You are on page 1of 2

Yam

Nang dahil sa text nagsimula ang lahat,


Pati sa facebook, di maiwasang nagchachat.
Sige na nga! ako na ay magrereply,
Bakit ba? Pake niyo saking buhay!

Bakit ganito, ano tong nararamdaman?
Anong saya sa pakiramdam!
Sabi na nga ba! Nahuhulog na ang loob ko,
Nakakainis! Di ko maamin sa sarili ko!

Tuwing pagsamba kami riy nagkikita,
Pasulyap-sulyap, lumalaki aking mga mata!
Ayan na naman, puso koy kumakabog!
Sa kilig, gusto ko nang magdabog!

Oh siya, ako na ay magpapasya.
OO na! sa kanya ay nagpasaya.
Mula ngayon, kami nang dalawa,
Aking hiling, sana sa akiy di magsawa.

Ang hirap pala, kapag mahal moy malayo,
Walang makausap, mistulang walang kalaguyo.
Lahat tinitiis, para relasyoy magpatuloy,
Sapagkat mahal ko siya, siya ang buhay ko..

Kaya ngayon, kami ay magdadalawang taon,
Nais kong malaman niya, kung may pagkakataon,
Mahal na mahal ko siya
Yam ko, sana ikay napasaya..

You might also like