You are on page 1of 6

Una at Huli

120313, 7:50pm
Kakasikat pa lang ng araw at marahan kong idinilat ang aking mga mata. Nakangiti siya
sa akin. Maaga akong nagising ngunit ninais kong huwag bumangon at nagpanggap akong tulog
dahil alam kong nasa akin siyang tabi. Ngayong umaga, sinubukan kong muling huwag dumilat,
ngunit kinailangan kong masilayan ang kanyang mukha.
Muli, kagaya ng lagi niyang ginagawa, ngumiti siya sa akin.
Hoyy, hindi mo ako maloloko, pahagikhik niyang sinabi sa akin. Alam kong gising ka
na Bumangon ka na kasi!, panunudyong sigaw pa nito.
Tumawa ako ng tumawa nang may luhang tumulo sa gilid ng aking pisngi. Gising na
gising na ako ngunit ayoko pang bumangon, walang lakas kong sagot. Hindi ko pa rin kaya.
Kailan ka pa babangon?, malungkot niyang tanong sa akin.
Tumawa ako ng tumawa at tumahimik. Hindi ko na siya sinagot. Kagaya kahapon, hindi
ko pinagsisisihang idinilat ko ang aking mga mata. Ngunit kagaya rin kahapon, ayoko pa ring
bumangon ngayon.
Ipinikit kong muli ang aking mga mata at naramdaman kong hinaplos niya ang aking
pisngi. Binaybay niya ang iniwang marka ng dahilan ng aking kalungkutan saka niya pinahid ang
aking mga luha at hinalikan ang aking noo.
Bumangon ka na, sabi niya.
Hindi ko na siya pinansin.
Nang umalis na siyay tumayo na rin ako. Mahaba pa ang araw ngunit wala naman akong
ibang gagawin o pupuntahan man lang. Kahit ayoko namang manatili dito sa aming tahanan
dahil maraming bagay ang nagpapaalala sa akin ng aking kalungkutan ay wala pa rin akong
mapagpipilian.
Mabilis na dumaan ang mga oras at hindi ko na namalayang hapon na pala. Hindi man
lang ako nakakain ng tanghalian. Sabik na sabik ako sa paglubog ng araw dahil magkikita kami
sa paborito naming tagpuan. Kinuha ko muna ang kaninay buong araw kong hinandang basket
na puno ng paborito niyang pagkain at dumeretso ako sa pinakatuktok ng burol malapit sa
aming tahanan kung saan una kaming nagkita. Alam kong doon, naghihintay siya sa akin.
Tumakbo ako ng tumakbo. Muntik pang matapon ang dala kong paborito niyang
pagkain. Ngunit, pagdating ko doon ay bigla akong napatigil, lumingon ako sa kaliwa at dahan-
dahan akong lumingon sa kanan Walang naghihintay sa akin.
Nalungkot akot pumikit. Nasaan siya? Nasaan siya? Ninais kong umiyak ngunit wala
nang luhang tumulo sa aking mga mata. Ninais kong tumakbo ngunit walang lakas ang aking
mga paa. Pumikit lang ako ng pumikit ng may biglang humaplos sa aking pisngi. Binaybay nito
ang iniwang marka ng dahilan ng nga aking kalungkutan at pagkatapos ay hinalikan ang aking
noo.
Akala koy iniwan mo na ako., walang lakas kong sabi.
Ngumiti siyat hinalikan ang markang iniwan ng aking kalungkutan. Hindi kita kailanman
iiwan, muli niyang pangako sa akin, kagaya ng lagi niyang dati ay ginagawa.
Hindi ko napigilan ang aking paghikbi at umiyak ako ng umiyak higit pa sa luhang dati ko
nang hinikbi. Sinungaling! Lihim kong isinambit ito sa aking sarili. Sinungaling ka.
Ngumiti siyang muli sa akin.
Umupo kami lilim ng nag-iisang puno rito at inilapag ko sa damuhan ang dala kong banig
at pagkain. Giliw na giliw siyang sumubo. Masaya naming pinagsaluhan ang luto kong pagkain.
Napakaganda pa rin niya sa kabila ng aming pagtanda. Naaaninag ko pa rin ang kislap ng
kanyang mga matang nag-udyok sa aking siyay ligawan at kilalanin. Nananatiling masigla ang
kanyang mga ngiting nagsabi sa aking siya na ang huling dilag na mamahalin ko. Napakaswerte
kot minahal niya ako kagaya ng at higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.
Naaalala ko pa nung una niyang sinabing mahal niya ko. Ilang taon na ang nakakaraan,
maaliwalas ang araw noon at hindi ako mapakali. Magtatapat na ako ng aking damdamin. Dala
ang paborito niyang puting rosas ay nagtungo ako sa aming tagpuan, kung saan parati siyang
nakatanaw sa malayo, kung saan nakaupo kami ngayon.
Naaalala ko pa. Tumikhim ako noon at nagsabing, Beatriz, hindi ko alam kung kailan
nagsimula. Gumising nalang ako isang araw at sinabi ng puso kong ikaw na ang tinitibok nito.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Hindi ko maipaliwanag. Sa tuwing makikita kitay
bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing wala kay hinahanap hanap kita. Hindi ko alam kung
dilaw ba ang paborito kong kulay kasi gusto ko talaga ang dilaw o baka kasi paborito mo ito.
Gusto ko nakikita kita araw-araw. Gusto ko nakikita kita oras-oras, minu-minuto. Ni hindi ako
pinigil niya ako sa pagsasalita.
Rafael, ni hindi ko makatulog, makakain, or makapag-isip ng tama. Palagi kitang
sinusulyapan sa pagbabasakaling lumingon ka. Pinipigilan kong lumapit dahil natatakot akong
may mahal kang iba. madamdaming sabi niya.
Mahal kita. Sabi niya sa akin.
Mahal din kita, sagot ko.
Iyon ang una sa maraming beses na sinabi niyang mahal niya ako. Iyon ang una sa
maraming beses na sinabi kong mahal ko siya.
Umuwi akong mag-isa sa aming tahanan. Mula nang maghiwalay kami ng landas ni
Beatriz ay mag-isa na rin akong nakatira rito. Malalim na ang gabi. Gusto ko na ring
magpahinga. Humiga ako sa aming dating kama at sinamyo ko ang kanyang naiwang pabango.
Gusto ko siyang muling mayakap at makasama. Gusto ko siyang muling makatabi sa
pagtulog. Dumaan ang gabi at muli, kagaya ng ginagawa ko bawat umaga, nagpanggap akong
tulog hanggang sa naramdaman kong dumating siya. Sinubukan kong muling huwag dumilat,
ngunit kinailangan kong masilayan ang kanyang mukha.
Kagaya ng lagi niyang ginagawa, ngumiti siya sa akin.
Rafael, hindi mo ako maloloko, pahagikhik niyang sinabi sa akin. Alam kong gising ka
na Bumangon na kasi!, panunudyong sigaw pa nito.
Tumawa ako ng tumawa at may tumulong luha sa aking mga mata. Gising na gising na
ako ngunit ayoko pang bumangon, walang lakas kong sagot. Hindi ko pa rin kaya.
Kailan ka pa babangon?, malungkot niyang tanong sa akin.
Tumawa ako ng tumawa at natahimik. Hindi ko na siya sinagot. Kagaya kahapon, hindi
ko pinagsisisihang idinilat ko ang aking mga mata. Ngunit kagaya rin kahapon, ayokong
bumangon ngayon.
Ipinikit kong muli ang aking mga mata at naramdaman kong hinaplos niya ang aking
pisngi. Binaybay niya iniwang marka ng dahilan ng nga aking kalungkutan saka niya pinahid ang
aking mga luha at hinalikan ang aking noo.
Bumangon ka na, sabi niya.
Hindi ko idinilat ang aking mga mata hanggang sa makaalis siya. Nang naramdaman
kong mag-isa nalang akoy naglakad ako tungo sa hardin nga aming tahanan kung saan namin
itinanim ang paborito niyang rosas na kailanman ay hindi ko kinalimutang alagaan kahit
nagkawalay na ang aming landas. Kahit araw-araw akong nasusugatan sa tinik nga mga rosas na
iniwan ni Beatriz ay mahal na mahal ko pa rin ang mga ito kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Napangiti nalang ako hanggang sa tumulo ang iilang butil ng luha mula sa aking mga
mata. Mahal na mahal ko pa rin siya.
Pumasok akong muli sa aming tahanan at nagluto ng paborito niyang pagkain na naging
paborito ko na rin. Nagbabasakali akong sanay pagbukas ko ng pinto ng aming tahanan ay
naroon siyat nakangiti sa akin, kagaya ng lagi niyang ginagawa. Magluluto ako para sa kanya
kahit alam kong hindi siya darating at masasayang lang ang hinanda ko.
Kagaya kahapon, dumaan ang buong araw at hindi man lang ako nakakain ng tanghalian.
Kagaya kahapon, sabik na sabik ako sa paglubog ng araw dahil muli kaming magkikita.
Pinuno kong muli ang basket ng paborito niyang pagkain kagaya ng araw-araw kong
ginagawa at tumakbo ako ng tumakbo tungo sa aming tagpuan. Tumakbo ako ng tumakbo.
Muntik pang matapon ang dala kong paborito niyang pagkain. Ngunit, pagdating ko doon ay
bigla akong napatigil, lumingon ako sa kaliwa at dahan-dahan akong lumingon sa kanan
Walang naghihintay sa akin.
Umupo ako sa lilim ng punong lagi naming inuupuan at pumikit ako kagaya ng lagi kong
ginagawa. Ngunit walang humaplos sa aking mga pisngi o bumaybay man lang sa marka na
dahilan ng aking kalungkutan. Wala ring humalik sa aking noo. Sa halip, ay mayroong yumakap
sa akin ng mahigpit na mahigpit. Napaiyak na lang ako. Alam kong hindi ito si Beatriz.
Humarap siya sa akin at ngumiti ng may kalungkutan.
Hanggang ngayon, andito ka pa rin., malungkot niyang sambit.
Hanggang ngayon, andito pa rin ako at naghihintay., sagot ko sa kanya.
Hanggan kailan Papa?, malungkot niyang tanong niya sa akin.
Wala akong isinagot. Sa halip ay hinaplos ko ang markang dahilan ng aking kalungkutan
at inalala ko ang huling pagkakataong sinabi ni Beatriz na mahal niya ako.
Makulimlim ang kalangitan noon at nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan.
Hinihintay ko si Beatriz kagaya ng paghihintay ko sa kanya ngayon. Nasa tagpuan namin ako
nang matanaw ko siya mula sa malayo at may kasamang iba. Galit na galit ako. Tumakbo ako ng
tumakbo patungo sa kanila nang marinig ko ang kanilang pag-uusap.
Sumama ka na sa akin Beatriz. Magpakalayu-layo tayo. Papasayahin kita higit pa sa saya
mo ngayon kasama si Rafael. Bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Hindi ka kailanman iiyak
sa akin Hindi na ako nakinig. Sa halip ay lumapit ako sa kanilat buong lakas kong ibinato ang
aking suntok sa kanyang kasama. Tumilapon ito ng malakas. Nagsimulang bumuhos ang ulan.
Mga taksil!, malakas kong iyak. Kailan pa kailan pa may mali ba akong nagawa?
SABIHIN NINYO! Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko? iyak lang ako ng iyak at muli ay
sinugod ko ang lalaking kasama ni Beatriz. Sinuntok ko siya ng sinuntok ngunit bumunot siya ng
patalim at sumugod sa akin. Nilaslas niya ang aking mukha sa bandang kinalalagyan ng marka
ng aking kalungkutan. Napaluhod ako. Itinaas niya ang kanyang hawak na patalim at itinarak ito
sa aking dibdib. Pumikit ako. Narinig kong tumakbo siya papalayo sa akin. Wala akong
naramdamang sakit. Bakit nananatiling tumitibok ang aking puso? At naramdaman kong may
humaplos sa aking pisngi at humalik sa aking noo.
Ninais kong huwag imulat ang aking mga mata nang mga sandaling iyon ngunit
kinailangan kong masilayan ang kanyang mukha.
Nakangiti siya sa akin.
At napaiyak nalang ako ng napaiyak habang tumatagas ang dugo mula sa patalim na
tumarak sa likuran ni Beatriz.
Mahal na mahal na mahal kita, sambit ni Beatriz sa akin.
Tulong! Tulong!, malakas kong sigaw habang humahagulgol. Sumigaw lang ako ng
sumigaw hanggang sa wala nang lumabas na ingay sa aking lalamunan. Huwag mo akong iwan,
huwag mo akong iwan. Yakap yakap kong sabi sa kanya.
Hindi kita kailanman iiwan walang lakas niyang sambit sa akin.
Iyak lang ako ng iyak ng iyak.
Pinatahan niya ako at ngumiti siya sa akin. Mahal na mahal kita.
Mahal na mahal kita, iyak ko.
Iyon ang huling beses na sinabi niyang mahal niya ako. Iyon ang huling beses na narinig
niyang sinabi kong mahal ko siya.
Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako kay Beatriz sa aming tagpuan. Dala-dala ko rin
ang paborito niyang pagkain at inaalagaan ko pa rin ang paborito niyang puting rosas. Araw-
araw sinusubukan kong bumangon ngunit hindi ko magawa kahit alam kong iyon ang gusto ni
Beatriz. Araw-araw sinusubukan kong huwag dumilat upang hindi ko masilayan ang kanyang
mukha ngunit hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko siya.
Hindi ko siya kayang pakawalan. Kaya, sa aking pagdilat, araw-araw pa rin siyang nasa
aking tabi kahit wala na talaga siya, dahil hindi ako makabangon, dahil mahal ko siya, at dahil
nangako siya sa aking hindi niya ako kailanman iiwan.

You might also like