You are on page 1of 10

GABAY SA

PAGBABATAS
PAMBARANGAY
PAGBABATAS (Legislation)
Ang lehislasyon ay pagpapanukala
ng batas, alituntunin at katakdaan.
PANGUNAHING ALITUNTUNIN SA
PAGBANGHAY NG RESOLUSYON AT
KAUTUSAN
1. Di dapat na ang mga ito ay sumasalungat sa
Saligang Batas
2. Di dapat na ang mga ito ay di makatarungan at di mapanikil.
3. Di dapat na may kinikilingan.
4. Di dapat na magbawal, subalit
maaring magtakda sa pangangalakal.
5. Di dapat sumasalungat sa mga karapatan .
6. Kailangang alinsunod sa mga
alituntuning pampubliko.
7. Kailangan ito ay makatwiran.
PANGUNAHING ALITUNTUNIN SA
PAGBANGHAY NG RESOLUSYON AT
KAUTUSAN
MGA PRINSIPYO NG
PAMAMARAANG
PARLIAMENTARYA
1. Ang bawat kasapi ay may
pantay-pantay na karapatan at
pananagutan.
2. Ang pasiya ng nakararami ang dapat sundin
(1/2+ 1) o kung ano ang
itinakda ng Batas Panloob ng
Samahan
3. Ang minorya ay may karapatang
magsalita at pakinggan sa ano mang
paksa, subalit sila ay nararapat na
sumunod sa naging pasiya ng nakararami.
PANGUNAHING ALITUNTUNIN SA
PAGBANGHAY NG RESOLUSYON AT
KAUTUSAN
4. Isang paksa lamang ang dapat
pag-usapan.
5.Ipahintulot ang buo at makahulugang pagtatalo
bago ito pagbotohan.
6. Ang lahat na mungakahi ay dapat
pangalwahan.
7. Ang kagustuhan ng nakararami ang dapat
sundin.
8.Hindi dapat na kumiling ang tagapangulo.
MGA PAGKAKAIBA O KATANGIAN
NG RESOLUSYON/KAPASIYAHAN
RESOLUSYON
KAUTUSAN/
ORDINANSA
Paksa
Nagpapahayag ng
damdamin ng
Sanggunian tulad ng
paghiling,
pasasalamat,
pagkilala,
pakikiramay,
pagbibigay
gantimpala at iba pa.
Nagtatakda ng
alituntunin o batas
na dapat ipatupad
ng barangay.

RESOLUSYON
KAUTUSAN/
ORDINANSA
Pagkakabisa
Ang resolusyon ay
may bisang
pansamantala.
Ang ordinansa ay
palagian at patuloy ang
bisa, maliban na lamang
kung ito ay susugan,
palitan o pawalan ng bisa
ng isa pang kautusan.
RESOLUSYON KAUTUSAN/
ORDINANSA
Banghay (Structure)
Ang resolusyon ay
walang pamagat.
Ang katawan ng
Resolusyon ay
nagsisimula sa
salitang SAPAGKAT,
at naghahayag ng
dahilan
Ang resolusyon ay
may sugnay ng
Pagpapatibay.
Ang ordinansa ay may
pamagat.
Ang ordinansa ay binubuo
ng mga ARTIKULO o
SEKSYON at naghahayag ng
mga tadhana.
Ang ordinansa ay may
sugnay na nag-uutos.
Ang ordinansa ay
nagtataglay ng mga
sumusunod: Sugnay ng
Pagpaparusa, Sugnay na
Nagkakabisa at Sugnay ng
Pagwawalang-bisa.
MGA BAHAGI NG KAPASIYAHAN
1. PAMUHATAN nagsasaad ng pinagmulang brgy.
2. BILANG NG KAPASIYAHAN
3. PAMAGAT
4. SUGNAY NG SAPAGKATnagbibigay ng mga
dahilan sa makatwirang pagkakasunod-sunod
5. PANGUNAHING BAHAGI NG PAGPAPASIYA
6. PANGALAWANG BAHAGI NG PAGPAPASIYA
paraan ng upang maiparating sa isang tao o
entidad, kabilang na ang pamamahagi nito
7. PANGWAKAS NA BAHAGI nagsasaad ng
petsa at lugar kung saan at kailan inaprobahan

You might also like