You are on page 1of 2

Hoy, kurimaw. Gising na! singhal ng isang lalaki habang marahas akong inaalog.

Ptngina. Ang aga aga mambulabog ng gago nato. Kitang ang himbing himbing ng tulog ko bigla bigla
na lang manggugulo.

JAMIE! HINDI KA BA TALAGA BABANGON DIYAN?! sigaw niya nang ilang beses niya nakong triny
gisingin at ilang beses ko na rin siyang inisnob. Nauubos na rin pasensya ko ah. Pag to hindi tumigil
papatumbahin ko to.

Ilang minuto ang lumipas at napansin kong wala nang nambubulabog na Kean. Salamat naman.
Napangiti ako at inayos ang kumot sa katawan ko at inayos ang ulo ko sa unan. Ahhh, makakatulog
na rin ng maayos!

5

4

3

2

1

*Splash!*

Napabalikwas ako ng bangon nang binuhusan ako ng lintek na tubig ni Kean! Hinighblood ako sa
ginawa niya.

PU-TANG-IN********************************************! sigaw ko kaya naman
napatakip ng tenga si Kean habang natawa rin ng napakalakas.

NATAWA KA PA TALAGA?! by now alam kong sobrang pula na ng mukha ko sa galit. Umuusok na
ilong ko dito sa kurimaw na to! Tang*na! Never ako nainis ng sobra tulad ng ganito!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA AHHH SHETE. Edi bumangon ka rin? sabi niya at
ngumising demonyo.

Abay gago ka talaga eh no? sigaw ko. Mabilis akong tumayo sa kama at naalarma siya sa ginawa
ko. Kinuha ko yung timba na nasa lapag at mabilis ko yon na ihinagis sa kanya.

Mabuti naman at nakapabor sakin ang timba at sinalubong ng mukha ni Kean ang nalipad na timba.

ARAAAAAAAAAAAAAAAAAY! MAAAAAAAAAAAAAA! SI JAMIE OH! sigaw niya habang iniinda ang
sakit sa mata niya. Nang makita ko na nagtagumpay ako sa pagbato kumalma nako. Revenge is so
sweet.

Humikab ako at nagstretch stretch pa na parang walang nangyare. Sunod namang kumalabog ng
sobrang lakas yung pintuan. Ahh, si mama to! HAHAHA!

*BOOG BOOG BOOG!*

Hala sige ma! Gibain mo tong bahay!

Binuksan ko ito at sumalubong sakin ang nahikab rin na nanay ko. Nginitian ko naman si mama at
sumimangot nanaman siya sakin.

Kayong dalawa, ang sarap sarap ng tulog ko, an gaga aga mambubulabog kayo.

Kayong dalawa, ang sarap sarap ng tulog ko! Ang aga aga mambubulabog kayo! Haaaay. Araw araw
na lang. HAHAHA

Eh ma, si Kean e, binuhusan ako ng tubig. Kumunot ang noo ni mama sa sinabi ko. Agad namang
nagreklamo si Kean at ibinaling ni mama ang tingin sa kanya.

EH MA! SI JAMIE EH! BINATO TONG TIMBA SA GWAPO KO NA MUKHA!

Babuyin natin yang gwapo mo na mukha, gusto mo? lalong kumunot ang noo niya at tumingin
sakin ng masama.

Ano? Siya kaya nagsimula! sabi ko sa kanya.

You might also like