagitan ng bangka para dumalo sa mga pagtitipon at namangha sa napakagandang tanawin ng bayan mula sa dagat kung kaya dinagdagan nila ang pangalan ng bayan ng salitang de Buenavista. Kung kayat sa kasalukuyan ang pangalan ng bayan ay San Jose de Buenavista.

You might also like