You are on page 1of 4

Saint Francis of Assisi School of Cabuyao

Banay-Banay, City of Cabuyao, Laguna 4025



IKA-APAT NA BUWANANG PAGSUSULIT
FILIPINO| GRADE-5

PANGALAN: _______________________________________ PETSA: ____________________
PANGKAT/BAITANG: ______________________________________ GURO: G. KENNETH R. REYES

I. Panuto: Isulat sa patlang ang FILIPINO kung TAMA at WIKA naman kung MALI.

______ 1.Ang patalastas ay isang mensaheng may nais ipaalam na impormasyon sa
maraming tao.
______ 2.Ang talata ay lipon ng mga pangungusap na bumubuo sa isang kaisipan.
______ 3.Ang Kaisahan ay isang pangungusap na may kaugnayan sa buong diwa ng talata.
______ 4.Ang Kaugnayan ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap
upang magkaroon ng maayos na daloy ng kaisipan.
______ 5.Ang Diin ay nagbibigay ng kahalagahanng tanging diwa ng talata.
______ 6. Ang pahayagan ay isang uri ng babasahin na nagbibigay ng pinakabagong impor-
masyon na tumatalakay sa ibat-ibang kaganapan na nangyayari sa kapaligiran.
______ 7. Ang paksang pangungusap ang nagtataglay ng buod ng isang talata.
______ 8. Ang wikang Filipino ay patuloy pa ring nagbabago. Kasama sa pagbabagong ito
ang paggamit ng mga salitang hiram.
______ 9. Sa pamamagitan ng patatala, nalilinang ang pang-unawa sa mga nakalap na im-
pormasyon o pahayag.
______ 10. Ang kultura ay tumutukoy sa kabuuang pamumuhay ng mga tao na siyang
sumasalamin sa ating wika, tradisyon, kaalaman at sining.

II. Panuto: Isulat ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

_____ 1. Basahin mo ang caption dahil nakapagdaragdag ito ng impormasyon sa sinasaliksik
mo.
a. pinagmulan ng balita
b. maikling paliwanag ukol sa larawan
c. pamagat ng artikulo

_____ 2. Sarisaring kaalaman ang matututuhan ninyo rito.
a. marami-rami
b. sama-sama
c. iba-iba

_____ 3. Ibinabahagi ni Binibining Catilo ang kaniyang nababasang kaalaman sa mga mag-
aaral.
a. ipinauubaya
b. ipinagdaramot
c. ibinibigay

_____ 4. Lagi niyang tangan ang isang pahayagan kahit saan magpunta.
a. pasan
b. hawak
c. buhat

_____ 5. Ang mga artikulo sa pahayagan ay mababasa mga column.
a. bahagi
b. poster
c. hanay

_____ 6.Kailangang linangin natin ang mga katutubong kaalaman ng bayan upang hindi ito
mapabayaan at mawala.
a. pagbutihin
b. paunlarin
c. pagsikapan




MARKA
_____ 7. Binibigyang-pansin ang mga ambag ng mahuhusay na mamamayan sa larangan ng
sining.
a. ipinaubaya
b. ipinamana
c. kontribusyon

_____ 8. Madalas nating marinig ang tangkilikin ang sariling atin ngunit ginagawa ba natin
ito?
a. mahalin
b. ayusin
c. itaguyod

_____ 9. Lumahok sa mga samahan o pangkat na nagsusulong sa pagpapaunlad ng kalina-
ngang Pilipino.
a. pumunta
b. sumali
c. makiisa

_____ 10. Hindi dapat manatiling walang pagsasabuhay ang ating gawi.
a. pananaw
b. saloobin
c. ugali


III. Panuto: Hanapin sa hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita sa hanay A. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

________ 1. programa a. premyo
________ 2. magwawagi b. kasali
________ 3. gantimpala c. timpalak
________ 4. kalahok d. palatuntunan
________ 5. paligsahan e. mananalo
f. buwis

IV. Panuto: Itala sa patlang ang bahagi ng pahayagan na tinutukoy.

______________ 1. Ito ay naglalaman ng mga patalastas ng ibat-ibang kompanya na
nangangailangan ng kawani at manggagawa kabilang na ang anunsiyo sa mga ipinagbibiling
bahay, lupa at sasakyan.

______________ 2. Naglalaman ito ng mga balita at lathalain tungkol sa kultura, artistat
pelikula, pamumuhay, fashion, edukasyon at kabataan.

______________ 3. Naglalaman ito ng mga balita tungkol sa pangangalakal at industriya,
maging ang kasalukuyang palitan ng piso sa dolyar.

______________4. Naglalaman ito ng pinakamahahalagang balita ng nagdaang araw; ito rin
ang siyang unang pahina ng pahayagan.

______________ 5. Naglalahad ito ng opinion, damdamin, at reaksiyon ng patnugutan ng
pahayagan hinggil sa isang paksa o napapanahong usapin.

______________ 6. Ito ang pamagat ng pinakatampok na balita. Madali itong makikita dahil
karaniwang nakalimbag ito sa malalaking titik at nasa unang pahina.

______________ 7. Naglalaman ito ng mga anunsiyo tungkol sa mga taong namayapa na,
kung saan nakaburol, at kung kalian at saan ililibing.

______________ 8. Naglalaman ito ng mga balita na naganap sa mga bayan at lalawigan ng
bansa.



______________ 9. Naglalarawan ito sa mga balita tungkol sa ibat-ibang uri ng isports.

______________ 10. Naglalaman ito ng mga balita na naganap sa labas ng bansa.



V. Panuto: Isulat sa patlang ang baybay sa Filipino ng salitang hiram sa bawat bilang.

1. jeep - ___________________________
2. theater - ___________________________
3. truck - ___________________________
4. concert - ___________________________
5. chart - ___________________________
6. music - ___________________________
7. lemonade- ___________________________
8. thermos - ___________________________
9. office - ___________________________
10. bomb - ___________________________

VI. Panuto: Maramihang pagsasagot.

A. Ibigay ang ibat-ibang bahagi ng dyaryo ayon sa pagkakasunod-sunod.

1._____________________________________________
2._____________________________________________
3._____________________________________________
4._____________________________________________
5._____________________________________________
6._____________________________________________
7._____________________________________________
8._____________________________________________
9._____________________________________________
10.____________________________________________

B. Tatlong katangian ng talata.

1.___________________________
2.___________________________
3.___________________________


GOODLUCK!!!
#KRR


_____________________
Lagda ng Magulang

You might also like