You are on page 1of 2

Torpe Lang

torpe pala ako, yun ang sabi mo


nagkakamali ka, nahihiya lang ako.
ikaw naman kasi, parang nag-aatubili,
relaks ka muna, at di pa 'ko handa.

hindi naman kailangang gawin itong mabilisan,
wirdo lang kasi, ang pangit pa tingnan,
at ang isa pa, huwag kang mag-alala
handa akong sabihin, mahal talaga kita.

Pero ayoko munang ganun na lang kadali,
Hayaan mo munang lumipas ang mga sandali.
Ang ala-ala ng nakaraan, kailangan ko ng ibaon,
Nang masabi ko talaga, ako na ay nakabangon.

Parang atat ka kasi, huwag namang ganun.
bigyan mo ako ng panahon, madali na lang 'yon
kung gusto mu naman, ating baliktarin
ikaw na ang manligaw, at ako na ang suyuin.

You might also like