You are on page 1of 11

KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI

A. Pagsilang
Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861.
Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal
Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal
B. Magulang
Francisco Mercado
Ipinanganak noong Mayo 11, 1818
Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose
Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang
Dominicano sa Calmba.
Namatay noong Enero 5, 1898.
Teodora Alonzo
Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa
Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang
Espanyol.
Namatay noong Agosto 16, 1911
C. Magkakapatid na Rizal
1. Saturnina
2. Paciano
3. Narcisa
4. Olympia
5. Lucia
6. Maria
7. Jose
8. Concepcion
9. Josefa
10. Trinidad
11. Soledad
D. Mga Ninuno
Ninuno sa Ama
Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la
Rosa naging anak si Francisca Mercado at napangasawa si
Cerila Bernacha naging anak si Juan Mercado at
napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si Francisco
Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at naging anak
si Jose Rizal.
Ninuno sa Ina
Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si
Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging
anak nila si Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto
Alonzo at naging anak nila si Teodora Alonzo na
napangasiwa ni Francisco Mercado at naging anak nila si
Jose Rizal.
D. Pamilyang Rizal
Ang Kabuhayan ng Pamilya
- Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa
sa mga kinikilalang pamilya sa Calamba.
- Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng
hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya
na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na
hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at
tubo. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop
ay isa sa kanilang mga hanapbuhay.
- Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim
ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging
harina, at gawaan ng hamon.
- Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng
bahay na bato sa Calamba.
- Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang
karangyaan sa panahong iyon.
- Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman
ng 1,000 aklat.
- Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa
Maynila para mag-aral.

Ang Tahanan ng mga Rizal
- Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas
na kahoy at ito ay nakatayo na malapit sa simbahan ng
Calamba.
- Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga
punong atis, balimbing, chico, macopa, papaya, santol,
tampoy, at iba pa.
- Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga
manok at pabo.

KABANATA 2 KABATAAN SA CALAMBA
A. Mga Ala-ala ng Kamusmusan
- Panonood ng mga ibon.
- Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.
- Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at
tikbalang.
- Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang
nakababatang kapatid na si Concha.
- Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.
- Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang
unang pagtawid sa Lawa ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta sa
Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila.
- Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa
gamo-gamo.
B. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan
- Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan.
- Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).
- Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga
Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika.
- Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa
kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa
kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.
C. Mga Inpluwensiya Kay Rizal
Namana
- Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal
sa kalayaan, paghahangad sa paglalakbay, at katapangan.
- Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang
pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at pagmamahal sa mga
bata.
- Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya
kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa insulto.
- Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho,
paggalang sa sarili, at malayang pag-iisip.
- Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at
pagnanais sa sining at panitikan.


Kapaligiran
- Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang
pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at literatura.
- Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa
kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at
katarungan.
- Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan
niya ang paggalang sa mga kababaihan.
- Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay
nagbigay sa kaniyang interes sa mga kuwentong bayan
at mga alamat.
- Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay
nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:
- Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang
pagmamahal sa sining.
- Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng
pagpapalakas ng katawan.
- Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na
pagkahilig sa pagbabasa.
- Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang
pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip.

KABANATA 3 - ANG PAG-AARAL SA CALAMBA AT BIAN
A. Mga Unang Guro ni Rizal
- Doa Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal
- Mestro Celestino
- Lucas Padua
- Leon Monroy
B. Pagpunta sa Bian
- Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa
Bian para mag-aral.
- Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano.
- Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Bian.
C. Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral
- Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang
kaniyang kakauntian ng kaalaman sa Espanyol at Latin.
- Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa
balarilang Espanyol na sinulat nina Nebrija at Gainza.
- Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.
- Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Bian isa na rito si
Andres Salandanan na tumalo sa kaniya.
- Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay
nakasama ng kaniyang kaeskuwelang si Jose Guevarra.
- Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga
kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin at iba pang mga aralin.
- Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng
kaniyang maestro halos araw-araw dahilan sa mga sumbong laban
sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral.
- Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Bian noong Disyembre 1870
pagkatapos ng halos isa at kalahating taon.
- Nilisan ni Rizal ang Bian sakay ng Barkong Talim na naghatid sa
kaniya sa Calamba.
D. Ang Gomburza
- Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa
sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring martir na sina
Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora.
- Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-
aaral ni Padre JoseBurgos.
- Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang
mag ideya at pilosopiya ni Jose Burgos.
E. Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina
- Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay
pinagbintangan na nagbabalak na lasunin ang asawa ng kaniyang
kapatid (Jose Alberto) .
- Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina
ay nagkipagsabawatan upang maisangkot ang ina sa nasabing
bintang na paglason.
- Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula
Calamba hanggang Santa Cruz, Laguna na ang layo ay 50
kilometro.
- Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.

KABANATA 4: PAG-AARAL SA ATENEO
A. Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo
- June 20, 1872 sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa
Maynila. Kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano,
Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik
si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa
kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at
nagbalak na pumasok sa Ateneo.
- Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya
- huli na sa patalaan
- maliit para sa kaniyang edad
- Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong
Rizal imbes na Mercado.
- Manuel Xerex Burgos ang pamangkin ni Jose Burgos na
tumulong upang makapasok si Rizal sa Ateneo.
- Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Seora
Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas ng Intramuros.
B. Sistema ng Edukasyong Heswita
- Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita
kumpara sa mga kolehiyo noong sa Pilipinas.
- Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga
mag-aaral sa mga aral ng Katolisismo, kaalaman sa sining at
agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga
Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang
pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam
Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.
- Hinati ang klase sa dalawang pangkat
- Imperyong Romano katawagan sa mga internos o mga mag-
aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.
- Imperyong Cartago katawagan sa mga externos o mga mag-
aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.
C. Unang Taon sa Ateneo (1872-73)
- Padre Jose Bech S.J. ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa
Ateneo.
- Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago
ngunit sa paglipat ng mga linggo ay nagawang makapanguna sa
kaniyang mga kamag-aral.
- Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang
pag-aaral isang larawang pangrelihiyon.
- Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang
Esanyol siya ay nagpaturo ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa
panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.
- Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-
aaral upang mapanatili ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay
dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang puna ng
guro sa kaniya.
- Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa
nasa bilangguan ang kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa
Cruz para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina
ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
D. Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)
- Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa
taong ito.
- Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa
sama ng loob dailan sa hindi magandang puna ng guro sa kaniya
- Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral
sa Bian.
- Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.
- Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa
mga aklat na ito ay ang mga sumusunod:
- Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.
- Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili
sa kaniyang ama.
- Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor.
E. Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)
- Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.
- Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay
Rizal.
- Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.
- Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol
dahilan sa mas mahusay ang mga ito sa sa tamang pagbigkas.
F. Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)
- Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula
Sanchez S.J. Ang nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-
aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mgatula.
- Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang
modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang
mga mag-aaral.
- Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos
ang taon ng pag-aaral na mayroong limang medalya.
G. Huling Taon sa Ateneo (1876-77)
- Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
- Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 at natamo sa
paaralan angBachiller en Artes.
H. Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo
Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal
- Kalihim ng Marian Congregation
- Kasapi ng Academy of Spanish Language
- Kasapi ng Academy of natural Sciences
- Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay
na pintor na Espanyol.
- Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus.
- Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.
- Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang
pagsulat ng tula.
- Likhang Lilok
- Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloob sana ni Rizal kay
Padre Lleonart.
I. Unang Pag-ibig ni Rizal
- Segunda Katigbak ang babaeng unang minahal ni Rizal.
- Mariano Katigbak kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.
- La Concordia ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.
- Manuel Luz ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.

KABANATA 5: PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO
TOMAS (1877-82)
- Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-
aaral sa unibersidad.
- Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng
kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming kaalaman
ay nanganganib ang buhay ni Rizal.
- Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano
sa Maynila para mag-aral.
- Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad
ng Santo Tomas.
- Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga
sumsusunod na dahilan:
o Ito ang gusto ng kaniyang ama
o Wala pa siyang tiyak na kursong gusto
- Padre Pablo Ramon SJ ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa
kaniyang dapat na maging kurso sa UST.
- Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa
kursong perito agrimensorsa Ateneo.
- Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang
sulat ni Padre Pablo Ramon SJ na nagpapayo sa kaniya na kumuha
ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang
pagnanais na magamot ang kaniyang ina.
- Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:
o Binibining L. isang babae na taga Calamba na laging
dinadalaw ni Rizal sa gabi sa panahon ng bakasyon na
umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda
Katigbak.
o Leonora Valenzuela kapitbahay ng inuupahang bahay
ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan ng sulat sa
pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.
o Leonor Rivera pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang
inuupahang bahay. Sa kanilang pagsusulatan ay
ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis.
- Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong
1878. Si Rizal ay pinalo ng sable sa likod ng nasabing opisyal.
- Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-
Literario. Sa nasabing paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala
ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat na A La Juventud
Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
- Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-
Literario ukol bilang pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan
ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang
ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay
nanalo ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga
Pilipino at Espanyol.
- Kampeon ng mga Estudyante Nagtayo sina Rizal ng isang
samahan na tinatagwag na Compaerismo sa layunin na
ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng
kanilang mga kamag-aral na Espanyol.
- Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na
kadahilanan;
- Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
- Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol
- Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST

KABANATA 6 PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85)
A. Ang Pag-alis
- Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral
ng medisina sa UST si Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya
para dito magpatuloy ng pag-aaral.
B. Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal
- Paciano ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa
Europa.
- Antonio Rivera ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng
pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya.
- Jose Mercado ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim
na pag-alis patungo sa Espanya.
- Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong
Salvadora.
- Donato Lecha ang kapitan ng barkong Salvadora.
C. Singapore
- Mayo 8, 1882 narating ni Rizal ang Singapore.
- Hotel de la Paz hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.
- Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:
o Harding Botaniko
o Distritong Pamilihan
o Templong Budista
o Estatwa ni Thomas Stanford Raffles tagapagtatag
ng Singapore.
- Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah.
D. Colombo
- Maraming ibat ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa
barko Djemnah at binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit
hindi siya naintidihan ng mga ito.
- Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang
lunsod.
- Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod
kaysa sa Singapore, Port Galle, at Maynila.
E. Suez Canal
- Suez Canal isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea
at Mediterrenean Sea.
- Ferdinand de Lesseps isang diplomatikong Pranses na nagplano
ng pagtatayo ng Suez Canal.
- Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito
nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng ibat ibang mga wika.
F. Naples at Merseilles
- Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni
Rizal ang Naples noong Hunyo 11, 1882.
- Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at
kaniyang binisita ang Chateu dIf na siyang lugar na binanggit ni
Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.
G. Barcelona
- Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating
ang Barcelona sakay ng tren galing Pransiya.
- Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
- Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan
siya ay napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod.
- Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw
sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng
kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at
magagalang.
- Plaza de Catalua ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na
Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang
pagbati sa kaniyang pagdating.
H. Amor Patrio
- Amor Patrio ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin
ginamit ni Rizal ang pangalan sa panulat na Laong Laan.
- Diariong Tagalog isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na
naglathala ng kaniyang mga artikulo.
- Basilio Teodoro ang patnugot ng Diariong Tagalog.
- Marcelo H. Del Pilar ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang
Espanyol sa wikang Tagalog.
- Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog
- Los Viajes
- Revista del Madrid
I. Paglipat sa Madrid
- Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng
kolera sa Pilipinas.
- Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng
malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis.
- Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.
J. Buhay sa Madrid
- Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga
kursong:
- Medisina
- Pilosopiya at Pagsulat
- Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:
o Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San
Fernando
o Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of
Sanz y Carbonell
o Nag-aral ng mga wikang:
Pranses
Aleman
English
- Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo
- Nagbasa ng maraming mga aklat
- Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos
- Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto
- Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno
K. Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez
- Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni
Seor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng Maynila sa panahon
ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja.
- Consuelo ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal.
- Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A
La Seorita C. O. Y P.
- Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa:
o Tapat siya kay Leonor
o Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay
nanliligaw sa dalaga
L. Si Rizal Bilang Mason
- Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya
na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng mga Mason.
- Masonerya isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may
malayang kaisipan.
- Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng
mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas.
- Logia de Acacia ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.
M. Paghihirap sa Paris
- Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging
maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating
ang sustento ni Rizal sa Madrid.
- Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala
lamang kay Rizal.
- Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi
man lamang nag-aalmusal at nananghalian.
N. Pagpugay kina Luna at Hidalgo
- Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa
pagkapanalo nina :
- Juan Luna sa Spolarium
- Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al
Populacho.
O. Pagtatapos sa Pag-aaral
- Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at
Pilosopiya

KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN
A. Sa Paris (1885-86)
- Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa
optalmolohiya o paggamot sa mata.
- Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay
ni Maximo Viola na nag-aaral ng medisina sa Barcelo.
- Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang patnugot
ng pahayagang La Publicidad .
- Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang
katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista
ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang
Pebrero 1886.
- Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang
kaibigan partikular na dito ang pamilyang Pardo de Tavera.
B. Heidelberg
- Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo
ng Alemanya para sa
- pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.
- Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod
ng Heidelberg na kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya
sa isang boarding house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng
abogasya.
- Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika
ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa
Alemanya.
- A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal sa
kagandahan ng mga bulaklak ngHeidelberg.
- Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang
Daan Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg.
C. Wilhelmsfeld
- Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si
Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.
- Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay
nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.
- Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay
kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa anak nito
na si Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng
nasabing pamilya.
D. Unang Sulat kay Blumentritt
- Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya
kay Blumentritt.
- Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo
ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta
ng Pilipinas.
- Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at
Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit
niyang batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog.
E. Leipsig at Dresden
- Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang
dumalo ng aralin saKasaysayan at Sikolohiya.
- Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang
mananalaysay at si Dr. Hans Mever na isang kilalang antropologo.
- Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen.
- Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang
nakilala si Dr. Adolph Mever ang direktor ng Museo ng
Antropolohiya at Etnolohiya.
F. Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko sa Berlin
- Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon
nito ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi.
- Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na
sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas.
- Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na
nakilala ni Rizal sa Berlin.
- Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni
Rizal sa Berlin.
- Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista
ng Berlin at dito si Rizal ay naglingkod sa klinika.
- Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa
isang pagpupulong ngEthnographic Society ng Berlin.
- Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni
Rizal sa isinagawang pagpupulong ng Ethnographic
Society ng Berlin.
G. Buhay ni Rizal sa Berlin
- Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin
o Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya
o Palawakin ang kaalaman sa agham at wika
o Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng
Alemanya
o Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman
o Ipalimbag ang Noli Me Tangere
- Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman
o Seryosa
o Matiyaga
o Edukada
o palakaibiganin
- Paghihirap sa Berlin
o Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba
o Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw
o Naglalaba ng kaniyang sariling damit
o Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit
na tuberculosis

KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME TANGERE
A. Ang Ideya at Pagsulat ng Noli
- Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher
Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika.
- Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal
sa grupo ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang nobelang ukol
sa kalagayan ng Pilipinas.
- Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere
o 1/2 sa Espanya
o 1/4 sa Pransya
o 1/4 sa Alemanya
- Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng
Noli Me Tangere.
- Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300
upang magamit sa pagpapalimbag ng nasabing nobela.
- Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at
inihanda para sa pagpapalimbag.
- Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na
tumanggap upang ilaathala ang Noli Me Tangere sa halagang P300
sa daming 2,000 kopya.
- Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me
Tangere.
B. Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli
- Ferdinand Blumentritt
- Dr. Antonio Ma. Regidor
- Graciano Lopez-Jaena
- Mariano Ponce
- Felix Resurrecion- Hidalgo
o Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula
sa ebanghelyo ni San Juan.
o Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan.
o Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal
sa Noli Me Tangere upang makatipid siya sa presyo ng
pagpapalimbag ng nobela.

KABANATA 9 - PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA NI VIOLA
A. Ang Paglalakbay
- Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa
Europa.
B. Dresden
- Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon
ng mga Bulaklak.
- Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining.
- Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na
hinangaan ni Rizal sa Dresden.
- Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama si
Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz.
C. Leitmeritz
- Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay
sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala
ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.
- Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang
bumibisita sa Leitmeritz.
- Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt
o Rosa ang asawa ni Blumentritt
o Dolores - anak
o Conrad - anak
o Fritz - anak
- Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang
hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng
wikang Aleman.
- Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa
nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.
- Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal
sa Leitmeritz.
D. Prague
- Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19,
1887.
- Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad
ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng
pagpapakilala ni Blumentritt.
- Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang
astronomo sa kasaysayan ng sangkatauhan.
- Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San Juan
Nepomuceno pati na ang tulay na pinaghulugan nito.
E. Vienna
- Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga
pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa
dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito.
- Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna.
F. Pagbaybay sa Ilog Danube
- Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina
Rizal at Viola ng bangka upang makita ang kagandahan ng ilog at
ng kanyang mga pangpang.
- Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit
ng mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain.
G. Lintz tungo sa Rheinfall
- Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang
namasyal upang malasahan ang Munich beer na bantog sa buong
Alemanya.
- Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang
museo na nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit
sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na
pinakamalaking industriya ng lunsod.
- Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala
bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito.
- Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing
"pinakamaganda sa buong Europa."
H. Switzerland
- Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong
Europa.
- Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland
o Aleman
o Pranses
o Italyan
- Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang
Eksposisyon sa Madrid na ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga
tribo ng Igorot na suot na bahag at mga makalumang kagamitan
ay pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.
- Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan
at kanyang pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain.
- Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal
para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola
naman para magbalik sa Barcelona.
I. Italya
- Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal
o Turin
o Milan
o Venice
o Florence
o Rome
- Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong
Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng
nasabing lunsod.
- Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma
o Capitolium
o Bato ng Tarpeian
o Palatinum
o Forum Romanum
o Ampiteatro
o Simbahan ng Santa Maria Magigiore
- Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at
dinalaw ito ni Rizal noong Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita
ang Basilica de San Pedro - ang pinakamalaking simbahan sa
mundo.



KABANATA 10 : ANG UNANG PAGBABALIK
A. Desisyon na magbalik sa Pilipinas
- Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas
o Paciano Rizal
o Silvestre Ubaldo
o Jose Cecilio
- Mga Dahilan ng Pagbabalik
o Tistisin ang mata ng kanyang ina
o Paglingkuran ang kanyang mga kababayan
o Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli
o Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera
- Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa
kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
B. Pagbabalik Patungo ng Maynila
- Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong
kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon
na ang nakakaraan.
- Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng
barkong Haipong.
- Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.
- Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa
bansa ay halos walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng
lunsod ng Maynila.
C. Pagbabalik sa Calamba
- Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.
- Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng
pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa
kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.
- Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-
paglingkod sioya bilang manggagamot.
- Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't
hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi
pa noon hinog.
- Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging
bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang
kanyang klinika.
- Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot
at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.
- Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba upang mailigtas
ang kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong.
- Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng
kanyang mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga
magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang
anak na si Rizal.
D. Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere
- Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng
mga sumbong na laban sa nobelang Noli Me Tangere.
- Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal
ukol sa usapin ng nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si
Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang
maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.
- Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na
sina Padre Federico Faura,Francisco Paula Sanchez, at Jose
Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me Tangere na kanyang
ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang
kanilang mga kopya.
- Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino
at nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng
Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela.
- Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng
mga guro ng unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa nobelang
Noli Me Tangere.
- Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng
rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo,
at laban sa kaayusang pampubliko.
- Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng
UST dahilan sa alam niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano
at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa Permanenteng
Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi
alagad ng simbahan.
- Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat
na ang Noli Me Tangere
- ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang
iminungkahi ang pagbabawal
- ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela.

E. Mga Kaaway ng Noli Me Tangere
- Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng
walong polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga
polyetong isinulat niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba.
- Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere.
o Jose Salamanca
o Luis M. de Pando
o Fernando Vida
o Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me
Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa
pahayagang La Espana Moderna.
- Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere
o Marcelo H. del Pilar
o Antonio Ma. Regidor
o Graciano Lopez Jaena
o Mariano Ponce
o Segismundo Moret - isang Espanyol na dating Ministro
ng hari ng Espanya at tagapagtanggol ng Noli Me
Tangere.
o Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa
Unibersidad Central de Madrid.
o Ferdinand Blumentritt
o Padre Vicente Garcia - isang iskolar na paring Pilipino
na gumawa ng isang polyeto na ginamitan niya ng
pangalang panulat na Desiderio Magalang at kanyang
sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez
laban sa Noli Me Tangere at sa may akda nito.
F. Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade
- Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong Espanyol na
inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing
tagabantay ni Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway.
- Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may kultura naging
ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade .
- Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan, at
pagbaril.
G. Suliranin Agraryo sa Calamba
- Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang
nabasa sa Noli Me Tangereat nagpasimula ng imbestigasyon sa
mga hacienda na pag-aari ng mga prayle upang maituwid ang mga
pagmamalabis na nagaganap dito.
- Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa
pagkuha ng mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa
kanyang bayan.
- Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod:
o ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop
sa buong bayan ng Calamba.
o Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na
tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng
binabayarang upa sa lupa.
o Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng
anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang
ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan, at
pagpapabuti ng agrikultura.
o Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa
paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa
lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na
kadahilanan.
o Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa
hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay
kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang
mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga
kasama.
H. Pag-alis sa Calamba
- Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning
agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng
mga prayleng Dominikano.
- Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si
Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang
gobernador heneral ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga
prayle.
- Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang
mga magulang at pinaki-usapan siya ng kanyang mga kamag-
anakan pati na ni Tenyente Jose Taviel de Andrade na umalis na
muna ng Pilipinas.
- Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan
siya na umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng una.
- Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang
pangunahing kadahilanan.
- Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang,
kapatid at mga kaibigan.
- Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung
siya ay magsusulat na malaya sa ibang bansa.

KABANATA 11: HONGKONG AT MACAO
A. Biyahe Patungo sa Hongkong
- Peberero 3, 1888 - sumakay si rizal ng barkong Zafiro patungo ng
Hongkong at nakarating sa Amoy, China noong Pebrero 7,1888.
- Hndi lumabas si Rizal ng Amoy bunga ng tatlong dahilan:
o hindi mabuti ang kanyang pakiramdam
o umuulan noon ng malakas
o narinig niya na ang lunsod ay marumi.
- Victoria Hotel - dito nanuluyan si Rizal sa pagdating sa Hongkong
- Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na
sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa Hongkong.
- Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong takas mula
sa Marianas na hinuli ng mga Espanyol noong 1872.
- Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong si Jose Basa isang abogadong
tumakas sa Marianas aat biktima ng terorismo ng Espanya ng
1872.
B. Pagbisita sa Macao
- Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo
sa Macao noong Pebrero 18, 1888 at nakita niya dito si Jose Sainz
de Varanda na sumusunod sa kanya.
- Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-asawa ng
Portugess at sa kanyang bahay si Rizal ay nanuluyan habang sila ay
nasa Macao.
C. Karanasan sa Hongkong
- Naobserbahan ni Rizal ang mga sumusunod sa Hongkong:
o Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero
11- 13, 1888.
o Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino at paraan ng
pagganap at paglalarawan ng mg galaw ng mga
tauhan.
o Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin
ay inaanihan ng labis na pagkain.
o Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng
pangrelihiyon sa Hongkong dahilan sa pag-aari ng
maraming mga bahay paupahan, at malaking halagang
salapi na nakadeposito sa mga bangko na tumutubo ng
malaking interes.
D. Paglisan sa Hongkong
- Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng
barkong Oceanic na pag-aari ng mga Amerikano at kanyang
patutunguhan ay ang bansang Hapon.

KABANATA 12: SI RIZAL SA HAPON
A. Ang Pagdating sa Hapon
- Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at tumigil
sa Grand Hotel.
- Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na siyang punong
lunsod ng nasabing bansa.
B. Si Rizal sa Tokyo
- Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita
kaay Rizal sa hotel at inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali
ng legasyon.
- Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya sa tokyo dahilan sa mga
sumusunod:
o Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon
maninirahan
o Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol
- Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang
kaibigan si Juan Perez Caballero at kanyang sinabi na
ang diplomat ay isang bata, matalino, at mahusay na manunulat.
- Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay napahiya si Rizal sa dahilan na
napagkamalan na isang Hapon na hindi marunong magsalita
ng nihongo.
- Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at natutunan niya
ito sa loob ng ilang araw lamang.
- Pinag-aralan din ni Rizal ang kabuki, sining, musika, at jujitsu.
- Nakatagpo ni Rizal sa Tokyo ang mga musikerong Pilipino.
C. Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
- Ang impresyon ni Rizal sa bansang Hapon:
o Ang kagandahan ng bansa
o Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga
Hapon
o Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga
Haponesa
o Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo
o Halos walang pulubing makikita sa lansangan
D. Si O-Sei-San
- Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang
Hapon at mas kilala siya sa katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-
San.
- Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya
sa Tokyo na kung saan malapit ang tinitirhan ni O-Sei-San.
- Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan ng legasyon at
siya ay ipinakilala ng hardinero ng legasyon kay O-Sei-San na isang
manggagamot na mula sa Maynila at panauhin ng legasyon.
Sumagot si O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles.
- Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-Sei-San at
nakasama ni Rizal sa pamamasyal sa mga magagandang lugar ng
lunsod ng Tokyo.
- Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay
Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng katarungan.
- Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang karanasan sa
pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes sa sining ang nagbigay
daan sa kanilang pag-ibig.
- Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing iibigin.
Si O-Sei-San ay maganda, mapanghalina, mahinhin at matalino.
- Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo, magalang at
pagkakaroon ng maraming kaalaman.
- Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa
isang katipan. Si O-Sei-San ay nagsilbing kasama ni Rizal sa
pamamasyal, interpreter at tagapagturo.
- Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal na
manirahan sa Hapon at tanggapin ang magandang hanapbuhay na
inaalok ng legasyon ng Espanya sa Tokyo.
- Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pakasalan si O-
Sei-San .
- Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa lamang ito
noong 1897 pagkatapos na bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-
San si Alfred Charlton na isang Ingles na isang guro ng kemistriya
sa Tokyo.
E. Pag-alis sa Hapon
- Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng
Amerika sakay ng barkong Belgic.
- Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni Rizal sa barko
ang mag-asawangReinaldo Turner at Emma Jacson. Itinanong ng
kanilang anak kung kilala niya si Richal na sumulat ng Noli Me
Tangere . Sinabi niya sa mga bata na siya si Rizal.
- Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya ay
mamamahayag, nobelista, at tagapagtanggol ng karapatang
pantao sa Hapon.
o Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang dalawa
ay pinaalis sa kanilang mga
- bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan.
o Kapwa sila mga lalaki ng kapayapaan na gumamit ng
lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na
nagaganap sa kanilang bansa.
o Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy
ang kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng
kanilang mga kababayan.
o Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang kanilang
bansa sa mga mapaniil na pinuno ng pamahalaan.



KABANATA 13: SI RIZAL SA ESTADOS UNIDOS
A. Ang Paglalakbay sa Amerika
- Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng
lunsod ng San Francisco.
- Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila
ay kinuwarentenas dahilan sa takot ng mga Amerikano na ang
mga ito ay mayroong sakit na kolera.
- Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay walang
epidemya ng kolera sa Malayong Silangan at ang konsul ng
Estados Unidos sa Hapon ay nagbigay ng patunay na walang
epidemya ng nasabing sakit sa Hapon.
- Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay upang hind
makapasok agad ang mga manggagawang Tsino sa Estados Unidos
na ayaw ng mga Amerikanong manggagawa. Pag pumasok ang
mga manggagawang Tsino ay matatalo ang nakaupong presidente
ng Amerika sa nalalapit na eleksiyon.
- Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga Amerikano na
makapasok ang 700 bales ng sutla na mula sa Tsina na hindi man
lamang pinapausukan ng gamot.
- Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara klaseng kabina
mula sa kuwarentenas pagkatapos ng isang linggo. Ang mga
Hapon at Tsino ay ikinulong pa ng mas mahabang panahon.
- Tumuloy si Rizal sa Palace Hotel sa kanyang panahon ng pananatili
sa San Francisco.
- Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng
Estados Unidos hanggang sa lunsod ng New York.
- Narating ni Rizal ang New York noong Mayo 3, 1888 at kaniyang
sinabi na ang lunsod ay isang napakalaking bayan.
- Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na
nagdala sa kanya patungo ng London.
- Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika
- Mabuting Impresyon
o ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa
kanyang malalaking lunsod, malawak ang bukid, at
lumalagong mga industriya at abalang mga pabrika.
o Ang pagiging masigasig ng mga mamamayang
Amerikano.
o Ang likas na kagandahan ng bansa.
o Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao.
o Ang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang
manggagawa.
- Masamang Impresyon
o Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang
Amerika ay isang magandang bayan para sa mga puti
at hindi sa mga taong may kulay ang balat.

KABANATA 14: SI RIZAL SA LONDON
A. Mga Dahilan ng Pagtira sa London
- Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles
- Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de las Islas Filipinas na
isinulat ni Morga.
- Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban sa kalupitan ng mga
dayuhan sa Pilipinas.
B. Pagtawid sa Atlantiko
- Sakay ng barkong City of Rome si Rizal ang nagsilbing interpreter
ng mga pasahero bunga ng kanyang kaalaman sa maraming wika.
- Pianahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa pasahero sa
kahusayan niya sa paglalaro ngyoyo.
- Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na Amerikano ukol sa
suliranin ng sangkatauhan. napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga
ito sa kaalaman sa geopolitics.
- Dumating si Rizal sa Liverpool, England noong Mayo 24, 1888 at
nagpalipas ng gabi saHotel Adelphi.
C. Ang Buhay ni Rizal sa London
- Dumating si Rizal sa London ng Mayo 25, 1888.
- Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma.
Regidor na isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at
nagtatrabaho bilang abogado sa London.
- Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal sa London at
may address na 37 ChalcotCrescent, Primrose Hill.
- Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang pamilyang
Beckett na isang organista ng Katedral ng St. Paul.
- Ang bahay ng mga Beckett ay nasa magandang lokasyon, malapit
sa British Museum.
- British Museum - ang pambansang aklatan ng England na
nagtataglay ng napakarami at mga di-karaniwang mga aklat. Dito
ginugol ni Rizal ang kanyang maraming araw sa London sa
pamamagitan ng pagsasaliksik sa nabanggit na aklatan.
D. Mga Balita sa Mula sa Pilipinas
- Masamang Balita
o pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa
Manipestong laban sa mga Prayle na iniharap ni
Doroteo Cortes. Ang manipesto ay nilagdaan ng 800 na
Pilipino at isinulat ni Marcelo H. del Pilar na humihiling
sa pagpapa-alis ng mga prayle sa Pilipinas.
o pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba,
kabilang dito ang pamilya ni Rizal dahilan sa kanilang
ginawang petisyon para sa repormang agraryo.
o Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida sa
Cortes ng Espanya laban sa Noli Me Tangere , gayundin
ng mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo
Feced sa mga pahayagang Espanyol.
o Ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay ipinatapon
ni Gobernador Weyler ng walang anumang ginanap na
paglilitis.
o Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na kaibigan
ni Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan ng mga
Espanyol ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang bahay.
- Magandang Balita
o abalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre
Vicente Garcia sa nobelang Noli Me Tangere laban sa
pagbabatikos ng mga prayle.
Ang Anotasyon ng Sucesos ni Morga
- Sucesos de las Islas Filipinas - isang aklat na sinulat ni Morga
noong 1609 ukol sa mga kaganapan sa Pilipinas.
- Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat nina Chirino, Colin,
Argensola, at Plasenciaukol sa mga dating kaugalian ng mga
Pilipino sa unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
- Sa kanyang sulat ay sinabi niyang mahusay ang aklat ni Morga
dahilan sa wala siyang kababawan at kayabangan na tulad ng sa
mga prayle, simple ngunit ang kanyang mensahe aynasa pagitan
ng bawat hanay ng mga salita.
- Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal sa kanyang
pagsasaliksik pangkasaysayan sa London.
- Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang tinanggihan si Mariano
Ponce sa alok nito na maging patnugot ng isangh pahayagan na
sasagot sa mga paninira ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino.
- Habang naninirahan sa London, si Rizal ay gumawa ng saglit na
pagbisita sa Paris upang basahin ang ilang mga babasahing
materyal sa Bibliotheque Nationale o pambansang aklatan ng
Pransiya.
- Binisita din panandali ni Rizal ang Madrid at Barcelona upang
alamin sa mga Pilipino ang kanilang ginagawang pagkilos para sa
reporma sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si
Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang higante ng
kilusang propaganda.
- Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdaos
ng Pasko at Bagong Taon sa tahanan ng mga Beckett . Nagpadala
si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak.
E. Ang Aktibong Pakikilahok sa Kilusang Propaganda
- Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang makabayang
samahan na tinawag naAsosacion La Solidaridad na pinasinayaan
noong Disyembre 31, 1884.
- Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay nahalal na
Pangulong Pandangal ngAsociacion La solidaridad bilang pagkilala
sa kanyang pamumuno sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa
Europa.
- Nagpadala si Rizal ng isang liham sa Asociacion La Solidaridad na
nagpapasalamat sa kanilang pagtitiwala at pagpapayo sa
ikapagtatgumpay ng samahan.
- Noong Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez
Jaena sa Barcelona ang pahayagang makabayan na amy pamagat
na La Solidaridad na lumalabas tuwing ikalawa at huling linggo ng
buwan at nagsilbing pahayagan ng kilusang propaganda.
- Mga layunin ng Pahayagang La Solidaridad
o Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal
at panlipunan sa Pilipinas
o Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na
kalagayan ng Pilipinas upang malapatan ng lunas ng
pamahalaang Espanya.
o Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas
na noon ay siyang kumokontrol ng pamahalaan.
o Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran.
o Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino
para sa buhay, demokrasya, at kaligayahan.
- Pinayuhan ni Rizal ang mga miyembro ng pahayagang La
Solidaridad na maging
- makatotohanan at tapat sa kanilang mga isusulat upang igalang ng
mga mababasa ang kanilang
- opinyon. Sinabi din ni Rizal na huwag gayahin ang mga
mamahayag na binabayaran ng mga
- prayle na gumagamit ng pandaraya at mga bulgar na salita.
- Los Agricultores Filipino - ang unang artikulo na isinulat ni Rizal
para sa pahayagang La
- Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889. Sa nasabing
artikulo ay kanyang sinabi na
- ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang Pilipino ay
ang napakaraming balakid
- sa kanyang pagsulong tulad ng mga mahihigpit na pinuno, mga
magnanakaw, sakunang mula
- sa kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga salik na
hindi magbibigay daan sa pag-
- unlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng sining ng agrikultura
sa bansa.


F. Mga Sinulat ni Rizal sa London
- La Vision del Fray Rodriguez - isang satirikong polyeto na sinulat
nni Rizal laban kay Padre Jose Rodriguez at kanyang ginamit na
pangalan dito ay Dimas Alang, nalathala saBarcelona. Dito ay labis
na tinuya ni Rizal si Padre Rodriguez sa labis nitong katangahan.
- Sa polyetong La Vision del Fray Rodriguez ay naipakita ni Rizal ang
kanyang (a) mataas na kaalaman sa relihiyon at (b) kahusayan sa
panunudyo.
- Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos - isang sulat na ipinadala
ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos na noon ay humiling sa
pamahalaan na pagkalooban sila ng pagkakataon na mag-aral ng
wikang Espanyol kahit ito ay laban sa kagustuhan ng prayle
paroko ng Malolos, Bulacan.
- Ang nilalaman ng Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos ay ang
mga sumusunod na pagpapayo ni Rizal sa mga kababaihan:
o Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang
mga anak ng pag-ibig sa Diyos, bayan at sa
sangkatauhan.
o Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga ina
sa Sparta na nasisiyahan na makita ang kanilang mga
anak na lumalaban para sa kalayaan ng bayan.
o Dapat ingatan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang
kanilang karangalan at dignidad.
o Dapat sikapin ng mga kababaihang Pilipina na maging
edukado, maliban pa sa pagpapanatili ng kanyang mga
likas na katangian.
o ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang
dasal, pagsuot ng mga krusipiho at kagamitang pang-
relihiyon sa katawan, kundi bagkus ang pamumuhay ng
tunay na Kristiyano na may mabuting moral at
kaugalian.
- Sumulat din si Rizal ng dalawang artikulo sa Trubner's Record isang
pahayagang Ingles saLondon na may pamagat na Specimens of
Tagal Folklore at Two Eastern Fables.

G. Ang Romansa kay Gertrude Beckett
- Gertrude Beckett - anak na babae ng kanyang kasero sa London at
tinawag niya ito sa palayaw na Getie. Naging malapit ang dalawa,
dahilan sa tinutulungan ng dalaga si Rizal sa kanyang mga gawain
tulad ng paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at
paghahanda ng clay para sa kaniyang iskultura. Tinawag ni Getie si
Rizal sa palayaw na Petie.
- Ngunit bago pa man mabuo ang isang pag-ibig, si Rizal ay lumayo
kay Gertrude Beckett dahilan sa kanyang mas mahalagang misyon
sa buhay.
- Bago umalis si Rizal sa London, kanyang tinapos ang apat na
gawang lilok na may pamagat na :
o Promotheus Bound
o Triumph of Death Over Life
o Triumph of Science Over Death
o Ang ulo ng magkapatid na dalagang Beckett
- Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at
nilisan ang London patungo ng Paris.

KABANATA 15: IKALAWANG PAGTIGIL SA PARIS PARA SA PANDAIGDIG NA
EKSPOSISYON NG 1889
A. Pagtungo sa Paris
- Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa gaganapin noon ang
Pandaigdig na Eksposisyon na darayuhin ng libu-libong mga tao
mula sa iba't ibang panig ng mundo.
- Dahilan sa karamihan ng tao, si Rizal ay nahirapan na makahanap
ng lugar na matitirahan at naging napakamahal pa ng kabayaran
sa mga paupahang kuwarto.
- Pansamantalang tumira si Rizal sa kanyang kaibigang si Valentin
Ventura sa 45 Rue Maubuege at dito ay kanyang inayos ang
kanyang anotasyon ng aklat na Sucesos de las Filipinas na sinulat
ni Morga.
- Nagpalipat-lipat ng tirahan si Rizal hanggang makakita siya ng
isang maliit na silid at nakasama niya dito ang dalawang Pilipino
na sina Capitan Justo Trinidad na dating gobernadorcillo ng Santa
Ana at Jose Albert na isang batang mag-aaral mula sa Maynila.

B. Buhay ni Rizal sa Paris
- Sa kabila ng kasiyahan sa Paris naging abala pa rin si Rizal sa
pagbabasa ng mga aklat saBibliotheque Nationale upang tingnan
ang mga datos para sa kaniyang anotasyon ngSucesos Las Islas de
Filipinas ni Morga.
- Sa mga malalayang oras si Rizal ay dumadalaw sa bahay ng mga
pamilyang Pilipino na sina Pardo de Tavera, Ventura, Luna, at
Bousted. Naging kaibigan niya ang tatlong magkapatid na Pardo
de Tavera, na ang ama ay isa sa mga biktima ng kalupitan ng mga
Espanyol noong 1872.
- Naging ninong si Rizal ni Maria de la Paz Luna na pangalawang
anak nina Juan Luna at Luz Pardo de Tavera.
- Naging malimit si Rizal sa pagdalaw sa pamilyang Bousted.
- Isa sa umakit kay Rizal sa Eksposisyon ng Paris ay ang Eiffel
Tower na may taas na 984 talampakan.
- Dumalo si Rizal at ang kanyang mga kaibigan sa pagbubukas ng
Eksposisyong Paris na pinangasiwaan ng Pangulo ng Pransiya na
si Sadi Carnot.
- Isa sa mga bahagi ng kasaysayan sa Pariss ay ang pagkakaroon ng
eksposisyon sa mga likhang sining na sinalihan ni Juan Luna, Felix
Resureccion-Hidalgo, at Felix Pardo de Tavera. Lumahok din si
Rizal sa pamamagitan ng pagsasali ng kanyang gawang iskultura,
napasali ang kanyang likha ngunit hindi nagtamo ng gantimpala.
- Itinayo ni Rizal sa Paris ang Samahang Kidlat na binubuo ng
kanyang mga kababayang Pilipino. Ang samahan ay panandalian
lamang at naglalayon na paglalapitin ang mga Pilipino
sa Paris upang higit silang masiyahan sa panonood ng
eksposisyon.
- Itinatag ni Rizal ang samahang Los Indios Bravos at pinalitan nito
ang Samahang Kidlat . Nangako ang mga kasapi nito ng pagsisikap
sa katalinuhan at pagpapalakas katawan upang magtamo ng
paghanga ng dayuhan.
- Samantalang nasa Paris itinatag ni Rizal ang isang lihim na
samahan na nakilala lamang sa panitik na R.D.L.M. at
sinasapantaha na ang kahulugan ay Redencion de los
Malayos (Ang Pagpapalaya sa Malayo) . Ang samahang ito ay
nanatili pa ring isang palaisipan sa mga nag-aaral ng Rizal.
C. Ang Paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas
- Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya ay
nasa Paris ng 1889 ay ang pagpapalimbag ng kanyang anotasyon
ng aklat ni Morga na Sucesos de las Islas Filipinas na inilathala
ng Garnier Freres.
- Isinulat ni Blumentritt ang Paunang Salita para sa Sucesos de las
Islas Filipinas at inihandog ni Rizal ang aklat para sa inang bayan.
- Isinulat ni Rizal ang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas sa
layunin na ipakita sa mga Pilipino ang pagkakaroon natin ng
mataas na kabihasnan bago pa man dumating ang mga Espanyol.
- Nakatanggap si Rizal ng maraming paghanga mula sa kanyang mga
kaibigan dahilan sa kanyang paglalathala ng anotasyon sa Sucesos
de las Islas Filipinas ni Morga.
D. Si Rizal bilang Mananalaysay
- Si Rizal ay masasabing mahusay na mananalaysay dahilan sa mga
sumusunod na salik:
o Ang kanyang pagsasaliksik sa dalawang dakilang
aklatan ng mundo - British Museum(London) at
Bibliotheque Nastionale (Paris) ay nakapagpalawak ng
kanyang kaalamang pangkasaysayan.
o Ang kanyang ginawang anotasyon ng Sucesos de las
Islas Filipinas ay kakikitahan ng malawak na kaalaman
ni Rizal sa histograpiya - ang pag-aaral ng pagsulat ng
kasaysayan.
o Ang kaalaman ni Rizal sa maraming wika ay nakatulong
sa kanya upang mabasa ang maraming dokumentong
historikal sa kanyang orihinal na anyo.
o Nabasa niya si Pigadicta sa wikang Italyano: Marsden,
Raffles, Lord Stanley, at Wallace sa wikang Ingles;
Blumentritt, Jagor, at Virchow sa wikang Aleman; M.
Jacquet, J. Mallat, at A. Marche sa wikang Pranses; at
sina T. H. Pardo de Tavera, Pedro Paterno, Miguel
Morayta, at Pi y Margall sa wikang Espanyol.
o Ang kaalaman ni Rizal sa kasaysayan ay hindi lamang
ukol sa Pilipinas kundi sa kasaysayan ng kolonisasyon
ng mga Europeo sa Asya.
- Maliban sa anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas naghanda
rin si Rizal ng malathalang artikulong historikal na gaya ng mga
sumusunod:
o Ma- yi
o Tawalisi of Ibn Batuta
o Filipinas dentro de Cien Anos
o Sobre la Indolencia de los Filipinos
o La Politica Colonial de Filipinas
o Manila en el mes de Diciembre, 1872
o Historia de la Familia Rizal de Calamba
o Los Pueblos del Archipielago Indico
- Filipinas dentro de Cien Anos - sa artikulong ito ay hinulaan ni
Rizaal ang pagtatapos ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas sa
pagtatapos ng ika 19 daantaon.
- Sobre la Indolencia de los Filipinos - tinalakay ni Rizal ang
kadahilanan ng katamaran at pagiging mabagal na pag-unlad ng
mga Pilipino sa mga sumusunod na salik.
o Ang Pag-aalsa ng mga Pilipino at panloob na kaguluhan
kasunod ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
o Ang mga digmaan ng Espanya laban sa mga Portuges,
Olandes, Ingles, at iba pang mga kalaban na dito ay
naglingkod ang mga Pilipino bilang mga kawal ng
hukbong Espanyol.
o Ang pananlakay ng mga Muslim ng Mindanao sa mga
baybaying bayan ng Pilipinas.
o Ang sapilitang paggawa ng libu-libong mga Pilipino na
naging dahilan upang mapabayaan ang pagsasaka,
komersiyo at industriya sa Pilipinas.
o Ang kawalan ng pagsisikap ng mga Pilipino ng
magtrabaho ng higit dahilan sa hindi naman nila ganap
na napakanibangan ang bunga ng kanilang paghihirap.
o Ang pagpapabaya ng pamahalaan sa agrikultura,
komersiyo at industriya.
o Ang masamang halimbawa na ipinapakita ng mga
Espanyol ukol sa mga gawaing manwal.
o Ang pagtuturo ng mga prayle na "mas madaling
makapasok sa langit ang mga mahihirap" at dahil dito
ay ninais ng mga Pilipino ang kahirapan sa layunin ng
madaliang pagpasok sa langit sa pagsapit ng
kamatayan.
o Ang sistema ng edukasyong Espanyol ay hindi
nakapagsulong ng pangkabuhayang kaalaman. Ang
edukasyon ay depresibo, brutal, at hindi makatao.
E. Iba pang Mga Ginawa sa Paris
- Binalak ni Rizal na itayo ang samahan ng mga Filipinolohista
sa Paris ngunit hindi ito naisakatuparan.
- Ipananukala ni Rizal ang pagtatayo ng isang makabagong kolehiyo
ng mga Pilipino sa Hongkong na ang layunin ay magsanay at
magturo ng mga anak ng mga mabubuting pamilyang Pilipino.
- Nagdaos ng kapaskuhan si Rizal sa Paris at pagkatapos ng Bagong
Taon ay saglit na dumalaw sa London upang tingnan ang
katumpakan ng kanyang anotasyon Sucesos de las Islas Filipinas at
dalawin si Gertrude Beckett.
- Mga Dahilan ni Rizal sa Pag-alis sa Paris
o Ang napakamahal na halaga ng bilihin dahilan sa
karamihan ng mga taong dumalo sa Pandaigdig na
Eksposisyon sa paris.
o Ang masayang kapaligiran ng Paris ay umaagaw ng
kanyang atensiyon sa mga gawaing pampanitikan. Ang
pangangailangan niya na isulat ang El Filibusterismo .

KABANATA 16 - SI RIZAL SA BRUSSELS
A. Ang Buhay ni Rizal sa Brussels
- Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni
Jose Albert at nanuluyan sa isang kainamang bahay paupahan
sa 38 Rue Philippe Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid
na babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie.
- Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El
Filibusterimo at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo
para sa La Solidaridad .
- Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa
pagpapalakas ng katawan sa gymnasium at sa pagsasanay sa
pagbaril at iskrima.
- Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino napansin
niya ang labis na katipiran ni Rizal sa pamamagitan ng pagkain sa
bahay at pagluluto nila ng pansit.
- Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad ng siya ay nasa Brussels.
o A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni
Patricio Escosura.
o La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga
katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng
mga Espanyol na ang Pilipino ay mangmang at tanga.
o Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal
ang kamangmangan ni Vicente Barrantes sa tanghalang
sining ng mga Tagalog.
o Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga
prayle sa pagkakait nito ng isang Kristiyanong libing
para sa kaniyang bayaw na si Mariano Herbosa.
o Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni
Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma sa
Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng
pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
o Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si
Blumentritt laban sa paninira ng mga kaaway nito.
o Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na
nanunudyo sa mga Pilipinong humihingi ng Reporma.
o Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna
laban sa ginawang paninira ni Mir Deas.
o Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa
mababang pagtingin ng mga bayarang mamahayag ng
prayle sa mga kayumangging Pilipino.
o Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni
Gobernador Weyler sa mga taga-Calamba na huwag
magpalinlang sa mga walang kabuluhang pangako ng
kanilang mga walang utang na loob na anak (isa na dito
si Rizal).
- Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog
sa pamamgitan ng paggamit ng k at w at ituwid ang Hispanikong
pagsulat tulad ng arao at salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal
ang kanyang artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de
Tagalana kanyang inilathala sa La Solidaridad.
- Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa
Aleman sa wikang Tagalog.
- Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga
Pilipino sa Madrid ay nagugumon sa sugal. Sinulatan ni Rizal ang
mga Pilipino sa Madrid at sinaway nila ang mga ito sa kanilang
pagkakagumon sa sugal. Nagalit ang ilang mga Pilipino kay Rizal at
tinawag nila itong Papa imbes na Pepe na kanyang tunay na
palayaw.
- Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita.
o Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa
Calamba.
o Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin
ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don Francisco
Mercado - Rizal.
o Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si
Manuel Hidalgo ay muling ipinatapon saBohol.
o Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na
kamatayan.
- Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya si Rizal ay
nagbalak ng umuwi, sa dahilang hindi siya maaring manatili na
nagsusulat lamang habang ang kanyang mga magulang at mga
kapatid ay nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang
kanyang balaking umuwi ay sinalunga ni Graciano Lopez- Jaena at
gayundin ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at
Mariano Ponce.
- Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang
sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay
kanilang iaapela sa korte supremo sa Madrid at dito si Rizal ay
nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso.
- Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby - ang
pamangkin ng kanyang mga kasera.

You might also like