Para sayong nagmahal, Sige, malaya ka na, tutal tapos ka naman na sa akin at tapos na din naman ako sa'yo. Layuan na natin ang isa't isa, ayus lang yun, wala ka naman ng kailangan sakin at ganun din naman ako sa'yo. Salamat sa panahong sineryoso mo ako, dahil dun naramdaman kong mahal mo nga ako, kasi kung hindi mo talaga ako mahal, noon pa ay itinigil mo na ang pag-harap at pagseryoso sakin. Alam kong pinag- pupuyatan mo ako, hindi ka na nga minsan natutulog dahil lang sakin. Masaya naman ako dahil dun. Pero, mas mabuti sigurong parehas na nating kalimutan ang isa't isa. Salamat sa matatamis na sandali edwin. Sana magkasama pa tayo sa darating na panahon. Nagmamahal, Ang Natapos na First Semester.
*****
Para sayong magmamahal muli, Salamat at dumating ka sa buhay ko. Napansin kong nakamove-on ka na sa una mo. Hayaan mo na siya, harapin mo ngayon kung anong meron ka. Seryosohin mo ako gaya ng pagseryoso mo sa kanya. Iwan mo na ang kahapon at harapin ang ngayon pati ang bukas. Subukan mo ding magpuyat para sakin at susuklian ko ito ng mga nais at gusto mo. Ibig ko ding makasama ka kahit sa sandaling panahon lang. Magsimula tayo ng maayos para walang gulo, ayokong bigyan kita ng sakit ng ulo pagdating ng araw, kaya habang simula pa lang ay dapat mabuti ang lagay natin at kung may problema, magsasama tayong aayusin ito. Salamat at pinaunlakan mo ang pakikisama sa akin, nawa ay magsama tayo ng walang masyadong problema