You are on page 1of 4

Quezon City Academy

1144 EDSA, Quezon City




Isang paglalahat at reaksyon tungkol sa
State of the Nation Address (SONA) ni
Pangulong Benigno Aquino S. Aquino
III bilang bahagi ng proyekto sa
Ekonomiks .


Ipinasa ni:
Abegail A. Dumadag
IV- Abad Santos B

Ipinasa kay:
Bb. Michelle R. Balgoma

Introduksyon

Ang State of the Nation Address o SONA ay talumpati ng pangulo na nagsasaad at naglalahat ng
kasalukuyang lagay ng bansa gaya ng lagay ng ekonomiya, ang estado ng mga mahihirap sa bansa, ang estado
ng kabuhayan ng mga Pilipino, ang mga badyet ng gobyerno at iba pa. Isinasaad rin dito ang progreso ng mga
programa at proyekto na nagawa at gagawin ng ating pangulo. Ito rin ang araw kung kailan magsisimula na ang
trabaho ng kamara sa pulitika. Sa paglalahat na ito, makikita natin ang ibat ibang pagbabagong hinarap ng
ating bansa at ang mga proyektong nagawa ng ating pangulo noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.

Pang-ekonomiya
(Economical Aspect)
Tumaas ang Gross
Domestic Product
(GDP) ng 7.8% sa first
quarter ng 2013.

Mayroon tayong 40B na
pangkalahatang badyet.

300,000 na lang ang rice
importations ng bansa.

Nakakapagexport na
tayo ng matatas na uri
ng bigas.

Sisimulan na ang
pagdistribute ng titulo sa
mga magsasaka ng
Hacienda Luisita.

5,500 ektarya na ang
ginagamit sa
intercropping, at dagdag
pang 434 sites sa
coconut intercropping.



Pampulitika
(Political Aspect)
Ipapatupad ang
Cabotage Law kung
saan mapapalakas ang
kumpetisyon at bababa
ang gastos sa
transportasyon.

Naipatupad na ang Sin
Tax Law.

Naipatupad na ang
Reproductive Health
Law.

Naipatupad na ang
Cybercrime Law.

Pagpapatupad ng Fiscal
Incentives Bill.

Pagpapatupad sa Land
Administration Reform
Bill.

Natapos na ang Jalaur
River Multipurpose
Project II.
Panlipunan
(Social Aspect)
81% na ng mga
Pilipino ang kabilang
sa mga nakikinabang
sa PhilHealth.

Matatapos na ang geo-
hazard mapping ng
Metro Manila sa 2014.

Patuloy pa rin ang
pamamahagi ng
doppler radars,tsunami
detectors at alerting
sirens.

9,377 na kabahayan
ang naipatayo para sa
mga nasalanta ng
bagyong Sendong at
53,106 naman para sa
mga nasalanta ng
Bagyong Pablo.

Sa mga nakapagtapos
sa TESDA, 6 out of 10
na ang mga
nakakapagtrabaho.

Naipatayo na ang
Laguindingan Airport,
Tacloban Airport,
Bicol International
Airport, New Bohol
Airport, Mactan
Airport, Puerto
Princesa Airport at
and Daang-hari-SLEX
Link Road.

Magpapagawa ang
gobyerno ng elevated
tollway upang mas
mapabilis ang
pagbibiyahe.

33B piso ang nakalaan
para sa pagpapatayo
ng mahigit 4000
ospital sa bansa.

Mayroong 2.268
Trillion na badyet ang
Kongreso.










Pagpapatupad ng
Bangsamoro Basic
Law sa 2014.

Nakatipid ang DPWH
ng 18B.

Naipamahagi na ang
mahigit 70,000 na
baril sa kapulisan at
mga sundalo.

Ibababa sa 30 ang
presyo ng mga
textbooks sa bansa.

Naipatupad na ang K-
12 Program.

Nakapagdeploy na ng
525 automated water
level monitoring
stations at automated
rain gauges sa buong
bansa.












Hanggang 18 taong
gulang na ang maaring
maipasok sa
kwalipikasyon ng
Pantawid Pamilya
Program.

Paglulunsad ng
Expanded Z Benefit
Package.

Naipaayos na ang
mahigit 4,518 na
ospital, rural health
units at barangay
health stations sa
bansa.












Paghahambing

Sa aspetong pang-ekonomiya, bumaba ng 200,000 toneladang bigas ang inangkat natin
sa ibang bansa, nagangahulugang tayo ay umuunlad na. Nakakapag-export na rin tayo ng mga
matataas na uri ng bigas sa ibang bansa. Tumaas rin ang GDP o Gross Domestic Product ng
ating bansa mula 6.8% noong nakaraang taon at 7.8% naman sa first quarter ng 2013. Ito ang
pinakamataas na recorded GDP sa Timog-Silangan at Silangang Asya. Natapos na rin ang
pagpapatayo sa mga paliparan sa Laguindigan, New Bohol at New Legaspi.

Sa aspetong pampulitika naman, naipatupad na ang mga batas na ipinanukala pa lang
noong nakaraang taon. Kabilang na rito ang Sin Tax Law, ang Reproductive Health o ang RH
Law, ang Cybercrime Law, at ang K-12 program.

Samantalang sa aspetong panlipunan naman, dumami na ang mga mamamayang kasapi
ng PhilHealth mula 61% noong nakaraang taon at 81% na ngayong taon. Nadagdagan din ang
listahan ng mga sakit na maipapagamot ng libre dito. Kabilang na rin ang breast cancer, prostate
cancer, acute leukemia, kung saan ang mga ito ay kasama sa tinatawag na Expanded Z Benefit
Package. Tumaas na rin sa 18 taon mula 14 taong gulang ang edad ng mga mamamayang
maaring makasali sa programang ito. Sa ganitong paraan matutulungan ang mga tao na edad 18
pataas sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan at gastusin.



Reaksyon

Ako ay natutuwa sapagkat marami na ring pagbabago ang ating bansa kahit na marami
rin tayong problemang kinakaharap. Maraming batas ang naipatupad at marami ring
nakabinbing proyekto at programa ang nagpatuloy na. Sinasang-ayunan ko ang pagtaas nila sa
edad ng kwalipikasyon sa Pantawid Pamilya Program at ang pagdaragdag ng mga sakit na
maaari nang ipagamot ng libre. Napakalaking tulong nito sa mga mahihirap lalo nat ang mga
sakit na gaya ng cancer at leukemia ay inaabot ng halos milyon sa pagpapagamot. Sa tulong ng
PhilHealth, mababawasan ang gastusin sa pagpapagamot sa mga maysakit.

You might also like