You are on page 1of 3

I.

Climate of Acceptance
Facilitator: Magandang umaga sa inyong lahat! (Todo smile with energy to the fullest )
Patients: Magandang umaga rin po! (Sabay sabay nilang sagot, halatang excited)
Facilitator: Bago tayo dumako sa ating mga aktibidades, nais ko munang magpakilala. Ako si Kristine
Danielle Dejelo. Pwede nyo akong tawaging Tin-tin, Kristine, at Danielle. Ako ay 19 taong gulang na.
Nasa ikatlong baitang na ako sa kursong narsing sa Southern Luzon State University Lucban, Quezon.
Ako ay nagagalak dahil pinagkalooban tayo ng magandang pahahon ngayon. Sana ang lahat na
naririto ay makiisa at makihalubilo sa ating gagawing talakayan at sana maging aktibo rin bawat isa. Ang
bawat isa sa ay binibigyan ng pagkakataon na makapagbahagi ng kanyang saloobin, naiisip at
nararamdaman tungo sa isang paksang ating tatalakayin. Pero bago ang lahat, gusto ko muna tayong
tumayo lahat at gumawa tayo pabilog na pwesto upang mamaya sa ating talakayan ay marinig natin
lahat ang sasabihin ng bawat isa.
Patients: (Tumayo at sumunod)
Facilitator: Ayan! Maraming salamat. Ngayon, naririnig nyo ba lahat ang aking boses?
Patients: Opo!
Facilitator: Ngayon ay dadako naman tayo sa pagpapakilala. Magsisimula tayo sa isang gwapong lalaki sa
aking gawing kanan.
Patient 1: Hi! Ako si Mark Escudero. Alam nyo namang lahat na ako ang pinakagwapo dito di ba?
(Maangas ang dating)
Facilitator: Salamat Mark. Oo nga ang gwapo mo. At ang susunod naman ay si.
Patient 2: Hindi nyo ba ako namumukaan? Ako lang naman ang nawawalang kapatid ni Napoles.
Hehehehe. Gusto nyo ba ng pork? Marami kami nun! Hahahah. Ako nga pala si Jennie Napoles from
Tagaytay!
Facilitator: Salamat Jennie. Ah. Talaga? Bigyan mo kami mamaya ha. Next
Patient 3: (Malungkot na nakatungo, hindi nagsasalita)
Facilitator: Sige balikan nalang natin siya mamaya. Next please..
Patient 4: Hi. Ako si Amanda! Ahmmmmm (Nagiisip pa ng sasabihin.. Tapos wala na siyang nasabi, kaya
naupo nalang.
Facilitator: Okay lang yan Amanda. Maging aktibo mamaya ha..
Patient 5: Nagugutom na ako! Wala pa bang meryenda? Huhuhuhuhuh.
Facilitator: Pag naging aktibo mamaya sa ating talakayan, bibigyan ng maraming pagkain. Okay ba yon?

Patient 5: Ah! Talaga po? Sige po! Magpapakilala ako ng maayos. Ako si Jimuel Tahanan. Galing ako sa
Malabon City. Iniwan ako ng aking kapatid dito tatlong taon na ang nakakalipas. Miss na miss ko na nga
sila ehh. Sana dalawin nila ako bukas.
Facilitator: Salamat Jimuel. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Dadating din sila. Oh, kasunod na..
Patient 6: Hello. Im Desiree. Im shy. Thats all.
Facilitator: Dont be shy Des, its your time to shine! Next..
Patient 3: Ako po muna! Ako po muna! Ako po si Betty. Sorry po kanina ah, iniisip ko pa po kasi yung
pangalan ko. Nakalimutan ko po kasi eh. Hihihihihih
Facilitator: Ahh. Kaya naman pala. Nagagalak naman ako at naalala mo.
Patient 7: Hi Im Luis from Diliman! Masayahin at masigla! Dati akong dancer sa UP! (dances)
Facilitator: Wow! Napakasigla mo naman! Masaya to. Maraming salamat sa pagbahagi mo nang iyong
talento. Pagbutihin mo pa ang iyong pagsasayaw. At ang pinakahuli.
Patient 8: Ako si Lenlen Olan, 33 y/o mag-isa na lang ako sa buhay, wala na ang aking mga
magulang wala din akong kapatid o asawa.
Facilitator: Huwag ka ng malungkot Ate Len, andito kaming lahat para sayo.
Patient 8: Salamat.

II. Bridge to Reality
Facilitator: Matapos nating magpakilala sa bawat isa, maaari na tayong magsimula sa gagawin nating
aktibidades sa araw na ito. Pero bago muna iyon, Jimuel, Maaari mo bang sabihin kung anong petsa at
araw na ngayon?
Jimuel: Ngayon po ay Miyerkules. Ika 25 ng Abril taong 2014.
Facilitator: Magaling Jimuel. Napakaganda ng sikat ng araw ngayon. Napakganda ng ating paligid diba?
Gusto ko sanang ang bawat isa sa inyo ay magbibigay ng kanya-kanyang opinyon tungkol sa nakikita
natin sa ating kapaligiran. Simulan naman natin sayo Mark.
Mark:

You might also like