You are on page 1of 1

Oh, Pag-ibig ...

ni: Sweet Lapuz



Pag-ibig na itoy pagkagulo-gulo,
Kung minsay baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsay may sakit ng pagkasiphayo./pagkabigo

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,
Madarama namay kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at duloy may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,
Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling
Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.

Kung ikay iibig, tandaan mo lamang,
Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diyay nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!.

You might also like