You are on page 1of 2

Hustisya Para Kay Konde Adolfo Ang Kahulugan ng Karapatan ni Konde Adolfo Ang Florante at Laura ay isang obra

maestro ng literature ng Pilipinas gawa ni Francisco Balagtas noong 1838 ng sakop pa ng mga Kastila ang Pilipinas. Sa kwento ang bida ang istorya ay si Florante at ipinapakita ni Balagtas ang kanyang paglalakbay para tagpuan ang kalayaan ng kanyang bayan laban sa mga masasama katulad ni Konde Adolfo. Alam niyo na si Florante ay ang tipong bida sa mga kwento na makukuha ang babae mahal niya at siya ang centro na attensyon sa kwento na parating tinutukuyan ng mga mambabasa. Pero si Adolfo ang kabaliktaran ni Florante, siya ba ang tipong kontra-bida nga Florante at Laura? O may mas malalim na larawan sa kanya? Base sa pagagawa niya na isip na masama sa ibang tao, pwede ba tong bigyan ng mga pahiwatig at pangangatwiran nga kaya to? Pero paano pangangatwiran ang mga aksyon ginawa niya, na malapit na patayin ang isang tao, pagtataksil sa bayan niya at pagiging diktador? Ang maaaring dahilan kung bakit nagawang masaktan ni Konde Adolfo si Florante ay ang mga pangyayari sa kanyang kabataan. Kapansin-pansin ang pagnanais na kapangyarihan ni Konde Adolfo sa maraming bagay. Ito ay makikita sa pagpapalaki ng kanyang mga magulang. Ang kanyang mga magulang ay makapangyarihan sa lahat ng bagay noong siya ay maliit pa lamang. Kinalakihan ito ni Konde Adolfo at sa kanyang palagay, ito ay tama dahil nakita niya ito sa kanyang mga magulang. Ipinadala si Adolfo sa Athena upang mag-aral at dito niya ipinakita na siya ay mahusay na estudyante. Nakamit niya ang pinakamataas na antas at pinamalas niya na makakamtan ang mga pangarap sa pamamagitan ng kapangyarihan. Ngunit sa pagdating ni Florante, naramdaman niya na hindi niya kayang makuha ang lahat ng bagay. Hindi niya matanggap na mayroong isang taong higit pa sa kanya at lalo siyang nagkaroon ng pag-aaalinlangan. Si Florante ay naging sagabal sa tinatamasang taluktok ni Adolfo. Kinailangan na mawala si Florante upang makamit muli ni Adolfo ang kapangyarihang natamasa noon. Kaya, nagbalak si Adolfo na patayin si Florante ngunit hindi ito natupad. Ang ibig na pamamahala sa Albanya ay tanda ng pagnanais na kapangyarihan upang maituwid at maisaayos ang kaharian. Nakita niya na ang Albanya ay naging magulo at puno ng karahasan lalo na sa paglusob ng mga Muslim. Dito siya nagkaroon ng pagkakataon na patayin ang Hari at Duke ng Albanya upang ipamalas ang kanyang galing at talino. Naging marahas ang kanyang mga balak ngunit ito ay dahil sa pagnanais niyang ipakita ang kaalaman sa pamamahala ng kaharian. Ang pagpapakulong kay Florante ni Adolfo ay isang dahilan rin ng pagnanais sa kapangyarihan. Naging hadlang si Florante sa mga balak ni Adolfo para sa Albanya, kaya ikinulong si Florante upang hindi madungisan ang pangalan ni Adolfo.

Samakatwid, ang mga masasamang balak, gawa at pag-iisip ni Adolfo ay bunga ng pagpapalaki ng kanyang mga magulang. Sa pag-iisip ni Adolfo, ang kanyang mga desisyon sa buhay, tama man o mali sa marami, ay mula sa pagkabata at sa kapaligiran na kanyang natanaw.

You might also like