You are on page 1of 4

---11--Ang mga Makapangyarihan

Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

---12--Araw ng mga Patay


Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na palayan at nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batik ang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay. Sinusunod nila ang pinagutos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito sa lawa. Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring

pagkakasunduan.

---13--Mga babala ng bagyo


Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang kanilang matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at ng makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito napigilang daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ng huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre Damaso.

---14--Si tasyo, ang baliw o ang pilosopo


Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang puntod ng kanyang asawa. Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo, kilala ng lahat ng tao sa San Diego sa kakaiba nitong personalidad. Lagi itong laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami rin itong sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na hindi nauunawaan ng karamihan kayat tinawag nila itong baliw. Matalino ang matanda at matalinghaga kung manalita. Galing siya sa isang mayamang pamilya at nag-aral ito sa unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos. Minarapat din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binata, bagay ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawang

muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na nito ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina. Kapansin pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Matalinghaga rin ang kanyang sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na ang bayo ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes na mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan naman siya ng bawat makarinig. Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon ay naabutan niya ang dalawang bata at sinabihan niya ito na kung maari ay umuwi sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng isang espesyal na hapunan. Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito dahil na rin sa tungkulin sa simbahan. Patuloy na naglakad lakad si Tasyo hanggang sa makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napagusapan nila ang pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman niya ang paghihinagpis ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng kanyang ama. Sinabi rin nito na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama nito. Napadako ang kanilang usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya naniniwala dito ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang ang tao ay mabuhay ng malinis. Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang masiglang lumakad palayo sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog.

You might also like