You are on page 1of 2

PRESIDENT BENIGNO S. AQUINO IIIs EASTER MESSAGE Rizal Ceremonial Hall, Mala a!

an" A#ril $%, &'$( )Ta#in" Da*e+

Kaisa ang sambayanang pilipino, ipinagdiriwang natin ang muling pagkabuhay ni Hesukristo matapos niyang tubusin ang kasalanan ng sanlibutan. Sagisag po ito: sakripisyo at wagas na pagmamahalang bukal ng buhay na walang hanggan. Sa pagbangon ng panginoon mula sa kamatayan, muling natanglawan ng liwanag ang sangkatauhan. Marami ang namangha at higit na tumibay ang pananampalataya. Gayumpaman, may ilang gaya ni Tomas, ang apostol na hindi naiwaksi ang duda mula sa kanyang puso. Ayon nga po sa aklat ni Juan, Kabanata !, "ersikulo #, nang magpakita si Hesus sa kanyang mga apostol$ sinabi niya kay Tomas: %dahil nakita mo na ako, naniwala ka na& 'inagpala ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.% Gaya po ng landas na piniling tahakin ni Hesukristo, nanindigan at muling bumangon ang ating bayan mula sa malubhang katiwalian at kahirapan. (aibalik na rin ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan. may piring na muli ang katarungan: napaparusahan ang nagkakasala, mayaman man o makapangyarihan. 'atuloy ang paglago ng ekonomiya$ patuloy ang paglawak ng saklaw ng ating mga serbisyong panlipunan. Kabilang rito ang milyun)milyong benepisyaryo ng 'antawid 'amilyang 'ilipino, programa ng mga kababayan nating nakikinabang sa 'hilhealth$ at ang libo)libong s*holars ng Tesda na hindi lamang naka)graduate, kundi nakakahanap din ng trabaho. Halimbawa po nito ang #+ porsiyento ng tesda graduates sa larangan ng semi*ondu*tor at ele*troni*s, mula ,ktubre !+ hanggang -isyembre !+., na agad ay nagkatrabaho. Tinitiyak po nating nabibigyan ng de)kalidad na edukasyon ang ating mga estudyante. (abura na po natin ang nadatnan nating kakulangan sa upuan, libro, at silid)aralan. Gayundin, nakatutok na tayo sa kapakanan ng ating mga pulis, sundalo, at in/ormal settlers. (gayon, may mauuwian na silang disente, ligtas, at abot)kayang tahanan. Kamakailan lang din po, nilagdaan natin ang 0omprehensi1e Agreement on the "angsamoro sa pagitan ng inyong gobyerno at ng Moro 2slami* 3iberation 4ront 5M2346. Sa kasunduang ito na pinanday ng tapat at maayos na ugnayan, abot)kamay na ang mapayapang Mindanao na magbubukal ng patas at malawakang oportunidad para sa bawat 3umad, Muslim, at Kristiyano. (aisumite na rin po ng ating Transition 0ommission, at isusumite sa kongreso ang panukalang batas sa "angsamoro.

2lan lang po ito sa mabubuting balita ng pagbangon ng ating bayan. nagpapasalamat po tayo sa mga naniwala, at patuloy na naniniwala,gayundin sa mga nagduda noong una, at ngayon aynakiki)ambag na sa ating mabuting agenda. Asahan po ninyo: sa nalalabing mga taon ng ating termino, lalo pa nating patitibayin ang mga institusyon. 3alo pang dadami ang mga tiwaling mananagot, lalo pang aarangkada ang ating ekonomiya, lalo pang iigting ang ating mga serbisyo, at lalo pang aangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan. Tandaan po natin: dumaan si Hesukristo sa marami at matinding kalbaryo. Sa halip na sumuko, tinanggap niya ito nang buong)buo, para mabigyan tayo ng oportunidad na makamtan ang buhay na walang hanggan. 2to naman ang hamon sa atin bilang kaniyang mga tagasunod: bigyang) halaga natin ang pagkakataong kaloob niya upang maiwaksi ang kasamaan at marating ang kaharian ng -iyos. Sa harap ng mga pagsubok, paghihirap o ginhawa, nawa7y lagi nating isabuhay ang kanyang mga dakilang aral 8 ang paggawa ng tama, pagmamahal, at paglingap sa kapwa. Malinaw po: dahil sa ating pagdadamayan, lumiliwanag na ang kinabukasan ng ating bansa. "ilang inyong pinuno, may hangganan po ang ating termino at serbisyo. Tungkulin po nating ipagpatuloy ang ating magandang nasimulan, at gawing permanente ang tinatamasang transpormasyon ng ating lipunan. nais po nating maipadama sa mas nakakarami: narito man po tayo o nakababa na sa puwesto, mananatili at dadami pa ang mga oportunidad para sa ating mga kababayan. 3ubusin natin ang mga pagkakataong ito, nasa kamay po natin ang susi ng ganap na pag)asenso. Tiyak pong sa ating malasakit sa isa7t isa, at sa patnubay ng panginoon, mararating natin ang katuparan ng ating mga panalangin at mithiin. 2sang ligtas, payapa, at maligayang pagdiriwang ng 'asko ng 'agkabuhay sa ating lahat. 99999

You might also like