You are on page 1of 2

Nurse-Patient Interaction (NIP)

(February 17.2010) Student Nurse (Fatima): Good morning maam, kamusta po? Mrs. Euphea: Mabuti naman. Student Nurse (Fatima): May mga nagging problema po ba kayo sa pagtulog at pagpapadede sa inyong sanggol? Mrs. Euphea: Wala. Wala naman akong nagging problema sa pagpapadede sa kanya. Wala rin akong nararamdaman na masakit sa aking katawan. Student Nurse (Arlida): Ganun po ba? Mabuti naman po kung ganun. Tapos na po pala naming linisan ang pusod ng anak ninyo. Student Nurse (Fatima): Pang-ilang anak nyo na po ba yan? Mrs. Euphea: Dapat pang-apat ko na siya kaso nagkaroon ako ng ectopic pregnancy sa unang anak ko. Student Nurse (Arlida): Paano niyo po nalaman na ectopic pregnancy po ang nangyari sa inyo? Mrs. Euphea: May masakit sa may tagiliran ko tapos pinatignan naming sa doctor. Dun na namin nalaman na ectopic pregnancy ang ipinagbubuntis ko. Student Nurse (Fatima): Pang-ilang linggo po ninyo nalaman na my ectopic pregnancy po kayo? Mrs. Euphea: mga dalawang linggo na ang ipinagbubuntis ko nung nalaman ko na may ectopic pregnanacy ako. Student Nurse (Fatima): Paano niynyo nalampasan ang nangyari sa inyo? Mrs. Euphea: Siyempre, masakit nung una. Pero nagbuntis din naman ako kaya ayos lang. Alam ko na hindi para sa amin ang batang iyon. Student Nurse (Fatima): Buti na lang po nagpacheck-up kayo. Student Nurse (Arlida): Regular po ba kayong nagpapacheck-up? Mrs. Euphea: Oo. Regular naman akong nagpapacheck-up. Student Nurse (Fatima): May mga nararamdaman po ba kayo na mga kakaiba hababg nagbubuntis kayo? Halimbawa, kung may masakit sa inyo? Mrs. Euphea: Sumasakit lang ang tiyan ko. Student Nurse (Arlida): Eh, dun po sa mga nakaraan ninyong pagbubunits? Mrs. Euphea: Nagkalagnat ako at dumudumi kada-dalawang araw. Student Nurse (Arlida): May mga iniinom po ba kayo na gamot? Mrs. Euphea: Oo. Meron. Ferrous Sulfate. Student Nurse (Fatima): Eh nung nagkalagnat po kayo? Mrs. Euphea: Nung kasing ipinagbubuntis ko itong anak ko, 3 buwan na ako nung nalaman ko kaya nung nagkalagnat ako, uminom ako ng gamot. Student Nurse (Fatima): Naku! Dapat po hindi kayo uminom ng gamot. Napanewborn screen test niyo na po ba si baby? Mrs. Euphea: Hindi pa. Bukas pa. Student Nurse (Arlida): Yung BP ninyo, kamusta naman po? Mrs. Euphea: mababa ang BP ko habang buntis ako. Student Nurse (Arlida): Kamusta naman po ang panganganak ninyo? Mrs. Euphea: Matagal akong nanganak. Student Nurse (Fatima): Anung oras po ba kayo na-admit dito sa Lying-in? Mrs. Euphea: Mga 12:30 ng madaling araw, mga ganung oras. Student Nurse (Fatima): Anung oras po lumabas si baby? Mrs. Euphea: Mga 4:30am.

Student Nurse (Fatima): Bale, mga apat na oras din po kayong nanganak. Mrs. Euphea: Oo, mga ganun nga katagal. Student Nurse (Arlida): Eh, kamusta naman po si baby? Mrs. Euphea: Okay naman siya. Yung timbang nya mag 2,640grms.Normal ba yun? Student Nurse (Fatima): Opo, normal yun. Mga 5.81lbs po yun. Mrs. Euphea: Ah. Salamat naman. Student Nurse (Fatima): Kukuhanin lang po naming yung vital signs ni baby. Mrs. Euphea: Cge. Vital signs: Temp: 36.1C CR: 73 bpm RR:

You might also like