You are on page 1of 1

Malaki ang parte na ginagampanan ng gubyerno upang makasiguro na ligtas at di

naabuso ang mga OFW at para mapanatili ang integredad at pagkakakilanlan nila sa ibang
bansa. Inaasahan sila ng maraming Pilipino na nagta-trabaho sa ibang bansa na tulungan sila
kapag may problema sila na di nila kayang lutasin mag isa dahil sa mga rason na di na
makatarungan tulad na lang sa mga sitwasyon kung saan gusto na nilang umuwi ng bansa
ngunit hawak ng mga amo nila ang kanilang passport upang hindi sila makauwi o kaya naman ay
nag ka gera sa bansa kung saan sila nagta-trabaho at hirap na silang makauwi. Isa pa ang mga
nabibiktima ng mga illegal recruiters dahil sa maling pamamahala at pamamalakad ng systema
ng sistema ng trabaho sa ibang bansa. Nandiyan din ang mga tao na humihingi ng tulong sa
gubyerno na makahanap ng trabaho sa ibang bansa upang mag karoon ng hanap buhay pang
suporta sa pamilya nila. Malaking sakripisiyo ang ginagawa ng mga OFW para laman mabuhay
ang kanila pamilya kaya naman trabaho ng gubyerno na tulungan sila sa mga ganitong
sitwasyon lalot lalo na at ang mga OFW ay ang isa sa mga pinakamalaking taga-ambag sa
ekonomiya ng bansa.

You might also like