You are on page 1of 3

Bato, Julian B. BS Chemical Engineering 2013-05499 Mar. 18.

2014

Cut

Tunay nga na ang isang salita ay hindi lamang isang grupo ng pinagtabing mga letra. Mayroong itong bisa at kahulugan sa hindi lamang iisang konteksto. Ang salitang pagtutuunan ng pansin ng sulatin na ito ay ang salitang Ingles na cut. Banyaga man ito, pamilyar ang mga mag-aaral ng UP sa salitang ito.

Ang kahulugan ng salitang cut ayon sa tanyag na diksyunaryong Merriam-Webster ay to use a sharp tool (such as a knife) to open or divide (something, such as paper or wood). Kung gagamitin lamang ang pang-ibabaw na kahulugan ng cut, magkakaroon lamang ng isang patag na dimensyong paningin sa salitang ito kung titingnan sa ibat ibang konteksto. Tulad nga ng rekomendasyon ng tanyag na Pranses na iskolar na si Roland Barthes, kailangang palilimin pa ang pagtingin sa isang salita at tingnan ang nakailalim na kahulugan at bisa sa ilalim nito.

Sa general na konteksto sa campus, ang salitang cut ay may ibat ibang anyo. Kung pag-uusapan ang cut sa klase ang isang anyo nito ay ang pag-cut sa klase o ang pag-liban ng sadya sa klase. Sa UP Diliman, anim ang bilang ng ilang beses ng cut sa isang klaseng dalawang beses ang iskedyul sa linggo. Madalas kapag sumobra ang cut o absences sa isang klase, pwede na siyang

bigyan ng pinal na grado ng singko o i-forced drop ng propesor. Sa mga kolehiyo ng Science at Engineering, 12 ang pinakamaraming beses na pwede kang mag-cut kapag lecture class ito. Para sa mga mag-aaral, lecture class ang pinakamadaling pwedeng i-cut bilang kaya namang aralin ang mga lecture slides sa bahay. Discussion classes at lab classes ang iniiwasang i-cut ng mga mag-aaral. Minsan naman may free cut na gustong gusto ng mga mag-aaral. Sino bang hindi?

Pero bago ka makapag-cut ng klase sa UP, kailangan mo muna ipasa ang UPCAT na may kaniyang kaniyang cut rin. Mula sa iyong high school grades average at iskor mo sa UPCAT, magkakaroon ka ng UPG o ang University Predicted Grade. Kailangan mo makaabot sa quota cut para makapasok ng campus na gusto mo. Kapag halimbawa, nakapasa ka sa quota cut ng Diliman, titingnan naman kung nakapasa ka sa quota cut ng iyong gustong course. Pinakamataas na quota cut ay ang mga kursong mataas ang demand sa merkado ngunit hindi ibig sabihin na ang mga kursong mababa ang demand ay mababa rin ang halaga. Kung nakapasa ka, ikaw ay swerte at maaari nang pumila sa mahahabang pila sa UP. Ito ang isang pagkakataon na dapat hindi mag-cutang mag-cut ng pila.

Isa pang tanyag na cut ay ang mga cut na tukoy sa trabaho. Karaniwan ito para sa mga kontraktwal na manggagawa di lamang sa komunidad ng UP kundi sa buong bansa rin. Hindi lamang ang mga manggagawa ang nanganganib sa mga mass company cuts kundi ang kanilang mga pamilya. Ayaw natin nito kaya may panawagan para i-regularize ang mga kontraktwal na empleyado para magkaroon sila ng sapat na sahod at benepisyo para sagutin ang mahirap na pamumuhay sa bansang ito.

Ang huling cut na aking itatalakay ay ang budget cut. Ito ang cut na pinakaayaw natin. Isa itong simbolo ng lapastangang pag-abandona ng responsibilidad ng estado na punan ang pangangailangan ng masa ng makatanggap ng abot-kaya, kung hindi man libre, at dekalidad na edukasyon.

You might also like