You are on page 1of 3

KAPILYA NG SAN AGUSTIN NG KANTIRBURYO

Ayon sa mga matatanda noong una, ang kapilya ay naitayo pa noong


taong 1930s. Naging saksi ang kapilyang ito sa mga nagdaang una at
ikalawang digmaang pandaigdig. Ang Alapan ay kabilang sa Freedom Trail,
sapagkat noong ika-28 ng Mayo, 1898 ay unang napagtagumpayan ng ating
mga ninunong katipunero ang tinatawag na Unang Labanan sa Alapan .
Ang petsang ito ang ginawang taunang kapistahan ng Kapilya na nooy
nagpaparangal sa banal na Krus at kay Santa Maria Magdalena na syang
patron ng Kawit at ng pinunong Heneral Emilio Aguinaldo, na sinasabing
unang naganap noong taong 1947.
Matagal na panahon na napabilang ang kapilya sa nasasakupan noon
ng Our Lady of the Pillar ng Katedral ng Imus, at ibat ibang pari ang
nagmisa para sa mga mamamayan ng Alapan sa tulong ng mga
matatandang lingkod simbahan ng Alapan at ilang kabataang nakilala sa
katawagang Bulaklak at Paru-paro.
Naitatag ang unang choir sa Kapilya sa pamamagitan ng isang lingkod
simbahan ng Katedral ng Imus na si Bro. Vhir Fajardo, na nooy nanawagan
matapos ang isang misa noong ika-25 ng Hulyo, 1982, na tinugon ng mga
kabataan na nagsisimba noon at nakilala magpahangang ngayon bilang
Sinag ng Kabataan ng Alapan. Ang samahang ito ang syang unang naging
opisyal na katuwang ng Pari, kasama ang ilang matatandang lingkod upang
maisagawa ang mga gawain ukol sa simbahan at maging ukol man sa
lipunan, katulad ng pagsapi sa NAMFREL noong unang eleksyon upang
makibahagi sa pagsupil sa diktadurya.
Taong 1990 nang napabilang ang Kapilya ng Alapan, na nooy tinatawag
ding Holy Cross Chapel sa bagong Parokya na ngayoy kilala bilang
Immaculate Heart of Mary Parish sa ilalim ng pamamahala ni Fr. Jeff
Bugayong, at sa tulong ng pamumuno ni Kuya Kiko Orcullo. Nagpatuloy sa
paglaki ang Kapilya sa pamamagitan ng unti unting pagpapagawa nito.
Nadagdagan din ang mga lingkod sa Alapan, naitatag ang Knights of
the Altar, ang Legion of Marys, kasabay nito ang mga Block Rosary Groups,
ang mga katekista at nitong bandang huli ang ME community ng MMHE-Imus
Chapter.
Taong 1997 nang maitalaga si Fr. Totie Bermudes bilang bagong Kura
Paroko. Nagpatuloy bilang chairman ng kapilya si Kuya Kiko at hinalinhan
naman ni ate Eder Remulla bago matapos ang termino ng nasabing Kura
Paroko. Malaki ang naitulong ng bagong pinuno upang mailipat sa pangalan
ng Inang Simbahan ang titulo ng lupang kinatatayuan ng kapilya ng Alapan.
Noong Mayo 28, 2004, sa pangunguna ni Fr. Allan C. Valero, unang
ipinagdiwang ang kapistahan ng San Agustin ng Kantirburyo. Unang
gumanap bilang mga hermano ang mga pangunahing lingkod simbahan. At
mula nooy lalong sumigla ang pananampalataya ng mga parokyano sa
Alapan lalo na ang mga kabataan, sapagkat sa panahong ito naganap ang
mga Youth Assemblies bilang paghahanda sa programang Communion of
Communities.
Sa kasalukuyan, sa napipintong ika-25 taon ng pasisinaya bilang
parokya ay patuloy na nakikiisa ang mga lingkod simbahan ng Alapan upang
tuluyang maisakatuparan ang nasabing programa. Tumutugon ang
komunidad ng San Agustin ng Kanterburyo sa mga pagbabago na
isinusulong ng kasalukuyang parokya na pinamamahalaan ni Fr. Paul at ni Fr.
Benjie. Nakikita ang unti unting pagbabagong espiritwal ng mga lingkod
simbahan, kasabay nito ang unti unti ring pagsasaayos ng pinansyal na
kalalagayan, at ang pagpapatibay at pagpapaganda ng istruktura ng kapilya
ng San Agustin ng Kantirburyo. Ang kapilyang ito ay patuloy na nagsisilbing
daluyan ng mga pagpapala ng Dios, nagsisilbing kanlungan upang ang mga
kabataan ay makaiwas sa kasamaan at kasalanan at nagsisilbing
pangalawang tahanan upang mabuo ang isang pamilyang patuloy na
naglilingkod at nagmamahal sa Diyos.
MABUHAY KA SAN AGUSTIN NG KANTIRBURYO!!!

You might also like