You are on page 1of 5

Budismo (Buddhism)

(Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan")


Ang Budismo (Buddhism) ay isa sa mga nangungunang relihiyon ngayon sa daigdig
pagdating sa dami ng taga-sunod, pamamahagi sa heograpiya, at impluwensiya sa lipunan at
kultura. Habang ito ay isang malaking relihiyon sa silangan(Thailand, Myanmar, Cambodia
etc.) , ito ay nagiging kilala at maimpluwensya rin sa mundong kanluranin(Italy, Europe,
Russia etc.).
Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitong karapatan, bagaman marami itong
pagkakahalintulad sa Hinduismo na parehong nagtuturo ng Karma (tuntunin ng sanhi-
epekto), Maya (ang ilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling pagkakatawang-
tao).
Ang mga Budista (Buddhist) ay naniniwala na ang pinaka-layunin sa buhay ay ang makamit
ang tinatawag nilang enlightenment o Nirvana. (Awakened- having visions or
supernatural experiences)
The eight-fold path :
a.Right mindfulness- the heart of the Buddha's teaching. A whole-body-and-mind
awareness of the present moment or how you react.
b.Right View- It is the right way of looking at life, nature, and the world as they really are for
us. It is to understand how our reality works. (right understanding)
c.Right Intentions- having good will; and a commitment to non-violence, or harmlessness,
towards other living beings.
d.Right Speech- the way in which a Buddhist practitioner would best make use of their
words.
- Abstaining from lying, from divisive speech, from abusive speech, and from idle chatter.
e.Right Action- to be morally upright in one's activities, not acting in ways that would be
corrupt or bring harm to oneself or to others.
f.Right Livelihood- This means that practitioners ought not to engage in trades or occupations
which, either directly or indirectly, result in harm for other living beings.

The five types of businesses that should not be undertaken:
1.Business in weapons: trading in all kinds of weapons and instruments for killing.
2.Business in human beings: slave trading, prostitution, or the buying and selling of children or
adults.
3.Business in meat: "meat" refers to the bodies of beings after they are killed. This includes
breeding animals for slaughter.
4.Business in intoxicants: manufacturing or selling intoxicating drinks or addictive drugs.
5.Business in poison: producing or trading in any kind of poison or a toxic product designed to
kill.

g.Right Effort- the practitioners should make a persisting effort to abandon all the
wrong and harmful thoughts, words, and deeds.
h.Right Concentration- (right meditation) , contemplation of spiritual matters,
especially as a religious practice. Traditionally, the practice of samadhi (concentration) can be
developed through mindfulness of breathing (anapanasati), through visual objects (kasina), and
through repetition of phrase.
Ano ang mga natuklasan ni Guatama? Ang enlightenment ay makakamit sa pamamagitan ng
gitnang daan, hindi sa pagpapakasasa sa kaluhuan kundi sa mortipikasyon ng sarili. Higit pa
rito, natuklasan niya ang tinatawag na apat na maharlikang katotohanan1) ang mabuhay ay
magdusa (Dukha), 2) ang pagdurusa ay hatid ng pagnanais (Tanha, or attachment), 3) maaalis
ang pagdurusa sa pamamagitan ng pag-alis sa lahat ng attachment at 4) ito ay makakamtan sa
pagsunod sa noble eightfold path. Ang eightfold path ay nabubuo sa pagkakaroon ng
tamang 1) pananaw, 2) hangarin, 3) pananalita, 4) kilos, 5) buhay (bilang monghe), 6)
pagsisikap (wastong paggabay sa enerhiya), 7) pag-iisip (pagninilay), at 8) konsentrasyon
(pokus). Ang mga katuruan ni Buddha ay tinipon sa tinatawag na Tripitaka o three baskets.
Ang Theravada ay ang konserbatibong anyo ng Budismo kung saan limitado ang ultimate
enlightenment at nirvana na para sa mga monghe lamang, habang ang Budismong Mahayana
ay mas pinalawak ang layunin ng enlightenment maging para sa mga karaniwang tao o sa mga
hindi monghe. Sa mga kategoryang ito ay matatagpuan ang maraming sangay na kabilang ang
Tendai, Vajrayana, Nichiren, Shingon, Pure Land, Zen, and Ryobu, at iba pa. Kaya naman
mahalaga sa mga nais maintindihan ang Budismo na huwag ipagpalagay na kanilang nalalaman
na ang lahat ng detalye sa isang partikular na pag-aaral ng Budismo, samantalang ang kanila pa
lamang napag-aaralan ay ang klasiko at makasaysayang Budismo.
Kamatayan
Ayon sa Mahaparinibbana Sutta ng kanon na Pali, sa edad na 80, inanunsiyo ni Buddha na
sandaling maaabot na niya ang Parinirvana na huling katayuang walang kamatayan at kanyang
lilisanin ang kanyang katawang panglupa. Pagkatapos nito, kinain ni Buddha ang kanyang huling
pagkain na kanyang natanggap bilang handog mula sa panday na si Cunda. Si Buddha ay
nagkasakit at inutos ni Buddha sa kanyang lingkod na si nanda na hikayatin si Cunda na ang
pagkaing kanyang kinain ay walang kinalaman sa kanyang pagpanaw at ang pagkaing ito ang
pagmumulan ng pinakadakilang merito dahil ito ay nagbigay ng huling pagkain para sa isang
Buddha. Ayon kina Mettanando at von Hinber, si Buddha ay namatay sa mesenterikong
inparksiyon na isang sintomas ng matandang edad sa halip na pagkalason sa pagkain. Ang mga
tiyak na nilalaman ng huling pagkain ni Buddha ay hindi maliwanag sanhi ng pagkakaiba sa mga
tradisyong skriptural at hindi kalinawan sa salin ng ilang mga mahahalagang termino. Ang
tradisyong Theravada ay naniniwalang si Buddha ay inalukan ng isang uri ng karne ng baboy
samantalang ang tradisyong Mahayana ay naniniwalang si Buddha ay kumain ng isang kabuti na
maaaring nakakalason.
THERAVADA BHUDDISM
Ang Theravada -- literal na "ang mga Turo ng mga Nakatatanda" o "ang Sinaunang Pagtuturo"
ay ang pinakaluma na nananatiling paaralang Budismo. Ito ay itinatag sa India. Ito ay maiuugnay
bilang konserbatibo at sa pangkalahatan, ang pinakamalapit sa sinaunangh Budismo at sa
maraming mga siglo ay naging ang nangingibabaw na relihiyon sa Sri Lanka (malapit sa 70% ng
populasyon) at sa karamihan ng mga bansa sa kontinental Timog-silangang Asya (Cambodia,
Laos, Burma, Taylandiya). Ang Theravada ay sinasanay rin sa mga maliliit na pangkat sa mga
bahagi ng timog-kanluran ng Tsina (ng mga pangkat etniko ng Shan at Tai), Biyetnam (ng
Khmer Krom), Bangladesh (ng mga pangkat etniko ng mga Barua, Chakma, at Magh), Malaysia
at Indonesia, at sa kasalukuyan ay nakakukuha ng pagkakakilala sa Singgapur at sa Kanluraning
Mundo. Ang Budismong Theravada ay maroong 100 milyong mga tagasunod sa buong mundo at
sa mga kasalukuyang dekada ay ang Theravada ay nakaaangat na sa Kanluran at sa pagbabalik
ng Budismo sa India.
Mga haligi ng Theravda
Ang pinakamahalaga at ang pangunahin, ang pilosopiyang Theravada ay isang tuloy-tuloy na
mapanuring pamamaraan ng buhay, hindi lamang isang lipon ng mga etika at gawain o ritwal.
Ang pinakamataas na teorya ng Theravada ay gumagait sa Apat na Dakilang Katotohanan na
kilala rin sa ngalang ang Apat na Dakilang Katotohanan. Ang pinakapayak na porma nito ay
mailalarawan bilang ang suliranin, ang sanhi, at ang daan sa sagot o solusyon
(pagsasakatuparan).
Ang Apat na Dakilang Katotohanan
Ang pormal na paglalarawan ng Apat na Katotohanan ay ang mga sumusunod:
Dukkha (paghihirap): Ito ay maaaring mapalawak ang uri sa tatlong kaurian. Ang likas na
paghihirap, o ang paghihirap na ang isang tao ay dumadaan sa lahat ng mga gawain sa mundo na
kung ano ang pinaghihirapan ng tao sa mga pang-araw-araw na gawain: pagkapanganak,
pagtanda, mga kasakitan, kamatayan, kalungkutan, at iba pa. Sa ibang salita, ang lahat ng
nararanasan ng isang tao mula sa paghihiwalay mula sa pagkakabit ng "pagmamahal" at/o
pagkakabit ng "pagkamuhi" at ang mga nakapaligid sa termino. Ang ikalawang uri ng paghihira,
ang Paghihirap bunga ng Pagbabago ay nagsasabi na ang mga bagay ay naghihirap dahil sa
pagdikit ng kanilang mga sarili sa isang panandaliang kalagayan na ang bagay na iyon ay
"mabuti"; ngunit kapag iniba ang kalagayan, maghihirap. Ang ikatlong ay ang Sankhara Dukkha
ay ang pinakadalubhasa. Ang mga nilalang ay naghihirap dahil sa hindi pag-alam na sila ay
kabuuuan lamang na walang nagbabagong katauhan.
Dukkha Samudaya (sanhi ng paghihirap): Ang pagnanais na humahangtong sa Pagkakabit at
Kasabusan ay ang sanhi ng paghihirap. Ito ay may pormal na terminong Tanha. Ito ay maaaring
mauri sa tatlong magkakaibang mga bunsod. Kama Tanha aya ang Pagnanais para sa mga
nakapagbibigay-lugod na nadarama (na sinasamahan ng nahihipo, nakikita, naririnig,
nalalasahan, naamoy at sa pag-iisip). Ang Bhava Tanha ay ang Pagnanais sa pagdidikit sa isang
tulo-tuloy na paraan na naipapakita sa ilang mga anyo kasama na ang kasabikan sa buhay. Ang
Vibhava Tanha ay ang Pagnanais para sa pagkahiwalay sa pamamaraan na kasama na ang
kawalang-buhay at nagbubunga sa kagustuhan sa pagkasira ng sarili.
Dukkha Nirodha (pagtigil o paghumpay sa paghihirap): Ang isang tao ay hindi maaayon ang
mundo ayon sa sariling kagustuhan para matanggal ang paghihirap at ang pag-aasa ay mananatili
panghabangbuhay. Ito ay lalabag sa prinsipyo ng pagbabago na kung anumang bagay ay walang
bunga sa kapayapaan ng isispan ng isang tao. Sa madaling sabi, ang ikatlong Dakilang
Katotohanan ay nagpapakita na ang pagtanggal ng sanhi (Pagnanais) ay ang pagtatanggal din ng
bunga (paghihirap). Ito ay pinanghahawakan sa kasulatang sinabi ng Buddha na 'Kung anuman
ang magmula mula sa isang sanhi ay maitatanggal ng pagtanggal sa sanhi'.
Dukkha Nirodha Gamini Patipada (daan patungo sa kalayaan mula sa paghihrap): Ito ay
ang Dakilang Waluhang Daan patungo sa kalayaan at Nirvana. Ang daan ay maisasalin sa
Wikang Ingles bilang ang tamang tanaw, tamang kagustuhan, tamang pananalita, tamang
paggawa, tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kamalayan at tamang konsentrasyon.
Mga pista at kaugalian
Magha Puja
Vesakha Puja
Asalha Puja
Uposatha
Vassa (Ulang Pag-urong)
Yamang pinanghahawakan nila na ang kasalanan ay impersonal at pagkakamaling naitutuwid,
ang Budismo ay hindi sumasang-ayon sa doktrina na ang lahat ay makasalanan (doctrine of
depravity), isang pangunahing doktrina ng Kristiyanismo. Sinasabi sa Bibliya na ang kasalanan
ng tao ay isang eternal na suliranin at mayroong walang hanggang konsekwensya. Sa Budismo,
hindi kinakailangan ang Tagapagligtas upang iligtas ang mga tao sa kanilang kasumpa-sumpang
kalagayan. Para sa mga Kristiyano, si Hesus ang tanging daan upang maligtas sa walang
hanggang kapahamakan. Para sa mga Budista (Buddhist), makakamit lamang ang matuwid na
pamumuhay sa pamamagitan ng pagninilay sa pag-asa na makamit ang enlightenment at
Nirvana. Kinakailangan din na dumaan ang tao sa paulit ulit na pagkakatawang-tao
(reincarnation) upang mabayaran ang naipong utang dahil sa karma. Para sa mga tunay na taga-
sunod ng Budismo, ang relihiyon ay isang pilosopiya ng moralidad at etika, na kinapapalooban
ng pagtatakwil sa sarili. Sa Budismo ang realidad ay hindi personal at hindi magkaka-ugnay;
kaya naman hindi ito kaibig-ibig. Hindi lamang ang hindi totoo ang Diyos, kundi itinuturing ang
kasalanan bilang isang pagkakamali lamang at ang pagtanggi sa lahat ng materyal na realidad
bilang tinatawag na maya (illusion), kahit ang ating sarili ay nawawala sakanyang sarili.
Ang ating mga personalidad mismo ay nagiging isa lamang ilusyon.
Sa tuwing tinatanong kung paano nagsimulang umiral ang mundo, sino o ano ang lumikha sa
sansinukob, sinasabing ang Buddha ay nananatiling tahimik sapagkat sa Budismo walang simula
at wakas. At sa halip, mayroong walang katapusang gulong ng pagkabuhay at kamatayan.
Itinuturo sa Budismo na ang Nirvana ang pinakamataas na antas ng katauhan, ang estado ng
pagiging dalisay, at ito ay makakamit sa indibidwal na kaparaanan. Ang Nirvana ay
sumasalangsang sa mga lohikal na kaayusan at rasyonal na paliwanag at samakatwid ay hindi
maaaring maituro, itoy sa isip lamang. Sa kabilang banda, ang katuruan ni Hesus tungkol sa
langit ay tiyak. Kanyang ipinaalam na ang ating mga pisikal na katawan ay mamamatay ngunit
ang ating kaluluwa ay aakyat sa langit upang Kanyang makasama (Marcos 12:25). Itinuro ng
Buddha na ang mga tao ay walang sariling kaluluwa at ang mga sarili ay pawang mga ilusyon
lamang.

You might also like