pakikipagtalastasan ng dalawang taong magkasundo na magtatagpo na ang isa sa kanilay may layunin at hangad na matupad ang layuning ito sa pamamagitan ng wastong kasagutan mula sa isa. Sino ang Gusto ninyong Makapanayam?
Mga Gawain sa Pakikipanayam Pagpili ng magbibigay kaalaman Pagkuha ng kooperasyon ng taong magbibigay ng kaalaman Pag-alam tungkol sa mga hakbang o pamamaraan Paggawa ng tiyak na tanong at pamamaraan Pagpapaliwanag at pagsusuri ng resulta o bunga ng panayam Mga Pamamaraan ng Pakikipanayam Tape Tanong at sagot Memorya Pagtatala Ang Paggawa ng Tiyak na mga Tanong Tiyaking malinaw Tiyak at di paliguy-ligoy ang mga tanong Bukas ang isipan sa pagtatanong Mga tanong na nagsisismula sa paano, bakit at di yaong masasagot lamang ng oo o hindi Gigising sa kawilihan ng kinapapapanayam at magbubunsod sa kanya sa malayang pagsasalita. Ihuli ang mga mahihirap at sensitibong mga katanungan. Mga Dapat Gawin Dumating sa oras. Ilahad ang layunin. Matyagang mabuti di lamang kung ano ang kanyang sinasabi kundi gayon din kung paano niya sinasabi. Gawing masigla ang panayam. Igalang ang oras ng pakikipanayam. Tapusin ang panayam sa pasasalamat. Itala ang lahat ng nabatid.
Mga Dapat Iwasan Huwag makikiusap ng panayam hanggat di pa lubos na nalalaman ang paksa. Huwag ipagbandilahan ang sariling kaalaman sa paksa. Huwag ipahalata ang alinlangan o di pagsang-ayon sa kanyang pahayag.