You are on page 1of 1

2

BALITA

Loui-LA

PAGPAPALAKAS NG PANANAMPALATAYA NG MGA NASA IKATLONG TAON


Noong ika-14 ng Desyembre 2014, ang mga mag-aaral ng ikatlong taon ay nagdiwang ng kanilang Konpirmasyon sa Mother Marie Louise de Meester Covered Court, Saint Louis School Center Incorporated High School Department. Ang Konpirmasyonn ay isa sa mga sakramento ng simbahan kung saan ito ay ipinagkaloob ng Banal ng Espiritu. Ang Obispo lamang ang maaaring gumawa ng sakramentong ito. Kaya naman, ang Kanyang Kamahalang Obispo Carlito Cenzon ang namahala sa naganap na sakramento ng Konpirmasyon noong hapon. Dumalo rin ang mga ninang o ninong sa sakramentong ito upang samahan ang mga estudyante sa altar habang ang mga magulang ay sumaksi sa kaganapang ito. Nagsimula ang celebrasyon sa pamamagitan ng isang taimtim na prosesyon ng mga estudyante kasama ang kanilang ninang o ninong papunta sa kanilang upuan at sinundan sila ng mga diyakono at ng Obispo. Pagkatapos ay nagmisa ang mga naroon. Pagkatapos ng pagbasa ng Ebanghelyo, ang mga mag-aaral ay tumaas sa entablado kasama ang kanilang (mga) ninang o ninong. Ang mga estudyante ay lumuhod sa harapan ng Obispo habang ang kanilang ninang o ninong ay nakatayo sa likuran nila at inilagay ang kanang kamay sa kanang balikat ng mag-aaral. Ang Obispo ay maglalagay ng Krus sa noo ng mga mag-aaral gamit ang banal na langis at may sasabihin siya at tutugon ang mag-aaral. Pagkatapos nito ay tumayo ang mag-aaral at bumalik sila sa kanilang upuan, pati na rin ang kanilang ninang at ninong. Sa huli, halos mahigit 250 magaaral ng ikatlong taon ng SLSC-HSD ang nakumpirma sa sakramentong ito. Hindi lamang sila nakumpirma pero napalakas din ang kanilang pananampalataya sa Diyos. MINA MARIE MAGPANTAY

Noong ika-9 ng Oktubre, 2013, ang klase ng 3A PAGDADAMAYAN ay pumunta sa Tapao, Benguet para sa kanilang Community Involvement Program o CIP. Bago sila pumunta sa Tapao, nagtipon-tipon muna sila sa covered court ng paaralan at nakita ang dalawang dyip na kanilang gagamitin na pumasok. Pagkatapos, naglinya sila sa labas ng covered court upang makisama sa Morning Rights sa nangyayari sa quadrangle. Pagkatapos ay tinignan kung sino ang mga wala sa araw na iyon at nagsipasukan na ang mga estudyante sa mga dyip. Kulang! Hindi sapat ang dalawang dyip lamang para sa 45 na mag-aaral. Nagkaroon ng unting kaguluhan sa una pero nasolusyonan din ito pagkatapos ng ilang minuto. Ang iba na lang ay nagkandungan o umupo na lang sa sahig ng sasakyan. Pagdating nila sa lokasyon ay naggrupo sila sa mga grupo nila ng paglilinis sa silid-aralan at pumunta sa lugar kung saan sila dapat. Ang isang grupo ay pumunta sa Barangay Hall at naglinis noon. Ang isa pang grupo naman ay pumunta sa istor at tumulong nagbenta. Ang mga natirang grupo naman ay pumunta sa mga kabahayan upang tumulong doon. Ang karaniwang ginawa ng mga pumunta sa mga bahay ay naglinis . May mga naglinis sa labay ng bahay at loob ngn bahay. Ang mga naglinis sa labas ay nagbunot ng mga damo at nagpulot ng mga kalat kung mayroon man. Ang mga nasa loob naman ay nagwalis at nag-ayos. Mayroon ding grupo na naglinis ng lababo sa kusina gamit ang limon. Sa isang grupo ay nakilala nila si Eugene na isang uod. Ang malungkot lang, ilang oras lamang ang kanilang CIP. Pagdating ng Ituloy sa pahina 11

Noong ika-9 ng Oktubre, 2013, ang klase ng 3A PAGDADAMAYAN ay pumunta sa Tapao, Benguet para sa kanilang Community Involvement Program o CIP.

You might also like