You are on page 1of 2

Paano mo gagampanan ang isang gawain Kung ang hatol sa iyoy lampang alipin Taglay man ang katangiang

nais mong itanim Sa isipan nilang sila lamang ang magaling

Sa bawat pagkulog, kidlat at bagyo Na dinaranas sa abang buhay mo Di na alintana takot sa pagbabago Pagkatapos ng unos na dala ay milagro.

Gaano man kaliit ang pagtingin sayo Nang isang tao na salamin ay anino Lagi pakatandaan na hindi sila santo Upang sambahin at laging sundin mo.

Ang mga salita na sa kanila nagmumula Hiblang wika lamang, mga param-param Dilang matitigas na dapat lamang pakuluan Hanggang sa lumambot, aral ay matutunan.

Ang sidhi ng damdamin ay di kayang pigilan Kapag ang iyong pagkatao, siyang naaapakan Piglas ng kamay moy iposas at ilaan

Sa tamang panahon upang silay resbakan.

Tunay na makatarungan ang ating lumikha Kayat di pababayaan ang nagpapakababa Kanyang itataas nang sila naman ang tumingala Saka mo sabihin May Diyos Akong Dakila, IKAW WALA!!

You might also like