You are on page 1of 4

ESPESYAL NA ARAW NGA BA? Paggising ko sa umaga, si haring araw agad ang nakita.

Akoy masaya dahil ito ang araw na pinakahihintay ko. Agad akong bumangon upang simulan ang araw ko. Napagtanto ko na alas sais palang pala ng umaga. Tinungo ko na agad ang banyo upang ayusin ang sarili ko. Habang nagsisipilyo ay naisip ko "dapat maging masaya ang araw na ito". Pagkatapos kong maligo at magsipilyo, pumili ako ng simple ngunit eleganteng damit. Kinuha ko ang isang bestida na regalo sakin ng nanay at tatay ko noong ika-labing limang kaarawan ko. Masaya kong tinungo ang kusina matapos ayusin ang sarili. Nagluto ako ng aking agahan, sinangag, itlog at hotdog. Ginising ko ang tatay at mga kapatid ko. Masaya kaming nagsalo salo sa aking nilutong agahan. Matapos naming magsalosalo sa agahan kasama ang pamilya ko, akoy nagtungo sa aking kwarto. Nakaupo lamang ako sa dulo ng aking kama at nagiisip kung paano ko nga ba mapapasaya ang aking sarili sa araw na ito. Makalipas ang ilang minuto, naisip kong pumunta sa parke malapit sa bahay namin. Kaunti lamang ang mga bata doon dahil ika-8 palamang ng umaga. Karamihan ay matatanda pa lamang ang naroon dahil sila ay nageehersisyo. Habang nagmamasid, may dumaang nagtitinda ng ice cream malapit sa kinauupuan ko. Bumili ako kay manong ng isang papel na tasa ng sorbetes. Matapos kong maubos iyon, tinungo ko ang mga batang naglalaro sa may playground ng parke. May isang bata doon na umiiyak sa isang tabi. Nilapitan ko iyong bata at sinabing "bata, anong nangyari sayo? " nagaalala kong tanong. "Huhuhuhu, ate kasi nawawala po yung kuya ko na kasama kong pumunta dito. Hindi ko na siya makita. Huhuhu" Umiiyak na sagot niya. "Nako bakit ka naman niya iniwan?! Ilang taon ka na ba? Tska anong pangalan mo bata?" Wika ko. "Di ko din po alam ate e. Huhu. Ako po si Bree at 6 yrs old po ako." sagot naman niya. "Tahan na Bree, alam mo bang espesyal na araw to para sakin?! Kaya huwag ka nang umiyak. Isasama kita sa susunod kong pupuntahan. Okay ba sa iyo yon?" Masayang sabi ko sakanya. "Oo naman po ate. Tska bakit naman po espesyal na araw to sainyo?" Tanong niya. "Basta espesyal siya. Pagnahanap na lang natin ang kuya mo tska ko sasabihin iyon." Sagot ko. "Sige po ate. Sasama po muna ako sainyo ha?" Masayang wika niya. "Oo sige basta magpapakabait ka" sabi ko. Tumango naman si bree at masaya kaming nagtungo sa paroroonan namin. Nagpunta muna kami sa bahay namin. Pinahiram ko siya ng damit ng aking nakababatang kapatid at pinakain ko siya ng tinapay dahil siya daw ay

nagugutom. Nagkwentuhan kami tungkol sa kuya niya. "Bree, magkwento ka naman tungkol sa nawawala mong kuya." sambit ko. "Si kuya po ay 16 ate. Ryan po ang pangalan niya. Mabait po siya, matulungin, masiyahin, makulit at higit sa lahat pogi at cute parang ako po cute din. Hihihi" kwento niya. Grabe medyo humangin bigla sa kwarto ko. "Muka ngang mabait at matulungin siya. Pakilala mo ako pag nagkita kayo ha bree?" Sabi ko. "Oo naman po ate. Bait niyo din po e." Nakangiti niyang sagot. "O sige punta tayo sa isang lugar kung saan ako nagiging masaya" sabi ko. "Tara na ate, di na ako makapaghintay." Masayang sambit ni Bree. Matapos naming magkwentuhan, nagtungo kami sa isang mall kung saan mayroong parang maliit na Star City sa loob. Bumili kami ng ilang tokens at naglaro ng basketball na pangbata, sumakay ng carousel, rollercoaster, at nagbumpcars kami. Sobrang saya ni Bree. Habang nakapila kami upang bumili ng ilang pang tickets at tokens, kumalam bigla ang sikmura ko. Bumili kami ng makakain at umupo sa isang bench doon. Pagkatapos naming kumain ni Bree, naglaro kami doon sa prize-dispensing games. Nakuha ko yoong isang teddy bear na kanina niya pa pilit makuha. Pagkahulog noong teddy bear ay ibinigay ko to sakanya. Oh Bree, ito na yung kanina mo pa gusto makuha diba? masaya kong inabot ito sakanya. Wah. Ate maraming salamat po dito ha. Nakangiti niya itong tinanggap. O, sige na akin na yung mga tickets na nakuha natin kanina sa mga laro para mas madami ka pang prizes na maiuwi. Sabi ko. Eto na ate oh. Inabot niya saakin yung mga tickets. Pagkatapos ay may naiuwi siyang Barbie doll at isang keychain. Pagkakuha niya ng mga prizes, Ate, punta tayo dun sa park kanina. Baka nandoon na si Kuya Ryan e. sambit niya. O, sige Bree. Halika na at pumunta na tayo doon. Sabi ko sakanya. Mga alas sais na nakarating sila sa parke kung saan niya natagpuan na umiiyak si Bree. Dala parin nito ang prizes na napalanunan nila kanina sa mall. Sa ilang minutong pag-aantay, biglang nagtanong si Bree Ate ano yung sinasabi mong espesyal na araw ngayon? Ngayon kasi ang., napansin niya na may parang paparating na isang matangkad na lalaki. Uy Bree, nakikita mob a yoong lalaking iyon?! tanong ko sakanya. Hala! Baka yung kuya ko na iyan! sabi niya at biglang bumulong Sana si kuya na iyan. Nang maaninag na ni Bree ang lalaki, tumakbo siya papunta rito at niyakap. Waaah Kuya Ry! Miss na miss na kita! Huhu! San po ba kasi ikaw nagpunta! sabi niya rito. Oh Bree! Ikaw nga yan! Alam mo ba na kanina ka pa hinahanap ni kuya! Tingnan mo at pawis na pawis na ako o! Naikot ko na yung buong subdivision at parkeng ito. Bumili lang ako saglit ng tubig at pagkain mo, nawala ka na bigla. Pagpasensyahan

mo na si kuya at medyo natagalan ng pagbili, mahaba kasi yung pila e. Buti nahanap na kita Bree ko. Kung hindi lagot ako kay mama nito. Sabi nung kuya ni Bree. Hay kuya! Buti na lang at nakita ako nito ni ate oh. Kung hindi baka wala na talaga ako. Sabi ni Bree habang nakahawak sa pantalon ko. Uhm Hello Miss. Inabot niya sakin yung kamay niya at nakipagkamay Ryan nga pala, poging kuya ni Bree. Sabay kindat sakin. Ako nga pala si Allison, pwede ko ba munang makausap si Bree? sabi ko ng nakangiti. O, sige Bree kausapin mo muna si Ate Alli. Aantayin nalang kita sa bench doon oh. Sabi niya sabay turo doon sa bench. Ate ano nang meron sa araw na to? excited na tanong niya. Birthday ko ngayon Bree. Madalas ako lang nagcecelebrate ng kaarawan ko kasi nasa ibang bansa si mama, tapos si papa laging may trabaho, kapatid ko naman e laging may gala. Kaya ako lang magisa kapag araw na ito. Uuwi ako ng mga alas dose ng madaling araw kung saan tapos na ang birthday ko. Lagi akong umiiyak pag katapos ng araw na ito. Para kasing wala nang nagpapahalaga saakin dahil hindi nila ako binabati sa mismong kaarawan ko. Napaka-lungkot ng buhay ko Bree. Pagkatapos ng mahabang pagpapaliwanang ko kay Bree ay pinunasan ko yung mga luha ko. Napansin kong tumakbo ito papunta doon sa bench kung saan nakaupo yung kuya niya. Maya-maya, lumapit si Bree kasama ang kuya nito. Oh, Alli. Bakit ka umiiyak? Inano ka ba ni Bree? nagaalalang tanong niya. Wala to. Hindi din naman niya kasalanan e. sabi ko sabay punas pa sa mga luhang pumapatak sa pisngi ko. Biglang lumayo si Bree kasama ang kuya nito at parang may pinag-uusapan. Matapos ang ilang minuto may tinawagan si Ryan, ang yaya ni Bree. Hello Yaya! Pakisundo naman si Bree dito sa may park malapit sa bahay. Ok. Thanks pagkatapos ay sinundo na ng yaya si Bree at umuwi na. Nilapitan naman ni Ryan si Allison. Uy, Alli. Tingnan mo oh ang ganda ng bitwin. Sabi nit okay Alli. Oo nga e. Sana kasing ganda din ng buhay ko yung mga bitwin na iyan. Bulong niya. Anong sabi mo Alli? tanong ni Ryan. Wala sabi ko ang ganda nila. Sabi nalamang ni Alli. Alam mo gusto kong sabihin sa mga magulang mo na dapat pinapahalagahan nila ang kaarawan mo. Maaaring wala sila para batiin ka, andito ako na nagsasabi sayong Maligayang Kaarawan Allison. sambit ni Ryan kay Allison. Buti ka pa nandiyan ka at hindi mo ako iniwan. Tapos na ang birthday ko. Uwi na tayo ha. Thank you kasi binati mo ako. Ikaw yung unang bumati sa araw na yon. Sige paalam na Ryan. Pagkatapos sabihin ni Allison kay Ryan ang mga katagang iyon bigla nalamang siyang tumakbo papunta sa bahay nila habang umiiyak. Nasabi nalamang ni Ryan sa sarili

Kung sila hindi ka kayang pahalagahan, pwes ako kaya ko. Ako nalang magaalaga sayo, Allison Fontanilla.

You might also like