You are on page 1of 3

Ang Natatanging "Power Rangers"

Hindi ako masyadong mahilig makipagkaibigan. Ina-admit ko na paminsan-minsan, isa akong


introvert at nahihirapan akong makipag-usap sa ibang tao. Ngunit sa limang taon ng pag-aaral ko sa
isang malaking paaralan katulad na De La Salle Santiago Zobel, may nahanap rin akong mga
natatanging kaibigan na maari ko ring maasahan. Masasabi kong maihahalilntulad ko sila sa mga
tanyag na "Power Rangers", mga karakter ng mga tanyag na programang pambata na nagmula sa Japan
at Amerika na nagsusuot ng iba't-ibang kulay ng iisang uniporme o armas. Bakit Power Rangers? Hindi
ito dahil kaya nilang magsalamangka o may kakaiba silang lakas, kundi dahil marami silang
pagkakapareho at pagkakaiba sa kanilang mga katangian at personalidad.
Madalas kong makitang tahimik si Ranger Purple: isang siyang softspoken na tao, pero
mamamangha ka sa ganda ng kanyang boses. May pagkakahawig ang boses sa boses ni Christina Perri.
International si Ranger Purple: may mga kaibigan siyang nagmumula sa iba't-ibang bansa. Isang araw,
nakita ko siya ka-Skype ang kanyang kaibigang taga-Australia habang kumakain ng kanyang lunch. Kahit
tahimik siya sa normal na sitwasyon, napakabait niyang kausap. Noong pumunta kami ng aking mga
kaibigan sa kanyang bahay, binigyan niya ako ng ice cream. Tinuruan pa nga niya akong tumugtog
gamit ng isang ukelele, kahit nahihirapan pa rin ako hanggang ngayon.
Katulad ni Ranger Purple, tahimik at softspoken din si Ranger White. Nanggaling siya ng Canada
ngunit dugong-Pilipino siya. Sumabay ako sa kanya isang beses palabas ng paaraan at narinig ko silang
mag-usap ng kanyang ina. Doon ko nalaman na dahil galing siya sa Canada, nahihirapan pa rin siyang
mag-Tagalog ngayon. Marunong din siyang maglaro ng piano. Sa mga Rangers, siya ang pinakasimple
sa kanyang mga galaw, salita, at pananaw, ngunit matalino siyang mag-aaral. Naiisip ko tuloy ang
modernong Maria Clara ng Noli Me Tangere dahil sa kanyang personalidad: mahinhin at ladylike,
ngunit mas pinatibay dahil sa katalinuhang kanyang nakamit ngayon.
Si Ranger Pink, o Ms. OOTD, ay ang pinaka-fashionista sa grupo. Kailanman, hinding-hindi ko
siya nakitang hindi nakapostura. Maganda siyang manamit, at maayos niyang pinepresenta ang
kanyang sarili sa madla. Nakikita rin ang kagandahang ito sa mga likha niyang drawing at painting.
Marahil, nanggagaling ito sa dami ng kanyang karanasan sa paglalakbay sa ibang bansa. Noong
nakalipas na Pasko, pumunta pa nga siya sa India kasama ng kanyang pamilya. Magaling din siyang
lider: siya ang presidente sa kanyang club sa eskwelahan, at nagagawa niya ang mga kailangang tapusin
sa oras. Sa aking pagkakaalam, gusto niyang kumuha ng kursong Arkitektura sa Unibersidad ng
Pilipinas.
Mahilig sa pagkain si Ranger Yellow: mukhang nananalaytay ang pagiging 'foodie' sa kanyang
dugo. Hindi man siya lumaki sa Pilipinas at hindi siya mataba, ang gana niyang kumain ay katulad ng
isang tunay na Pinoy. Medyo nahirapan akong kausapin siya noong una dahil sa pagkakaiba ng kanyang
kultura, ngunit ito ang dahilan kaya mas makabuluhan siyang kausap kaysa sa ibang tao. Napakahusay
niyang maglaro ng biyulin! Maikukumpara ko ang pagalaw ng kanyang mga daliri sa fingerboard sa
isang makinang may emosyon: mabilis, eksakto, at may finesse. Kapag narinig mo siya, maaring
tumalon ang iyong mga tenga sa saya o bibigat ito sa lungkot. Sa aking pagkakaalam, mag-aaral siya sa
Singapore Management University para sa business-related course 'pag nakagraduate na siya mula sa
high school.
Isa namang heartthrob si Ranger Blue. Ika nga ng mga nasa paligid niya, "makalaglag-
underwear" siya! Natatawa na lang ako sa dami ng mga post sa Facebook at Twitter na
nagsisipaglantaran at sumasabog sa dami ng kanyang mga larawan kasama ng mga nahuhumaling sa
kanya sa iba't - ibang performance na kanyang sinasalihan dahil sa kanyang music ensemble. Hindi ko
rin naman masisi ang kanyang mga tagahanga--kahawig na kahawig niya sa itsura ang mga tanyag na
idols ng K-Pop. Sa kabila ng lahat ng kaguluhang kanyang isinasaboy sa mga kababaihan (at mga
kabekihan) ng Pilipinas, palabiro siyang kaibigan at malambing, lalong-lalo na kay Ranger Pink at
napagkakamalan kong mag-on silang dalawa. Tulad ni Ranger Yellow, may mga panahon na hindi
madaling kausapin si Ranger Blue dahil sa pagkakaiba ng kulturang kinalakihan niya sa kultura nating
mga Pilipino. Marunong din siyang tumugtog ng biyulin, at gitara, at magaling din siyang kumanta: mga
posibleng plus points kaya sobra siyang habulin.
The last, but definitely not the least, very eccentric ang panlasa ni Ranger Black pagdating sa
kanyang mga nagugustuhang bagay. Mahilig siya kay Eminem: alam niya ang kanyang mga kanta, CD,
at marami pang iba. Siya rin ang pinakamadalas magmura sa grupo. Kahit hindi napapansin ng iba,
napagmuni-muni ko minsan na masyadong madalas at 'casual' na ito na nakakairita na siya para sa
akin. Sa kabila nito, madali siyang kausap at makikita mo sa kanya ang pagiging 'self-righteous'. Alam
niya kung ano ang mga gusto niyang gawin at hindi siya nahihiyang ipagmalaki ito sa ibang tao.
Kahanga-hanga rin ang kanyang pagkamasayahin sa lahat ng oras: mahilig siyang humalakhak ng
napakalakas (minsan, wala pa nga sa lugar).
Tulad ng sinasabi ni George Orwell, isang manunulat mula sa Inglatera, "Hindi kasama sa mga
layunin ng ating pagkatao ang maging perpekto. Ika nga sa kanilang mga palabas, "Sugpuin ang
kasamaan! Sama-sama!". Ngunit hindi pagiging malakas o ang pagiging perpekto ang gusto kong
ipakita sa aking mga kaibigan. Nais kong ipakita na ang kanilang pagkakaiba at ang mga pinagdadaanan
nila ay mga simbolo na pagiging makatao. Hindi tayo ipinanganak upang maging perpekto, at isa itong
dahilan kaya hinding-hindi ko sila makakalimutan. Ito ang mas lalo nagbibigay kulay sa panahon na
ating kinabubuhayan ngayon. Marami akong natutunan sa pakikipagkaibigan dahil sa kanila, at
sigurado akong mamimiss din sila ng iba pa naming mga kakila at kaibigan kapag nakagraduate na sila
mula sa high school.
Ngunit sa kabila nito, ninanais kong marating nila ang kanilang mga pangarap at inaasam sa
buhay,
Ninanais ko ito dahil nabigyan din nila ng kulay ang aking buhay kahit isang saglit lang.

You might also like