kay kapitan tiyago Inihanda ni: Abegail A. Dumadag IV-Abad Santos B Mga Mahahalagang pangyayari Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiyago.
Bahagi ay mapupunta sa sa Sta. Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 piso ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 piso na binawi ni Kapitan Tiyago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing.
Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap- usapan ukol sa kanya. Pinagtalunan ni Don Primitivo at Martin Aristorenas ang tungkol sa pagsasabong sa langit at kung sino ang mananalo kung hahamunin ni Kapitan Tiyago si San Pedro kung walang kamatayan ang mga ibon sa langit. Ayon kay Don Primitivo, ang pagkatalo ay nagbubunga ng kalungkutan, at walang pwedeng malungkot sa langit.
Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na isusuot kay KapitanTiyago.
Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong.
Nanaig pa rin ang desisyon ni Padre Irene na damitan si Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot.
Si Donya Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kapitan Tiyago at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing para kay Kapitan Tiyago.