You are on page 1of 3

ANG KAIBIGANG TUNAY

Kaibigang tunay ay laging matapat,


ang tulong ay laan sa lahat ng oras.


Siya ay mabait at saka marangal
sa lahat ng saglit ay maaasahan.


Sa pangangailangan, siya'y laging handa
nang ang kaibiga'y hindi mapahiya.


Siya'y nakalaan kahit na magtiis
upang mapagbigyan, katotong matalik.


Kaibigang lubos, kaibigang tapat
ay kayamanan din ang nakakatulad.













PAMILYA
ni: Julyhet Roque

Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,
Si amat si inay responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,
Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod
Kahit na mangapal ang palad sa pagod
Basta sa pamilya ay may maitustos.

Di nag aaway sa harap ng supling,
Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin
At pagmamahalan ang laging inaangkin.












Inang Kalikasan

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kayat pagsisikapan kong itoy pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang ibat-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikerot makata,
Na ang alay ay himig at tula.

Ang pagbabago ay hindi makakamtan,
Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.

You might also like