You are on page 1of 3

“tHe

8
sIBliNg
S”
Written by Moira Jessica Torres

Ang kwento na ito ay tungkol sa 8 na magkakapatid na namantay sa isang murder at


aksidente.Walong taon na ang nakaklipas ng mangyari ito,halos nakalimutan na ito ng mga tao.
Marami ng tao ang tumira sa subdivision na ito. Isa kami sa mga taong lumipat dun,12 pa lang
ako noon. Hindi namin alam na may aksidenteng nangyari duon, dahil sa mura ang lupa kaya ito
nagustuhan ng mga tao na bumili,nagpatayo ang mga magulang ko ng isang malaking bahay
dahil sa kamurahan ng lupa kaya marami pangpera ang natira sa amin at dahil na rin sa laki ng
bahay sa harap ng bahay namin.Halos dalawang taon na kaming naninirahan dito hanggang sa
may mga bagay na hindi maipaliwanag na nangyari.

Nagyayaan kaming maglaro sa lumang bahay katapat ng aming bahay. Masaya kaming
naglalaro nang may nakilala kaming walong magkakapatid, pito ang lalaki at isang batang
babae.Napaka-cute ng batang babae, nakakatuwa siya para siyang maliit na manika katulad ng
dala-dala niya at medyo gwapo naman ang mga kuya niya na nakasuot ng magagandang
polo.Tinanong namin sila kung saan sila nakatira. Ang sabi nila dun daw sila nakatira sa lumang
bahay,lumipat lang daw sila ng bahay at nagyon ay gusto nilang balikan ang lumang bahay.
Duamting ang bukas, marami kaming nakitang tao na inaayos ang lumang bahay,kaya naisip ko
na totoo pala yung sinabi ng bata na titira sila duon. Makalipas ang isang linggo maayos na muli
ang lumang bahay, at bumalik na ang mga bata na aming nakilala. Napansin ko na wala ang
kanilang magulang kaya tinanong ko sial, ang sabi nila ay wala ang kanilang mga magulang, nasa
ibang bansa. Ang sabi kaya pala maganda ang pagkaka-ayos ng bahay nila. Medyo natuwa ako
dahil may kapit-bahay na kami. Masyado kasing malayo ang bahay namin sa mga bahay ng
kaibigan ko, mga limang o anim bahay ang layo nila. Kapag lumalabas ako lagi akong
nakikaipagkwentuhan sa isa sa mga batang lalaki mula sa lumang bahay. Ang pangalan niya ay
Johnny, masarap siyang kausap at mabait.Halos kasing edad ko lang si Johnny. Dahil sa lagi
naming sinasama ang nakababata nilang kapatid na babae na si Lizette,kaya kami
nakakapagkwentuhan, tinatawag niya akong “chub” dahil medyo chubby ako. Sa tuwing
magkrurus ang landas namin ay inaasar niya ako, iba siya at si lizette sa kanilang
magkakapatid,nakkikibagay sila at medyo mabait. Lagi kong napapansin na hindi masyadong
lumalabas ang anim pa nilang kapatid sa labas ng bahay nila. Nahihiya man akong itanong ito
kay Johnny, ay tinanong ko pa rin, pero hindi siya sumagot at umalis na lamang siya.
Dahil sa pagiging magkaibigan namin nahulog ang loob ko sa kanya, hindi niya alam na may
gusto ako sa kanya, umaarte ako sa harap niya na kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Isang
buwan na mula ng lumipat sila sa lumang bahay pero ganun pa rin. Kahit na nagtataka
ako,nanahimik na lang ako dahil ayokong malayo sa akin si Johnny dahil sa pagiging pakilamera
ko.Habang patagal ng patagal isa-isa namamatay ang mga tao sa aming subdivision. Biglang
naisipan ng mga kaibigan ko na tumira muna sila sa aming bahay,pumayag namn ang kanilang
mga magulang.Gusto ng mga magulang nila na kasama sila,kaya’t apat na pamilya ang nakatira
sa aming bahay. Gabi na non sa totoo lang pinagbawalan na akong lumabas pero hindi ko
mapigilang lumabas dahil sa nakita ko si johhny. Sikreto akong lumabas ng bahay, at kinausap
si Johnny. Tinanong ko si johnny kung may problema siya dahil nakatayo siya sa tapat ng
bahay.Sabi niya wala lang daw,nagpaalam na ako sa kanya dahil baka makita ako ng mga
magulang ko,pinigilan niya ako at niyaya sa bahay nila. Pumayag ako dahil gusto kong makita
ang loob ng bahay nila dahil ang ganda nito sa labas pero sinabi ko na sandalian lang ako.
Pumasok na kami sa bahay nila,nakakamangha ang ganda nito,para kang na sa isang maliit na
palasyo. Nang makita ko si lizette sa isang gilid kinausap ko agad siya ,malungkot ang mukha
niya. Lumabas ng kwarto ang anim pa nialng kapatid, halos lahat sila ay nagulat ng nakita nila
ako,tinawag nila si johnny para kausapin. Kahit malayo ako,parang na-iintindihan ko kung ano
ang pinag-uusapan nila. Nilapitan ko si johnny at sinabi kong uuwi na ako. Pinigilan niya muli
ako. Hinawakan ang aking kamay at dinala ako sa kanyang kwarto,napakatahimik sa kwarto
niya at sobrang lamig halos manginig ako sa lamig,nahalata niyang nilalanig ako kaya’t bigla
niyang inabot ang makapal na kumot. Pagkatapos kong magpasalamat,nagkwentuhan na
kami,tinanong ko siya tungkol sa nangyayari sa aming subdivision. Pero nanahimik na lamang
siya,matapos ang matahimik na eksena lumapit siya sa akin. Tinanong niya kung naniniwala ako
sa multo, sabi ko “hindi” nagsinungaling ako sa kanya dahil ayokong malaman ng iba ang
kahinaan ko at gamtin sa akin ito para matakot ako. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan,
tinanong ko rin sa kanya iyon, at sinabi niyang naniniwala siya. Sinabi ko sa kanya na wag na
naming pag-usapan ang mga nakakatakot na bagay. Inabot ng apat na oras ang pag-uusap at
kwentuahn namin ni johnny. Nagpaalam na ako sa kanya, ng papasok na ako sa aming bahay,
lumapit ako sa kanya at binulong ko n

You might also like